Chapter 21 Surprise Me

4.3K 309 117
                                    

"Without respect, love is lost. Without caring, love is boring. Without honesty, love is unhappy. Without trust, love is unstable."


Irish POV


"Sandali." Natatawang sabi ni Gio ng nagpunta kami sa grocery store para bumili ng stocks sa bahay, araw ng Sabado. "Ako na." Giit niya.

Inagaw niya mula sa akin ang hawak kong push cart at siya na ang nagtulak nito. Ibinigay niya sa akin ang listahan na ginawa namin kanina sa kung anong dapat naming bilhin.

"Doon muna tayo sa canned goods." Sabi niya.

"Sa fresh milks muna kaya?" Suhestiyon ko.

"Okay sige." Mabilis naman niyang pagpayag.

"Dito na lang kaya muna sa may condiments?" Biglang bawi ko ng mapansing sa aisle na tinungo namin ay mas mauunang madadaanan ang mga condiments.

Natigilan si Gio saka natatawang napatingin sa akin. "Saan po ba talaga?" Kinuha niya mula sa akin ang listahan. "Patingin nga baka naman kasi walang nakasulat diyan."

Natatawa ring inagaw ko ito sa kanya. "Hayan o!" Sabay turo sa sulat kamay niya. "Ikaw pa nga ang nagsulat niyan e!"

"Ako ba?" Natatawa niyang ganti ng mapansin ang kanyang sulat kamay. "Ang pangit naman. Baka sayo?" Biro niya.

Pabiro ko siyang inirapan. "Sayo kaya 'to. Ang pangit -" Sinundot niya ako sa tagiliran kaya napatili ako ngunit mabilis kong natakpan ang bibig.

Tawa siya ng tawa. "Huwag kang maingay!" Saka napatingin sa paligid. Napapatingin na sa amin ang ibang nandoon.

Inihampas ko sa kanya ang hawak na listahan. "Ikaw kasi ang kulit mo!" Saka ulit siya pabirong inirapan. Inakmaan niya akong kikilitiin pero mabilis akong umiwas. "Gio!" Mahina ngunit may diing saway ko sa kanya.

"Hindi na. Hindi na!" Natatawa pa ring kinuha niya ang libreng kamay ko at hinila ako sa tabi niya. "Matatagalan tayo kung mangungulit ka pa."

"Ikaw kaya itong makulit." Natatawang ganti ko.

Nagpatuloy na kami sa pagkuha ng mga bagay na nasa listahan. Nasa section na kami ng mga gatas ng may tumawag sa pangalan ni Gio.

"Gio?"

Lumapit sa amin ang isang babaeng may kapayatan. Hindi maipinta ang kanyang mukha ng makitang hawak ni Gio ang kamay ko.

"So totoo nga ang sinabi ni Evelyn." May bahid ng galit nitong kompronta. "Na niloko mo siya."

Napatingin sa akin si Gio na parang lihim na humihingi ng pasensya. "Fiona." Baling nito sa babae.

"Ang kapal naman ng mukha mong gawin iyon sa kaibigan ko?" Para bang konti na lang ay susugurin na kami nito. "Pagkatapos ng lahat, lolokohin mo lang pala siya? At ano? Ipagpapalit sa mayaman?"

Mukhang napatiim-bagang si Gio sa huling sinabi no'ng babae. Marahan kong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kaya napatingin siya sa akin. Napailing ako ng bahagya para lihim siyang sabihan na wag itong patulan.

"Ma'am Irish." Isang lalaking naka-coat and tie ang lumapit sa amin.

"John." Sambit ko na may kasamang tipid na ngiti.

"May problema po ba?" Concern nitong tanong sa akin saka napatingin kina Gio at 'yong babaeng nagngangalang Fiona.

"Uhm, wala." Tugon ko saka ngumiti sa kanya. "By the way, si Gio nga pala, asawa ko." Pakilala ko sa katabi. "Gio, si John, ang Manager dito sa grocery store."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon