Chapter 1 Treacherous Fate

12.7K 414 163
                                    

"Love binds, and it binds forever. Good binds while evil unravels. Separation is another word for evil; it is also another word for deceit."


Gio POV


Iginarahe ko ang truck sa gilid ng kamalig ng dumating kami sa hacienda Montalban. Kagagaling lang namin ng dalawa kong kasama sa Manila para mag-deliver ng inaning mangga. Karamihan sa mga ito ay hilaw pa at ang iba naman ay hinog na.

"Gio!" Sigaw ng isa sa mga kasama kong nag-deliver ng makababa ako ng truck.

Lumapit ito sa akin at tinapik-tapik ako sa balikta. Maging ang isa pa naming kasama kanina ay lumapit na rin sa kinatatayuan ko.

"Ano ba kayo? Para naman akong mawawala niyan e!" Nakatawang biro ko sa kanila.

"Hoy, huwag mo kaming kakalimutan ha?" Sabi ni Mang Kanor, nasa edad singkwenta na ito pero napakalakas pa rin. Ang motto daw niya, kalabaw lang ang tumatanda.

"Mang Kanor naman, paano ko kayo makakalimutan e buong buhay ko halos nandito ako sa hacienda!" Nakatawang sagot ko.

Nagkatawanan kami. Nag-aaya silang mag-inuman kami pero magalang akong tumanggi. Isusuli ko pa kasi itong susi ng truck sa mansiyon bago uuwi ng bahay.

Naglakad lang ako patungo sa mansiyon ng mga Montalban, dito rin sa loob ng hacienda. May masuyong ngiti sa labing iginala ko ang paningin sa paligid. Mami-miss ko ang buhay dito. Pero mas nananaig ang kasiyahan at pananabik na makaalis na dito. Kung ako ang papipiliin, kung may choice lang ako, hindi ako aalis dito. Nandito ang pamilya ko, at kagaya ng nasabi ko kanina, halos nandito ang buhay ko. Ngunit mas gusto kong makasama si Evelyn... panahon na para lumagay kami sa tahimik.

Ilang minuto pa ay bumungad na sa akin ang malaking bahay na gawa sa salamin at mas lalong tumingkad ang ganda ngayong nabuksan ang lahat ng ilaw. Alas-siyete na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras. Buti na lang at nakapagdesisyon kaming kumain muna ng hapunan sa isang karinderyang nadaanan namin bago bumalik ng hacienda.

Pumasok ako sa loob ng bakuran ng mansiyon at tuloy-tuloy na tinungo ang malaking pinto. Sinalubong ako ni Manang Cora, ang mayordoma sa mansiyon. Pauwi na yata ito. Walang kasambahay ang nananatili sa mansiyon sa gabi, lahat umuuwi pag tapos pagsilbihan ang mga amo.

"O Gio, kadarating niyo lang?" May ngiting tanong niya.

Ginantihan ko ito ng ngiti. "Opo, manang. Nandiyan pa po ba si lola Alexandra?" Sabay silip sa loob.

Tuwing anihan sa hacienda ay nagtutungo dito si Alexandra Montalban para personal na tignan at i-check ang hacienda. Si mama ang kanyang kanang kamay dito pero gayunpaman ay mas gusto niya itong personal na masaksihan.

Mataas ang respeto ko sa kanya at sa kanyang pamilya. Isa pa, parang nakababatang kapatid na ang turing niya kay mama.

"Oo, nasa likod, sa may tabi ng swimming pool." Tugon niya. "Kakatapos lang nilang maghapunan kasama ang iba pa."

Parang bigla akong nakaramdam ng hiya. Pero nandito na ako e. Pagkakataon ko na rin ito para personal na makapagpaalam sa kanya.

"Sige ho manang." Tugon ko. "Ingat ho kayo." Pahabol ko ng paalis na siya.

Tahimik akong naglakad papasok sa loob ng mansiyon. Kahit ilang beses na akong nakapasok dito, hindi ko pa ring mapigilang mamangha. Ngunit kahit kailan hindi ko inasam magkaroon ng ganito karangyang bahay. Simple lang akong tao at simple lang ang pangarap ko. Makasama ko lang si Evelyn sapat na iyon sa akin.

Hindi ko na kailangang hanapin pa kung nasaan sila dahil nasa pinto pa lang ako ng likod bahay ay maririnig na ang masaya nilang kwentuhan at tawanan.

Nandito pa pa rin pala ang magpipinsang Harper, Ryle at Brooklyn na tumulong kanina sa pag-aani ng mangga. Kasama rin nila kanina si Irish pero baka umuwi na sa Manila.

IrishWhere stories live. Discover now