Chapter 25 Tear Me Apart

5.4K 362 265
                                    

"When the person you love can't see your love for them beneath the painful things you say when they reject you, remember this: Love is blind."


Irish POV


"Ate!" Mabilis akong lumapit sa babaeng naghihintay sa labas ng airport dito sa NAIA ng makababa ako ng sasakyan.

"I." Nakangiting salubong din niya ng yakap sa akin.

"Kailan ka pa nandito?" Tanong ko kay ate Kreme habang naglalakad kami patungo sa loob ng terminal.

"Kanina lang." Sagot niya habang nakatitig sa akin ng mataman.

"Sino ang kasama mo?" Muling tanong ko. "Where's ate Gab?" Sabay napalinga.

"Wala, naiwan sa Ilocos." Tugon niya. "May sinamahan lang ako dito sa Manila, baka kasi maligaw." May halong birong dagdag niya.

"Sino?" May konting ngiting tanong ko.

"Hi."

As if on cue ay may lumapit sa aking matangkad at maganda - este guwapong nilalang. Napasinghap ako ng mapagsino ito.

"Ramjen!" Niyakap ko siya agad. Dahil close sila ni Brook kaya naging malapit na din ito sa akin.

Natatawang niyakap din niya ako. "Kumusta?" Pero marahan siyang sinuntok ni ate Kreme sa tagiliran kaya napaaray siya. "Iba talaga ang pinsan mo." Reklamo niya ng kumalas ako ng yakap sa kanya.

"Alam mo ng hindi okay kaya aalis, tapos tatanungin mo kumusta?" Masungit na sagot ni ate Kreme sa kanya. "Ang tanga mo pa rin." Sabay napaikot ang mga mata bago uminom sa hawak na kape na may pangalan at tatak ng sikat na coffee shop.

Natatawang nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay ang 'sweet' pa rin nila sa isa't isa bilang matalik na magkaibigan.

"Hmp." Inirapan naman siya ni Ramjen. "Mas tanga ang asawa nito." Sabay turo sa akin. "Sana kasi ako na lang ang pinikot mo -"

Naibuga ni ate Kreme ang iniinom na kape dahil sa sinasabi niya na hindi na niya naituloy dahil sa naging reaksyon ni ate.

"Hoy!" Sita ni Ramjen sa kanya. "Ang dugyot mo. Ke-ganda ganda mong babae napakadugyutin mo."

"Gago!" Ganti ni ate Kreme dito sabay irap. "Huwag ka ngang nagbibiro ng gano'n, nakakakilabot." Tsaka maarteng napangiwi.

Nakangiting napapailing-iling na lang ako. Paano na lang kaya kapag sila ang nagkatuluyan?

Nasa loob na pala ang iba. Nakangiting lumapit ako sa mga pinsan ko at niyakap sila isa-isa, kasama na sina ate Lily, ate Lauren at Eira. For the first time, hindi busy si ate Catleya at kasama siya ngayon ni Harper. Kumpleto silang lahat, giving me full support. Isang solid na suporta na kailangan ko sa mga panahong ito.

Sinamahan nila akong hintayin ang flight ko papuntang New Zealand. Nandoon kasi ang ibang kamag-anak ni mamita kaya doon ako pupunta para magpalipas ng 'sakit'. Pwede ko daw ipagpatuloy doon ang pag-aaral ko. Isang semester na lang naman sana. Kaso nga... kailangan kong umalis.

"Brook." Lumapit ako sa kanya ng abala siyang nakikipag-usap kay Ramjen.

Sila ang bagong best friends simula noong nagkakilala sila one or two years ago? Haist hindi ko na matandaan.

"Please, huwag mo siyang sasaktan kapag ibinigay mo na 'yon sa kanya." Pakiusap ko. "Intindihin mo siya. Nasasaktan din siya kaya kung pwede huwag mo na lang papatulan kung sakali. Isipin mo na lang na mahal na mahal ko siya at napakahalaga sa akin."

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon