Chapter 31 Tattooed On My Mind

4.9K 346 158
                                    

"When it's time for souls to meet, nothing on earth can prevent them from meeting, no matter where each may be located. When two hearts are meant for each other, no distance is too far, no time is too long, and no other love can break them apart."


Irish POV


"Pakilagay niyo na lang dito."

Sabi ni Gio sa dalawang delivery boy na may buhat-buhat ng binili daw niyang isang kama ng bata at crib kahapon. Kumpara sa naunang crib ay mas mataas na ito. Iba na rin ang design para hindi maakyat ng mga bata.

"Ingat lang." Sabi pa niya.

"Momma! Momma!" Bigkas ni Gwyn kaya napatingin ako sa kanya.

Nang mapatingin ako sa kanya ay nakatingin siya sa hawak ko. Abala ko kasi silang pinapakain ni Ali ng yogurt nang dumating ang mga nag-deliver ng order ni Gio.

Inihatid ni Gio ang mga ito sa labas ng gate. Isasara na sana niya ito ng may dumating na isang black sedan. Bumaba mula dito ang isang maganda at seksing babae. Napataas ang kilay ko ng makitang ngiting-ngiti si Gio dito saka bumati ng halik sa pisngi. Sabay na silang naglakad papalapit sa bahay, nagkunwari na lang akong abala sa mga bata ng mapansing mapapadako ang tingin nila sa amin.

"Oh!" Narinig kong maarte nitong bulalas. "Sila na ba 'yon?!"

Napatikhim ng eksaherada si Gio kaya napilitan akong nag-angat ng tingin sa kanila. "Hmm, Irish si Maxine, kaibigan at katrabaho ko." Pakilala niya sa magandang babaeng katabi. "Max, si Irish, uhm, asawa ko." Muntik ng mapataas ang kilay ko sa narinig na hesitations niya sa dulo.

"Hi!" Masigla nitong iniabot ang kanang kamay.

Ngumiti ako ng tipid dito. "Hi." Tipid ko ding tugon saka tinanggap ang pakikipagkamay niya.

Napatingin siyang muli sa mga batang nakatayo sa crib na ibinaba ni Gio kanina para dito muna kami sa labas ng bahay, malapit sa pinto para makasagap ng hangin ang mga ito.

"Aww, ang ku-cute nila G!" Tuwang-tuwang bigkas ni Maxine habang hinahawakan sa pisngi ang dalawang bata. "Ang guguwapo naman!"

"Syempre, kanino pa ba magmamana kundi sa dada nila." Nakangising mayabang na sagot ni Gio.

"Ay wait!" Bigkas ni Maxine ng siguro ay may maalala. "'Yong gift ko para sa mga babies nasa kotse." Sabi niya. "Balikan ko lang muna." Paalam niya saka nagmamadaling bumalik sa sasakyan nito.

Napatingin ako kay Gio at mahuli itong hatid ito ng tanaw. Nang magbaling siya sa akin ng tingin at mahuling nakatingin ako sa kanya ay agad na nawala ang ngiti niya.

"Uhm," Napatikhim siya. "Humingi pala ako ng favor kay Max noong Lunes pa na kung pwede ay tulungan niya akong mag-decorate sa nursery room." Paliwanag niya.

"Ba't ka nagpapaliwanag?" Seryoso ang mukhang tanong ko. "Tinatanong ko ba?"

Ibinuka niya ang bibig ngunit hindi na nakakibo pa. Hindi na rin naman ako nagsalita at ibinalik na ang atensyon sa mga bata.

"Here." Iniabot sa akin ni Maxine ang dalawang paperbags na kulay blue. May pictures pa ng babies bilang design nito. "My gift for Alistair and Gwyn."

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit niya alam ang pangalan ng mga bata. May tipid na ngiting tinanggap ko ito at nagpasalamat sa kanya.

"Uhm, okay lang ba na magsimula na tayo?" Tanong ni Gio sa kanya.

"Sige." Nakangiting sang-ayon naman ni Maxine.

"Hon, s-sa taas muna kami." Paalam ni Gio sa akin ng makapasok si Maxine sa loob ng bahay. Parang madalas yata ito dito dahil at home na at home na kung kumilos.

IrishWhere stories live. Discover now