Chapter 29 Unfinished Business

5.4K 350 161
                                    

"Just when I felt like giving up on us you turned around and gave me one last touch that made everything feel better. And even then, my eyes got wetter. So confused, wanna ask you if you love me but I don't wanna seem so weak maybe I've been California dreaming."


Irish POV


"Please, huwag ka na ulit aalis." Pakiusap niya habang yakap ako. "Please, Irish. Huwag mo na ulit akong iiwan."

Hindi ako agad nakahuma at nakakibo ng bigla na lang niya akong yakapin. Mas lalo ng hindi ko inaasahan ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Pero magpapakahina na naman ba ako? Magpapadala na naman ba ako sa damdamin ko?

Napapikit ako at iniharang ang mga kamay sa gitna ng kanyang dibdib saka siya marahang itinulak.

"Gio." Bigkas ko.

Maging ang kanyang mga mata ay nakikiusap. "Irish, please, sumama kayo sa akin. Umuwi na tayo sa bahay."

Kunot-noong napatitig ako sa kanya. "You mean, sa hacienda?" Naguguluhan ditong tanong ko.

Napailing-iling siya. "May binili akong bahay... para sa atin." Saad niya. "Irish, gusto kong makasama din ang mga anak ko... anak natin. Gusto ko rin silang makatabi sa pagtulog. Gusto ko din silang masilayan sa paggising sa umaga. Gusto ko din silang masubaybayang lumaki." Mahaba niyang pakiusap. "At gusto ko ring makasama ka ulit. Magsama ulit tayo."

Bigla akong naguluhan dito. Napahawak ako sa noo. "Gio..."

"Kasal ka pa rin naman sa akin." May pakiusap pa rin sa kanyang tinig. "Please, Irish. Huwag mo naman silang ipagdamot sa akin."

"Hindi ko naman sila ipinagdadamot sayo." Mabilis kong kontra.

Hindi agad ito nakakibo. "Sorry." Napakamot siya sa batok.

Para itong isang napakaamong tupa ngayon. Parang noong huling nagkita kami binabalewala niya ako. Inirapan ko siya bago tumalikod.

"Magluluto lang ako." Sabi ko.

"Irish, sa bahay na tayo kakain." Sabi niya.

Maang akong nagbaling ng tingin sa kanya. Magsasalita na sana ako ng bigla na lang itong lumuhod sa harapan ko.

"Please." Sabay pinagsiklop ang mga kamay na pakiusap niya. Napaawang ang mga labi ko sa ginagawa niya. "Umuwi na tayo sa bahay." Pakiusap niya. "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Susundin ko ang lahat ng ipapagawa mo, hayaan mo lang akong makasama kayo ng mga bata." Kulang na lang ay umiyak siya sa harapan ko. "Please, Irish. Nakikiusap ako sayo."

Napansin ko 'yong dalawang batang gumagapang papalapit kay Gio. Napakunot-noo ako ng kumapit sila sa kanya saka nakangiting yumakap sila sa magkabila nitong tagiliran.

"Dada." Sabay napahagikgik na sabi ni Alistair.

"Guys, tulungan niyo naman akong makiusap sa mommy niyo o. Sabihin niyo sa kanya uwi na kayo sa bahay." Sabi niya sa mga bata.

"Gio..." I said under my breath. "Hindi gano'n kadaling kalimutan ang mga nangyari. Nasaktan ako sa ginawa mong pambabalewala sa akin noon. At hindi ko makakalimutan na umuwi ka sa ibang bahay."

"Then hayaan mo akong araw-araw na ipakita sayong nagsisisi ako sa mga nagawa ko sayo noon. Hayaan mo akong bumawi." Pakiusap niya. Hinihila ng dalawang bata ang damit niya para kuhanin ang kanyan atensyon. "Kung papayag ka, araw-araw din kitang liligawan."

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay sa huling narinig.

"Promise." Sabay itinaas ang kanang kamay tanda ng kanyang panunumpa.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon