Chapter 17 Mean It

3.8K 301 137
                                    

"I don't need a thousand reasons to feel special. All I need is for you to live in this world. You are the sunshine of my life."


Irish POV


"Yoohoo!"

Napapangiti na lang ako sa kinauupuan habang nakamasid sa mga kaklase kong masayang naghaharutan at naghihiyawan.

Napagkasunduan namin noong Martes na magtungo dito sa bar para i-celebrate ang 22nd birthday ni Melody, ang kaklase at kabarkada namin. Lalo na daw at pumayag na ang daddy nito na mag-solo siya. Kaya naman double celebration ito para sa kanya. Para sa birthday niya at sa kalayaan niya.

Napatingin ako sa katabi ko ng kinalabit ako nito. Si Hasna. "Kanina pa yata may tumatawag sayo." Aniya sabay mosyon sa phone ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Oh!" Mabilis ko itong dinampot ng makita ang pangalan at larawan ni Gio sa screen. Sa lakas kasi ng ingay ay hindi ko ito naririnig. Besides, nasa mga kasama ang atensyon ko. "Gio!" May kalakasang bati ko dahil hindi ko marinig ang sarili.

May sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Tinakpan ko ang isang tainga at nagbaka-sakaling marinig ang sinasabi niya.

"What?!" Tugon ko. "Sandali hindi kita marinig!"

"Ma'am," Lumapit sa akin ang isang waiter.

"Wait, Gio." Sabi ko dito at nagbaling ng tingin sa waiter na lumapit sa akin.

"Ma'am, ipinapatanong po ni ma'am Harper kung ise-serve na daw ba nila 'yong surprise ninyo para sa birthday celebrant?" Tanong nito.

"Okay sige. Pakisabi kay Harper go na." Sagot ko. Umalis na agad ang waiter pagkasabi ko nito. "Gio, are you still there?" Balik ko sa kanya. "Sorry hindi kita maintindihan e." Again, may sinabi siya pero di ko talaga maintindihan kasi naghihiyawan na ang mga kasama ko. "Ha? Ano 'yon?" Sumabay pa ang tilian ng mga ito. "I can't hear you, hon. Pwede bang paki-text na lang? Tsaka matulog ka na, maaga ka pa babiyahe bukas. I love you!" Saka ibinaba na ang tawag dahil useless lang din naman.

Excited na akong makita at makasama ulit ito pagkatapos ng halos isang linggong  pagkakawalay niya.

Isang sensual na tugtog ang pumaibabaw sa paligid saka isa-isang nagsilabasan ang mga lalaking nakasuot lang ng trunks at may suot na maskara sa mukha. Tilian ang mga kasama ko at ilang mga customers na nandito habang sumasayaw ang mga ito patungo sa table namin, sa harap ni Melody na kilig na kilig.

Natatawang napapailing-iling na lang ako habang pinapanood si Melody na tuwang-tuwa sa nakikita. Alam na alam ng mga kaibigan namin kung paano ito pasisiyahin sa kanyang kaarawan. Kinuha ko ang baso ko na may lamang alak at sumimsim dito. Hindi naman talaga ako mahilig uminom, pero bilang pakikisama, tumitikim-tikim lang ako.

Hinila ng mga lalaking sumasayaw si Melody patungo sa dance floor at sinayawan ito doon. Hiyawan ang tanging maririnig at masayang tilian sa paligid. Hinila rin ako ni Hasna at nagtungo kaming magkakaibigan sa dance floor. Nakisabay kami ni Hasna sa mga sumasayaw. Nakangiting napa-eye roll ako dito ng hinila niya ang isa sa mga lalaking kasayaw ni Melody at dinala sa kinatatayuan ko.

Hinila ko si Hasna at siya ang iniharap ko doon sa lalake ng magsimula itong gumiling sa harapan ko. Nakisabay din ang ibang mga customers sa loob ng bar. Ang dami tuloy tao sa dancefloor. Jam-packed ang bar ngayong Friday night. And for sure, tuwang-tuwa si Harper. Ang sabi ko nga dapat free na 'yong drinks ko dahil dito. Bibigyan na lang daw ako nito ng discount. Haist, para talaga siyang si ate Kreme... kuripot.

Tumatawa kami ni Hasna at nag-aapir ng may mabangga ako sa likod ko. Mabilis akong pumihit para humingi ng sorry dito.

"Sorry." Pero natigilan ako ng mapansin kung sino ito. "Gio?" Hindi ako sure kung siya nga ba 'tong nasa harapan ko ngayon dahil medyo madilim sa bar. Tsaka akala ko namamalik-mata lang ako.

IrishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon