Chapter 18 Mixed

3.9K 265 89
                                    

"The day I met you I knew that this was not going to be just for a day. I know that I will see your sweet face every day, that I will know you and live with you for the rest of my life."


Gio POV


"How will you define me in three words?" Tanong ni Harper sa asawa nitong si Catleya habang nagkakasayahan kami ng matapos kaming kumain ng pananghalian.

Nandito kami sa bahay nina lola Arabella, malapit sa gazebo. Ngayon lang kami nakadalo ni Irish ng weekly luncheon meeting ng mga Montalban dahil sa umuuwi kami sa hacienda sa tuwing weekends. Magkakatabi ang mga mag-aasawa pwera kina Ryleigh at Cryle na wala pang asawa. Mas bata lang yata si Cryle ng isang taon kaysa kay Irish. So bente na siguro ito. Si Ryle naman, kaedaran ni Harper pero hindi pa daw ito handang mahanap si the one niya. Kasalukuyang itong apprentice ni tita Ashley sa Media.Com.

Kung hindi ako nagkakamali, sina Kreme at Gabrielle lang ang wala dito. Pwera sa mga kamag-anak nilang nasa ibang bansa, kagaya ni Tito Flynn at ang pamilya nito. Tapos ang mga kamag-anak nila sa Batangas, 'yong kapatid ni lola Abby.

"Bakit tatlo lang?" Ganting sagot ni Catleya kay Harper. "Gawin mo ng apat."

Mayabang na napapalatak si Harper. "Love, huwag mo namang ipahalata na patay na patay ka sa akin." Nakangising tugon ni Harper na ikinaikot lang naman ng mga mata ni Catleya. "Okay sige, ano 'yong apat."

Napangisi si Catleya. Nag-aabang lang naman kami sa kung ano ang sasabihin niya. "Ba-ba-e-ro."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Cat pwera kay Harper na nawala ang ngisi sa mga labi sa isinagot ng asawa.

"Love naman. Hindi naman 'yon apat e!" Nakalabing napapakamot ito sa batok na reklamo niya.

"Ako babe?" Si JC naman ang nagtanong sa asawa nitong si Lauren. Si tita Jazmine yata ang may hawak ngayon sa baby nila. "How will you define me in three words?"

Napangisi din si Lauren. "Madali lang 'yan, babe." Mayabang nitong tugon. "Ma-ar-te." Ginaya niya si Cat.

Pinandilatan tuloy siya ni JC saka kinurot sa tagiliran. Ngiwing-ngiwi si Lauren na ikinatawa namin. "Ayusin mo!" Masungit na sabi ni JC sa kanya.

Mayabang na napapalatak din si Ryleigh. "Gayahin niyo kasi ako." Nakangising sabi niya. "Loyal 'to." Proud niyang hayag.

"Loyal sa lahat!" Ganti naman halos ng lahat sa sinabi niya.

Napapakamot na lang siya sa ulo.

Natapos ang munting okasyong iyon na masaya ang lahat. Isa-isang nagpaalam ang lahat sa bawat isa at sumakay sa kanya-kanyang dalang sasakyan.

"Gio." Tawag ni lola Alexandra sa akin habang nagpapaalam kami sa iba pang naririto. "Halika sandali."

Agad naman akong tumalima at lumapit sa kanya. "'La, ano po 'yon?"

"May balak kasi akong bumili ng isa pang kabayo." Pagbibigay-alam niya. "Alam kong marunong kang kumilatis, kaya ikaw sana ang aatasan kong tumingin pagdating nito sa hacienda."

"Ho?" Nahihiyang napakamot ako sa kilay. "E... may mas magaling pa po sa akin doon, lola." Saad ko. "Si pareng Jolo, magaling din ho 'yon."

Napangiti si lola Alex saka ako tinapik-tapik sa balikat. "Mas nasayo ang tiwala ko."

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "S-sige ho, kung 'yon ang gusto ninyo."

Nakangiting napatango-tango siya sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya ng matapos si Irish na makapagpaalam sa mga pinsan at mga tita niya.

IrishWhere stories live. Discover now