Chapter 12 Bliss

4.4K 293 110
                                    

"Too often a relationship becomes about keeping score of who wins and who loses. If you care about that person enough, none of that matters, it just matters that the two of you can find a way to come to an agreement and move forward."


Gio POV


Pasado alas dos na ng hapon ng inaya ko si Irish na mamasyal sa hacienda. Naglakad na lang kami papunta sa kuwadra. Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami sa rough road patungo sa kamalig. Nagkukwentuhan kaming dalawa habang naglalakad tungkol sa mga nangyari noong tinuturuan ko pa siyang sumakay ng kabayo. Hindi ko matandaan kung sixteen siya noon at twenty-four ko naman noong una ko siyang tinuruan.

"Doon ka unang nahulog!" Tukso ko sa kanya sabay turo sa loob ng malawak na lupain na napapalibutan ng matibay na kahoy bilang bakod.

"Hindi pa kasi ako no'n marunong pinasakay mo na ako agad ng mag-isa!" Natatawa niyang depensa.

"Minsan kasi saka lang tayo natututo kapag nasaktan na tayo." Makahulugan kong sabi.

Napatingin siya sa akin. "Ang lalim naman no'n." Nakangiting tukso niya.

 "Hindi ba totoo naman?" Nakangiting tugon ko. "Simula no'n ang galing-galing mo na. Mas magaling ka na nga kaysa sa akin e."

"Hindi 'no!" Mabilis niyang kontra. "Mas magaling ka pa rin."

Tumigil kami sandali sa paglalakad ng tumingkayad siya para dampian ako ng halik sa labi. Ngumiti siya sa akin pagkatapos.

"Ehem."

Sabay kaming nagbaling ng tingin sa pinanggalingan ng eksaheradang pagtikhim na iyon. Si Jolo lang pala.

"O, nandito ka pala!" Hawak ang kamay ni Irish, naglakad kami papalapit sa kinatatayuan niya. Malapit sa kamalig.

"Oo, kanina pa." May nanunuksong ngiti sa kanyang mga mata. "Magandang hapon po pala, senorita Irish." Nakangiting bati niya sa katabi ko.

"Magandang hapon din po." May tipid na ngiting bati rin ni Irish sa kanya.

Napatingin si Jolo sa magkasiklop naming kamay ni Irish saka napatingin ng makahulugan sa akin. "Buti naman at nakita ko kayong dalawa, aayain ko sana kayong magmerienda ngayon sa bahay."

"Anong okasyon?" Kunot-noong tanong ko.

Napapalatak si Jolo. "Birthday ng inaanak mo hindi mo matandaan?!" Maang nitong bulalas.

Napakamot ako sa batok. "Ah, gano'n ba?" Napangiwi ako. Wala talaga iyon sa isip ko.

"Nag-asawa ka lang ng kasing ganda ni senorita Irish, nakalimutan mo na agad?" May halong birong turan niya.

Napakagat sa ibabang labi si Irish habang may sinusupil na ngiti nang napasulyap ako sa kanya. Nakangiting nagbaling ako ng tingin kay Jolo. "Oo na, huwag ka ng magdrama diyan. Pupunta na kami." Sabi ko. "Ngayon na ba?"

"Tignan mo 'to." Sabay turo sa akin. "Sinabi ko ngang ngayon. Ang bingi mo rin e!"

Natawa si Irish ng marahan. Napapailing-iling na lang ako sa kaibigan ko.

"Tara na!" Aya ni Jolo at nagpatiuna ng naglakad patungo sa bahay nila.

May kalayuan din ang bahay nila mula sa kamalig. Pero ayos lang naman daw kay Irish maglakad exercise na rin daw namin. Naka-riding boots na kasi kami pareho, dahil nga balak naming sumakay ng kabayo sa pamamasyal.

Abala na sila sa pagmemeryenda ng dumating kami doon. Nandoon na rin pala si mama. Binati nila si Irish nang makita nila ito. Masiglang ibinalik rin naman niya ang pagbati ng mga taga-hacienda. Wala akong makitang pagkailang sa kanya habang nandoon kami. Sanay na sanay na kasi sila ng kanyang pamilya na makisalamuha sa mga taga-hacienda. Kami lang ang hindi sanay lalo na't sila ang may-ari nito.

IrishWhere stories live. Discover now