Chapter 27 Worlds Apart

5.1K 352 153
                                    

"Distance never separates two hearts that really care, for our memories span the miles and in seconds we are there. But whenever I start feeling sad cause I miss you I remind myself how lucky I am to have someone so special to miss." 


Irish POV


"Salamat po, kuya." Nakangiting sabi ko sa security ng airport na tumulong sa akin para madala sa labas ang isa sa mga luggage trolleys habang tulak-tulak ko ang isa pang cart kung saan nakasakay sa basket nito ang isang batang lalake na nasa labing-isang buwang gulang.

"Wala hong problema, ma'am." Nakangiti ng tipid na sagot nito.

Bibigyan ko sana siya ng tip kaso hindi niya tinanggap. Nakita rin kasi niya kung gaano ako nahihirapan habang nakatulog ang isa pang batang lalake na nakalagay sa front-facing carrier.

"Alistair, no." Saway ko sa batang makulit ng mapansing kinakalikot ng maliliit nitong daliri ang bukasan ng bag ko na nasa cart.

Halos sa buong biyahe ay napaka-hyper nito. Buti na lang at panay ang tulog nitong isa. Gustong-gusto ko ng maupo. Ang bigat na ni Gwyn. Pero mas makulit si Alistair.

"Irish, hija!"

Awtomatiko akong nagbaling ng tingin sa tumawag sa pangalan ko. Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko ng makita sina mama Taylor at mommy Celine, kasunod nito sina Brook at ate Lily.

"Ma!" Sinalubong ko ito ng yakap at halik sa pisngi. "Mommy." Saka sumunod si mommy Celine.

Niyakap at binati rin ako ng halik nina Brook at ate Lily. Napahagikgik naman si Alistair ng binuhat ito ni mama.

"Ba't gising na gising itong makulit?" Natutuwang saad ni mama Taylor.

Marahas akong napabuga ng hangin. "Hay naku, ma!" Bulalas ko. "Napaka-hyper niyan! Buti na lang po kamo at mababait 'yong mga flight attendants tsaka ibang pasahero."

"Akin na si Gwyn." Sabi naman ni mommy.

Tinulungan ako ni Brook na tanggalin ang lock at strap ng baby carrier para makuha ni mommy mula sa akin ang natutulog pa ring si Gwyn. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng wala na akong karga.

"Let's go?" Tanong ni mama pero kay Alistair nakatingin.

Saka lang nagising si Gwyn ng nakasakay na kami ng sasakyan. Si Brook ang nagmaneho, si mama sa frontseat habang ako, si mommy at si ate Lily sa backseat. Kinarga ni ate Lily si Alistair na tuwang-tuwang nakamasid sa labas ng bintana.

"Good morning, Gwyn." Natutuwang bigkas ni mommy ng mapansing gising na ito.

Parang nahihiyang itinago nito ang mukha sa dibdib ni mommy. Napangiti ako. Mas tahimik kasi ito kaysa sa kuya niya. Mas naunang lumabas si Alistair ng ilang minuto kaysa sa kanya.

"Babe, parang gusto ko na rin tuloy mag-baby." Sabi ni ate Lily habang tuwang-tuwa sa kargang bata.

Napangiti si Brook sa narinig. "Sure, kailan mo gusto? Mamaya na?"

Binatukan tuloy siya ni ate Lily. "Di halatang excited ka ha?"

Nakangiting nagkatinginan kami ni mommy. 

"Sa bahay muna kayo?" Tanong ni mama habang nasa biyahe na kami.

"Sa condo na lang po, ma." Sagot ko. Mas gusto kong umuwi sa bahay muna kung pwede.

"Okay, sige." Tugon niya. "Kain na lang muna tayo bago namin kayo ihahatid."

Magtatanghalian na naman kaya dumaan na kami sa isang Filipino restaurant. Tamang-tama, na-miss ko ang mga pagkain dito sa Pilipinas.

IrishWhere stories live. Discover now