Chapter 14 Hopeful

3.9K 276 83
                                    

"Happiness means you."


Irish POV


Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Napabaling-baling ang ulo ko sa unan habang pilit na ibinubuka ang aking mga mata. Para bang ang bigat-bigat ng aking pakiramdam at ang mga talukap ko ay nakadikit na at ayaw bumukas.

"Irish, anak?" Bahagya ko lang itong narinig.

Ibinigay ko ang buong lakas para maidilat ang aking mga mata. Ang puting kisame ang sumalubong sa aking paningin.

"Hija?" Tinig iyon ni mama.

Nagbaling ako ng tingin sa mga taong nasa gilid ng kinahihigaan ko. Nakita ko ang mukha nina mama Taylor at mommy Celine, kasama si mama Joan.

"Where am I?" Parang hindi ko naririnig ang sariling boses sa hina nito. Ang sakit din ng lalamunan ko.

"Nandito ka sa ospital." Sagot ni mommy. "Dinala ka nila dito kagabi dahil ang taas-taas ng lagnat mo."

I don't remember any of that. Naigala ko ang paningin sa loob ng silid. Nandito rin si ate Lily. Napangiti siya sa akin sabay hinawakan ako sa braso. Nakatayo siya sa kabilang side.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya.

"I don't feel okay." Napahawak ako sa ulo ko. "Nauuhaw ako." Sinubukan kong bumangon pero agad nila akong pinigilan.

"Sandali lang." Si mama Joan. "Ikukuha kita ng tubig." Tsaka tumalima.

Ini-reclined ni mama ang kinahihigaan ko para makaupo ako ng maayos. Agad na ibinigay sa akin ni mama Joan ang bottled water na may straw. Uminom ako dito pero parang ang pait ng lasa kaya hindi ako masyadong nakainom.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ni mommy Celine. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

Napailing-iling ako. Pero pakiramdam ko bigla akong nahilo sa ginawa. "Where's Gio?" Tanong ko ng mapansing wala siya dito sa loob ng kuwarto.

"Lumabas sila sandali ni Brook para bumili ng makakain." Sagot ni ate Lily.

Hinawi ni mama ang ilang hibla ng buhok ko saka hinaplos-haplos ang ulo ko. "You need rest. Kailangan mo munang mahiga."

"Hindi po ako inaantok." Sagot ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok si ate Brooklyn... kasunod ang kanina pa hinahanap ng mga mata ko. Nagtama ang aming mga mata ni Gio ngunit agad siyang nag-iwas na ipinagtaka ko.

"Oh, good you're already awake!" Bulalas ni Brook ng makita ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Napansin ko si Gio na dinala ang mga hawak sa ibabaw ng mesa sa bandang gilid. May sariling kitchen ang private room na kinaroroonan ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo, sis?" Malambing na tanong ni Brooklyn sa akin.

"Not good." Sagot ko pero kay Gio nakatingin.

"Kumain na tayo." Hayag niya ng matapos maihanda ang ilang takeout food na inilapag niya sa ibabaw ng mesa.

Nagtungo silang lahat doon. May dinampot si Gio na pagkaing nasa styro bowl tsaka lumapit sa akin.

"Nagugutom ka na?" Tanong niya.

"Yes." Pagsisinungaling ko. Gusto ko kasi na katabi siya kaya nagdahilan na lang akong gutom.

"Saglit lang." Kumuha siya ng kutsara saka bumalik sa kama. Naupo siya sa gilid paharap sa akin. "Kumain ka nito para lumakas ka."

Pinapanood ko siya habang hinihipan niya ang biniling sopas mula sa isang sikat na Filipino fastfood chain bago iniumang ito sa akin. Kahit hindi ako nagugutom ay tinanggap ko pa rin ito. Napangiwi ako ng malasahan ito. Mapait din gaya ng sa tubig.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon