Chapter 24 Plan B

4.3K 343 168
                                    

"Relationships are like glass. Sometimes it's better to leave them broken than try to hurt yourself putting it back together."


Irish POV


Napabuntong-hininga ako ng walang kibong umalis ng kusina si Gio pagkatapos naming kumain ng hapunan. Halos isang linggo na kaming ganito. Ni minsan hindi niya ako kinikibo. Ni minsan hindi niya yata din ako tinatapunan ng pansin. Haist...

Tahimik akong naghugas ng pinagkainan namin. Natutulala ako sa kakaisip. Balak ko sana siyang kausapin pero sa tuwing susubukan ko parang umaatras naman ang dila ko. Ang hirap ng ganito. Parang kahapon lang ang saya-saya pa naming dalawa. Naghaharutan, naglalambingan... 

Nang matapos ako ay nagtungo na ako sa kuwarto. Magre-review pa ako. Final exam namin for this semester. Isang semester na lang matatapos na ako sa college.

Naabutan kong tumutunog ang message alert tone ni Gio. Dalawang beses iyon. Ayokong maging pakialamera pero para bang naiisip ko minsan na lihim pa rin silang nagkikita ni Evelyn. Lalo na kapag gano'ng late siya umuuwi sa gabi.

Napakunot-noo ako ng makita kung sino ang nag-text. Chris ang pangalan.

"Dude, may nakita na akong apartment malapit lang dito sa opisina. Baka pwede mo pang lakarin kung gusto mo. Tamang-tama na umalis na 'yong boarder. Tour kita bukas."

Napaisip ako sa nabasa ko. Naghahanap si Gio ng apartment? Para saan? Bakit?

Natigilan siya sa paglabas mula sa banyo ng makitang hawak ko ang cellphone niya. Mabilis na pumormal ang kanyang mukha. Bagong ligo lang siya, nakatapis nga lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Nagtama ang aming mga mata. This is the first time since forever.

Walang kibong lumapit siya sa akin at kinuha mula sa kamay ko ang hawak na cellphone saka tumalikod.

"Naghahanap ka ng apartment?" Naglakas loob na akong kausapin siya. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Bakit?" Again, wala siyang kibo.

Naglakad siya patungo sa walk-in closet. Sinundan ko siya doon. Natigilan siya sa pagtatanggal sana ng tuwalyang nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan ng mapansing sumunod ako.

"Gio, kausapin mo naman ako." Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.

Hindi pa rin siya kumikibo. Wala yata siyang balak na kausapin ako. Pero hanggang kailan?

"Hanggang kailan tayo magiging ganito?" Naiiyak ko na namang tanong. "Hanggang kailan mo ako balak hindi kausapin?" Dagdag ko. "O wala ka na talagang balak na kausapin ako?"

Nagbihis siya ng puting sando at boxer shorts habang nakatalikod sa direksyon ko. Nagpupunas siya ng buhok.

Napakuyom ang mga kamao ko sa ipinapakita niya sa akin. "Alam kong hindi mo ako mahal," Pinigilan ko sa pagtulo ang aking mga luha. "Pero sana tratuhin mo naman ako ng maayos. Kahit bilang... tao na lang. Kung ayaw mo na, sabihin mo."

Para siyang walang naririnig na patuloy lang sa ginagawa. Sobra akong nasasaktan sa mga ipinapakita niya sa akin ngayon.

"Fine." Isa-isa ng nagsilaglagan ang mga luha ko. "Gusto mo na bang makipaghiwalay?" Hindi pa rin siya kumikibo. "Okay." Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. "I'll give you your freedom." Napalunok ako. "Pero bago iyon, gusto kong makiusap sayo. Kung pwede," Sandali akong tumigil. "Gusto ko ng gawin ang procedure ngayon." Natigilan siya. "Ibibigay ko ang kalayaan mo kapalit ng pagbubuntis ko."

Nananatili siyang nakatikod sa akin pero alam kung nakuha ko na ang kanyang atensyon.

"After that," I paused dramatically. "Malaya ka na."

IrishWhere stories live. Discover now