Chapter 13 High

4.1K 286 103
                                    

"A good relationship is with someone who knows all your imperfections and insecurities yet still loves you for who you are."


Gio POV


Napasinghap si Irish ng makita ang napakagandang tanawin at ang malinaw na tubig na malayang umaagos. Talaga namang refreshing ang magpunta dito sa batis. Lalo na kapag nakita na ang talon sa bandang dulo. Para itong nakakawala ng pagod at stress.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang masaya niyang mukha. Kumikinang ang repleksyon ng tubig sa kanyang mga mata.

Ngunit nawala ang pagkakangiti ko ng mapansin ang kanyang ginagawa. Nagtatanggal siya ng boots. Saka isinunod na tinatanggal ang butones ng suot na pulang checkered na long sleeve.

"Irish..." May pananaway na bigkas ko. "Hapon na."

Tinapunan lang niya ako ng tingin saka nagpatuloy sa paghuhubad ng damit. Napapailing-iling na lang ako habang tinatanggal na niya sa pagkaka-hooked ang suot na bra. Typical na Montalban, matigas ang ulo.

"Come on, Gio." Nanunuya pa niyang bigkas. "Natatakot ka ba na baka pagalitan ka ni mamay kapag naligo ka sa batis?" Nanghahamon pa! "You're already part of the clan, remember?"

Nakapameywang ako habang nasa isang paa ang bigat. Napasunod ang tingin ko ng bumagsak sa lupa ang natitira niyang saplot. Nang-aakit siyang napatingin sa akin bago naglakad patungo sa tubig.

"Irish." Muling saway ko. "Hapon na masyado para maligo dito. Baka sipunin ka pa. Bumalik na lang tayo bukas."

Pero huli na, nasa tubig na siya at parang nang-aasar pa ang mga ngiti niya sa akin. "Ang KJ mo talaga!"

Lumangoy siya pasulong sa tubig. Napapalatak ako at napailing-iling na lang dito.

"Mag-asawa ka nga naman oo ng isang kagaya niya." Bulong ko sa sarili. "Napakakulit."

Tinanggal ko ang suot na boots at isinunod ang suot na asul na long sleeve na itinupi ko hanggang siko. Napatingin siya sa gawi ko ng bahagya siyang umahon sa tubig. Hanggang taas ng kanyang dibdib ang kinaroroonan niya. Napaangat ang gilid ng kanyang labi ng mapansin ang paghuhubad ko.

Medyo malamig na nga ang tubig ng bumaba ako. Lumangoy ako ng ilang distansya tsaka napailing-iling para iwaksi ang tubig at napahilamos sa mukha.

"See?" Nakaangat ang gilid ng labing naglakad siya papalapit sa akin. Mas mababaw ang kinatatayuan ko. Hanggang baba lang ng dibdib ko. "Wala namang nagalit sayo, di ba?"

"Oo na po." Napapangiting tugon ko. "Ang tigas ng ulo mo." Dagdag kong komento.

Sinabuyan lang niya ako ng tubig bilang ganti. Sunod-sunod niya itong ginawa habang tumatawa.

"Irish!" May pagbabantang tawag ko sa kanya.

Hinawakan ko siya sa braso saka sinabuyan din siya ng tubig.

"Gio, tama na!" Tatawa-tawang tili niya habang pilit na umiiwas. Hindi naman siya makalayo sa akin dahil hawak ko siya sa braso.

"Uulit ka pa kasi." Hinila ko siya papalapit sa akin.

Napahilamos siya sa kanyang mukha para tanggalin ang tubig doon. Maaliwalas ang mukhang tumingin siya sa akin. Idinantay niya ang mga palad sa gitna ng dibdib ko ng hinapit ko siya sa beywang. Tumingin muna ako sa kanyang mga mata bago ko siya hinalikan sa labi. Agad na pumikit ang kanyang mga mata at iniyakap sa aking batok ang mga braso ng magdikit na ang aming mga labi.

Mas lalo ko pa siyang hinapit sa katawan ko ng nagsimula na siyang tumugon sa aking mga halik. Dikit na dikit na ang kanyang katawan sa akin. Ang kanyang isang kamay ay nasa ulo ko at abalang ginugulo ang maikling buhok ko.

IrishWhere stories live. Discover now