Chapter 35 Win A Date

5K 357 115
                                    

"I'm selfish, impatient, and a little insecure. I make mistakes, I am out of control, and at times hard to handle. But if you can't handle me at my worst, then you sure as hell don't deserve me at my best."


Gio POV


Napapikit ako sabay napapalatak ng ilang beses. May pagsisising nagbaling ako ng tingin sa katabi. Nakahiga patalikod sa direksyon ko si Irish habang ako naman ay nakaupo pasandal sa headboard ng kama. Mukhang nagalit yata siya sa ginawa kong pagpapadalus-dalos sa nararamdaman ko. Gusto ko tuloy humingi ng sorry sa kanya.

Hindi ako nagsisisi o magso-sorry dahil may nangyari sa amin... magso-sorry lang sana ako dahil naging marahas ako no'ng una. Hindi dapat gano'n... nagpadala ako sa selos kaya pakiramdam ko na-disrespect ko siya bilang asawa ko sa pagiging marahas sa kanya kanina.

Dismayadong napasuklay ako sa buhok. Sa tuwing susubukan kong magsalita parang napipipilan ako. Haist...

Naagaw ng pansin ko ang magkakasunod na katok sa labas ng cottage. Muli ko itong pinakinggan baka kako nagkamali lang ako ng dinig. Ngunit naulit ito na may kasamang pagtawag na hindi ko masyadong maintindihan.

"Sandali lang ho!" Ako na ang nagpresentang magbukas dahil parang walang balak bumangon si Irish. Hindi nga ito gumagalaw sa kinahihigaan.

Bumaba ako ng kama at nagsuot lang ng boxer shorts bago lumabas ng kuwarto. Tinungo ko ang pinto at binuksan ito.

"M-ma." Bigla akong nakaramdam ng pagka-conscious ng mapagbuksan sila ni mommy Celine. Tig-isa sila ng kargang bata.

"Dada!" Sabay napahagikgik na bigkas ni Gwyn ng makita ako.

"Pumasok ho muna kayo." Sabay niluwagan ang awang ng pinto.

Nagkatinginan silang mag-asawa bago naunang pumasok si mommy Celine. Kinuha ko mula sa kanya si Ali na mamasa-masa pa ang mga mata, halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Mabilis kong pinunasan ang luha sa gilid ng kanyang mga mata gamit ang kamay.

"Sa cottage na sana namin patutulogin ang mga bata pero umiyak naman ng umiyak 'tong si Alistair." Sabi ni mommy Celine.

"Baka hindi pa po sanay." Sagot ko.

Ibinaba ni mama Taylor si Gwyn sa crib na dala namin sa pagpunta dito na nasa sala at binigyan ito ng laruan. Ibinaba din niya sa ibabaw ng sofa ang hawak na baby organizer bag.

"Si Irish Zandra?" Tanong ni mommy.

"Uhm, nagpapahinga na ho." Tugon ko pero kay Ali ako nakatingin. Para kasing hindi ko masalubong ang mga titig nila.

"Kayo kung sa amin muna ang mga bata." Suhestiyon ni mama Taylor.

"Naku, huwag na po!" Mabilis kong tanggi. "Nakakahiya naman po. Makukulit 'tong mga 'to e!" May nahihiyang ngiting dagdag ko.

"Ayos lang." Sagot naman ni mommy.

"Oo, para makapagpahinga naman kayong dalawa." Parang may ibang kalakip 'yong sinabi ni mama. O guni-guni ko lang?

Napangiti ako sa kanila. "Maraming salamat ho, pero siguro sa susunod na lang po. Baka kasi umiyak na naman 'to e." Tukoy ko kay Ali na nakayakap sa akin.

Napangiti si mommy Celine. "Mukha nga. Maka-dada yata 'yan." Saad niya. "Ikaw ang tinatawag."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Ikaw, Gwyn? Baka gusto mong sa amin ka na muna?" Nakangiting tanong ni mama sa kanya.

Nagkatawanan kami ng umiling ito ng ilang beses.

IrishWhere stories live. Discover now