Chapter 38 Did I Win?

4.7K 314 140
                                    

"Relationships mostly end without closure. You may never know why things ended or fizzled out, whether was it you or was it them - and so many other unanswered questions. You will learn that if the relationship was never defined in the first place, then it will end without explanations too." 


Gio POV


Ilan sa mga nurses at pasyente na dumadaan dito sa waiting area ay napapatingin sa amin. Ang likot-likot ng batang karga ko. Kaya kami lumabas mula sa loob ng clinic ng Pedia na pinagdalhan namin kay Alistair dahil ingit ng ingit si Gwyn. Hindi mapirmi. Naiwan tuloy si Irish at Ali sa loob ng clinic. Kinailangan kong ilabas itong makulit.

Napansin kong may tumubo ng dalawang ipin sa bottom front teeth ni Gwyn. Kaya pala 'yong tsupon ng dede niya kinagat niya kaya nabutasan ng malaki. Ang sabi ni Irish, mas nauna daw lumabas si Ali kaysa kay Gwyn pero mas naunang nag-teething si Gwyn kaysa sa una. Narinig kong paliwanag naman ng Pedia kanina na hindi naman daw ibig sabihin na kambal sila ay kailangan ng magsabay silang tubuan ng ipin. Marami daw factors kung bakit nangyayari ang gano'n. 

"Anak naman e." Mahinahong saway ko sa kanya. "Bakit mo na naman kinagat itong tsupon mo?" Sinipat ko ng tingin ang bote ng kanyang gatas. Matatapon 'to panigurado kung hindi niya ubusin. "Sige na, ubusin mo na 'to o." Saka isinubo sa kanya ang bote ng gatas.

Buti naman at marunong itong makinig. Halos kakasubo ko lang nito sa kanya ay naubos na niya agad.

"Thank you, Dr. Mariano."

Mabilis akong napatayo mula sa kinuupuan ng marinig ang tinig ni Irish. Tulog na ang batang karga niya. Marahil ay dahil sa kakaiyak kanina habang tinitignan ng doktor.

"You're welcome, Irish Zandra." Nakangiting tugon ni Dra. Mariano sa kanya.

Ngumiti ako sa butihing doktora ng magpaalam si Irish sa kanya. Kinuha ko mula kay Irish ang hawak nitong bote ng gatas na halos hindi pa nagalaw. Ayaw ni Ali dumede sa bote, mas gusto niya ng breastfeed. Kagabi pa siyang ganyan.

"Tayo na?" Tanong ko kay Irish ng naglalakad na kami sa hallway ng hospital.

"Yes." Tipid niyang sagot habang inaayos sa pagkakakarga ang bata.

Naglakad na kami patungo sa parking lot ng hospital. Tinulungan ko siyang makapasok sa backseat, karga ang natutulog pa ring si Ali bago ko inilagay sa safety seat si Gwyn. Nang masigurong okay na sila doon ay pumasok na rin ako at sumakay sa likod ng manibela.

"Alam mo bang sinira ni Gwyn ang kanyang tsupon?" Pagbibigay-alam ko kay Irish ng nasa biyahe na kami pauwi.

"Baka tumutubo na rin ang ipin niya sa top front." Tugon niya.

Napapasulyap ako sa kanila sa rearview mirror. Umingit kasi ang karga niyang bata kaya pinadede niya.

"Dumaan na lang kaya tayo ng makakain?" Suhestiyon ko. "Mag-takeout na lang tayo."

"Ikaw ang bahala." Tipid niyang sagot.

Gusto ko sanang itanong kung galit pa rin ba sa akin 'to dahil sa late akong nakauwi kahapon pero hindi ko na lang muna ito inungkat.

Dumaan na lang kami sa isang restaurant para bumili ng pagkain. Ako na lang ang bumaba para bumili.

"Kuya, kuya!" Tawag ng isang batang lalake na may hawak na basket na naglalaman ng paninda nitong bulaklak. "Bili ka naman po ng paninda ko para sa girlfriend ninyo." Sabi nito.

"Ha?" Napakamot ako sa batok. Napatingin ako sa sasakyan na nasa gilid ng kalsada. "Magkano ba 'yan?"

Bumili ako ng tatlong pulang rosas bago bumalik sa sasakyan. Hindi ito napansin ni Irish ng makapasok ako sa loob dala ang biniling pagkain at bulaklak. Inilapag ko muna ito sa fronseat. Malapit na palang mag-Valentine's day kaya marami na namang nagtitinda ng bulaklak at kung ano-ano pang kaartehan para sa Araw ng mga Puso.

IrishNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ