Chapter 2 Second Thought

7K 350 119
                                    

"Love is a powerful form of expression, but it can be difficult to achieve and maintain. So, it's just as likely love also causes you pain and anger. Likely, the more you love someone, the more you get hurt or hurt that person."


Gio POV


"Ate, baka naman pwede pa natin itong pag-usapan?" May himig pakiusap ang tinig ni mama habang magkakaharap kaming nakaupo sa sala ng umagang iyon.

Sina mama at papa, na nakaupo sa armrest ng kinauupuan no'ng una. Sina lola Alexandra, tita Taylor naman sa isa pang single couch, si tita Taylor sa armrest. Magkakatabi naman sa mahabang upuan sina Harper, Ryle, Irish, na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin, at si Brooklyn na ang sama ng tingin sa akin. Ako naman ay nakatayo pasandal sa dingding habang nakikinig sa kanila. Halos si mama at si lola Alexandra lang naman ang nagsasalita.

"Joan, alam mo kung anong stand ko pagdating sa aming mga panuntunan." Sagot ni lola Alexandra kay mama.

Ate ang tawag ni mama sa kanya simula pa man noon. Ang lola Idad ko ang naging mayordoma noon ng pamilya nina lola Alex, naging napakalapit ng huli sa lola ko. Itinuring niya itong parang pangalawang ina. Close na close din sina mama at lola Alex, at itinuturing na ni lola si mama bilang nakababatang kapatid. Si lola Alex pa nga ang nagpaaral kay mama sa kolehiyo, simula ng mamatay sina lolo't lola. Kaya nga noong makapag-asawa si lola Alex kay lola Arabella ay kay mama niya ipinagkatiwala ang pamahahala dito sa hacienda, dahil sa laki ng tiwala niya sa mama ko.

"At sa apo ko pa talaga?" May himig hinanakit sa kanyang tinig ng muling magsalita. "Apo ko mismo!" Saka ako tinapunan ng masamang tingin.

Ako ang nagbaba ng tingin. Nahihiya ako sa nangyari, oo, pero hangga't maaari naman sana ay hindi aabot sa kung ano'ng hinihingi nina lola ang kakahantungan nitong usapan na 'to. Paano na ang mga pangarap namin ni Evelyn? Paano na siya? Paano na kami? Paano na ako?

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko, ate." Pagpapakumbaba ni mama. Makikita sa kanyang itsura ang pagkaaburido at pagkapahiya sa nangyari.

"Hindi lang 'yon ang hinihingi namin, ate Joan." Noon ko lang narinig ang tinig ni tita Taylor buhat ng dumating sila dito. "Kundi ang pangatawanan niya ang reputasyon ng anak ko." Diretso itong tumingin sa akin, again, ako ang unang nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanilang titig. "Kilala niyo naman si Irish, hindi siya basta-basta kung sino lang na babae na pwedeng sipingan ng kahit na sino lang at basta na lang iwan ng gano'n-gano'n lang!" Puno ng galit na dugtong pa niya. Aaminin kong nasagi niya ang damdamin ko sa huling pangungusap.

Natahimik ang lahat pagkatapos. Mararamdaman sa ere ang tila kumakapal pang tensyon sa pagitan ng aking pamilya at pamilya ni lola Alexandra. 

"Pwede ho bang..." Noon ko lang narinig ang tinig ni papa. Tahimik lang siyang tao pero kung magsalita, pinal na. "... bigyan niyo kami ng sapat na panahon para pag-usapan ito ng aking pamilya?"

Tinitigan lang siya ni lola Alexandra.

"Pero ipinapangako kong hindi tatakbuhan ni Gio si Irish." Patuloy niya.

"Pa." Hindi makapaniwalang bigkas ko.

Hindi agad nakakibo si lola Alexandra na halatang pinag-iisipan ang sinabing iyon ni papa. Kapagkuwa'y, kinuha niya ang tungkod tsaka tumayo mula sa kinauupuan.

"I'll give you until tomorrow." Kasabay ng pagtayo niya ang pagkakasabi niya nito. "Enough na siguro 'yon para maihanda niyo si Gio." Sabay tingin sa akin. "Hindi naman siguro kailangan ng pamilya kong mag-request sa awtoridad ng travel ban, hindi ba?" Maawtoridad nitong hayag bago ito pumihit patalikod at naglakad palabas ng bahay.

IrishWhere stories live. Discover now