Chapter 23 Lonely As It Gets

4.5K 336 138
                                    

"So it's true when all is said and done, grief is the price we pay for love."


Irish POV


"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong ni Evelyn ng pinagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang hotel room.

Honestly, ngayon ko lang siya nakita ng personal. Maganda siya, sexy, mukhang hindi siya basta-basta kung sino lang na babae... hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ni Gio... I mean, kung bakit siya mahal ng asawa ko.

"Sinusundo ko na ang asawa ko." Hindi ko naitago ang pagseselos sa tinig ko.

"Eve."

Alam ko ng makikita ko si Gio dito pero hindi ko inaasahan 'yong sakit na naramdaman ko the moment na nakita ko na siya... ng wala pang suot na pang-itaas. Pakiramdam ko para akong sinaksak na makitang magkasama sila... and only God knows kung ano pang ginawa nilang dalawa.

Napalunok ako at mariin na napatikom ang bibig. Puno ng galit at hinanakit ang mga tingin ng pinagpalipat-lipat sa ayos nilang dalawa.

"Umuwi na tayo, Gio." Pormal ang mukha at malamig ang tinig na sabi ko.

Hindi siya agad nakatugon habang nakatitig lang sa akin. Hindi ko nagustuhan 'yong napatingin pa muna siya kay Evelyn na para bang humihingi dito ng permiso bago sumagot.

"Kukunin ko lang 'yong mga gamit ko." Pormal din ang mukhang tugon niya bago tumalikod.

Nakabihis na siya ng muling bumalik sa kinaroroonan namin, sa nakabukas na pinto. Si Evelyn na hawak pa rin ang doorknob na tipong anumang oras ay isasara niya ito. At ako naman sa labas ng pinto nakatayo.

"Salamat ulit." Sabi pa muna ni Gio kay Evelyn ng palabas na ng pinto.

Parang pilit na tumango si Evelyn habang may pagsusungit pa rin sa mukhang nakatitig sa akin.

Wala kaming imikan habang pauwi ng bahay. Honestly, pinipigilan ko lang umiyak at magwala sa galit. Alam ko, may kasalanan ako kay Gio pero tama bang sa ibang babae siya tumakbo at hindi lang kung sinong babae, sa ex girlfriend niya na hanggang ngayon ay alam kong mahal na mahal pa rin niya? That's bullshit!

Nauna siyang pumanhik sa itaas. Sa kusina ako tumuloy. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa ref at uminom para pakalmahin ang sariling damdamin. Napasandal ako sa counter habang bumabalik ang isip sa mga nangyari. Mabilis kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko. Nagpasya na akong umakyat na rin sa taas pagkatapos.

Nakahiga na siya sa kama ng pumasok ako. Nakatalikod sa akin. Alam kong gising pa siya at nagtutulog-tulugan lang. Pumasok ako sa loob ng banyo para makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng pantulog. Tumutulo ang luha ko habang nasa harap ng sink at nagto-toothbrush.

Ilang beses akong eksaheradang napa-inhale exhale para kalmahin ang sarili. Masakit na 'yong mga mata ko sa kakaiyak.

Napatingin ako sa gawi niya ng sumampa ako sa kama. Humiga na rin ako patalikod sa kanya. Ilang sandali na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pilit na nagsusumiksik sa isip ko ang naabutan ko kaninang eksena sa hotel room ni Evelyn. Bumabangon na naman ang galit ko sa nakita kaya pumikit ako.

Narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya. Napalingon ako sa kanya. Abala na siyang nagtitipa sa kanyang cellphone ng malingunan ko, still, her back on me. Baka siya na naman ang kausap niya.

Napabangon ako sa kama. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.

"Bakit ka nagpunta sa kanya?" Tanong ko, di ko naitago ang hinanakit at sakit sa tinig.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon