Chapter 20 A Moment To Spare

3.8K 286 59
                                    

"Everyone wants the truth even if it always hurts. No one deserves a lie, for it breaks trust until a point that it cannot be fixed."


Irish POV


"Irish."

Napatingin ako sa babaeng kadarating lang dito sa resto na napili kong pagkikitaan naming dalawa.

"Ryle." Bati ko dito.

Humalik siya sa pisngi ko bilang pagbati bago naupo sa katapat kong upuan dito sa pangdalawahang lamesang napili ko. May inilapag siyang brown envelop sa ibabaw ng mesa pagkatapos.

Napatingin ako dito saka nag-angat ng tingin sa kanya. Lihim akong napapalunok. Kinakabahan ako pero gusto ko pa rin itong ituloy.

"Did you get it?" Tanong ko kahit na may idea na ako.

"Yes." Nakatitig siya ng diretso sa akin. "Thanks to Lauren. May nakuha siyang CCTV footage doon."

Bigla akong nakaramdam ng takot at pag-aalala.

"Hey." Idinantay niya ang palad sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "Don't worry, tayong tatlo pa lang ang nakakaalam nito. Wala pa akong pinagsabihan. Not until you say so."

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Thanks, Ryle."

"No prob, Irish." Sagot niya. "We're best friends right?"

Napa-eye roll ako. "Si Harper dati pero dahil busy na siya kay Catleya kaya napilitan kang ako na."

Natawa siya ng marahan. "Hindi naman." Depensa niya. "Uhm, bubuksan mo?" Kapagkuwa'y sumeryoso na siya.

Mabagal akong napabuntong-hininga. Tumango ako bilang tugon.

Kinuha ko ang brown envelop na dala niya at hinila palapit sa tapat ko. May pagdadalawang-isip akong buksan ito pero mas nanaig ang kuryusidad ko at ang kagustuhang malaman ang totoo.

"Irish, you don't have to do this." Sabi ni Ryleigh.

"I have to, Ryle. Paano kung...?" Napapikit ako saka napapalatak. "Bahala na nga."

Binuksan ko ang envelop at dahan-dahang inilabas ang laman nitong mga printed CCTV shots. Tahimik akong napasinghap ng makita ang mga nasa larawan. Napalunok ako. Isa-isa ko itong tinignan hanggang sa...

Nanginginig ang mga kamay na binitawan ko ang mga hawak na larawan saka napatakip sa mukha gamit ang mga palad.

Inilapit ni Ryle ang upuan sa tabi ko at inakbayan ako saka hinaplos-haplos ang braso ko. Hinayaan ko siyang i-comfort ako sandali.

Napakagat ako sa ibabang labi ng tanggalin ang mga palad sa pagkakatakip sa aking mukha. Hindi ko alam kung papaano magre-react sa mga nakita.

"Mukhang sincere naman na sayo si Gio e." Mahinang alo niya sa akin. "Tsaka nakikita naman namin kung papaano ka niya alagaan."

Natawa ako ng mapakla. Kinuha ko ang larawan na medyo malabo pero kitang-kita kung anong ginagawa ng dalawang tao sa loob ng sasakyan.

"Yan ba?" May lungkot at pait na inilapag ko ito sa harap niya. "'Yan ba ang sincere?"

Napabuntong-hininga si Ryle. "We don't know the whole truth, Irish. Hindi natin pwedeng i-judge si Gio based lang diyan sa nakikita natin sa larawan." Katwiran niya. "What if there's a whole lot more story than what we see?"

May point naman siya. Pero natural lang siguro naman na reaksyon ko ang magalit at magselos kapag nakita mo ang asawa mong may kahalikang iba, di ba?

"Talk to her." Payo ni Ryle. "Talk to Gio. Who knows, di ba? Baka naghanap lang ng closure 'yong tao."

IrishWhere stories live. Discover now