Kabanata 38

94 22 4
                                    

The ex girlfriend



Siguro nga'y masyado akong naging busy sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo para makalayo sa tao'ng hindi ko pala magawang maiwasan habang buhay na halos hindi ko namalayan ang sinabi sa akin ni Freya. Naka move on na ako? I have no idea when it happened.


The memories of us, Renzo popped on my head. Our first date. Our first day as a couple. And also the last things we did before the break up. Kung iisipin ay matagal nang nangyari ang lahat ng iyon pero pakiramdam ko ay kahapon lang natapos ang lahat. I remember myself pulling myself together, dramatically throwing things he gave me, and even thinking myself of jumping back into him. I almost laugh.


Pero aaminin kong may mga bagay pa rin akong gustong malaman tungkol sa kanya. Who's the ex. Maganda ba ito? Mabait? Matalino? Knowing Renzo's type of a girl, he's very interested to someone who studied a lot, who talk with sense, at masasabing pwedeng ipagmalaki kahit kanino. At bakit sa lahat ng babae na pwede niyang ginamit, bakit ako? Anong meron sa akin? Naging effective kaya? And, when we broke up, why does he always wants me to stay away from Stone?


Dala ang mga papers na ipapasa ko sa faculty para sa subject na Ethics ay nakita ko ang naghihintay na Renzo din roon sa harap ng faculty. He's also holding some papers, mukhang magpapasa rin. He's talking with girls. Tumatawa sila roon. Hindi ko lang alam kung ano ang topic nila.


Ang paglapit ko doon ay hindi natuloy nang makita ang isang babae na nagnakaw ng halik sa pisngi ni Renzo. I saw her friends capture a photo of them. Nagulat din doon si Renzo. Nagtawanan lalo ang girls dahil sa naging reaction nito. Renzo also tried to get the phone from them hanggang sa nauwi sa habulan. Mukhang hindi nila ako nakita.


Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Naramdaman ko rin ang pamamasa ng mata ko. I smiled out of nowhere. Para akong nag wagi. Para akong nakatungtong sa pinakataas ng bundok sa haba ng pag akyat ko. Because finally, I'm still okay. I felt nothing. Hindi ko na mahanap ang sarili kong nalulunod sa kailaliman at gitna ng karagatan. Parang isa pa ako sa kinilig para sa kanila nang makitang ninakawan si Renzo ng halik sa pisngi.


Freya is right, naka move on na nga ako. At, ngayon ko lang nalaman 'yon! Sa tagal na nakadikit sa akin si Renzo nitong mga nakaraang linggo, hindi ko pansin iyon.


I'm finally free from him. Hindi ko na kailangan danasin ang sakit na dulot niya. Everything is all in the past. I don't have to hide what I truly feel. I don't have to look away when talking to him. Because I've been talking to him these days looking at him in the eyes already.


Pumasok ako sa faculty room para ipasa ang mga gawa namin. Wala doon ang subject teacher, siguro ay baka kumakain ng lunch kaya umalis na rin ako.


Hinihintay ako ni Freya sa room at sabay na daw kaming pupunta sa canteen to eat our lunch. Pinasa ko lang talaga ang papel namin dahil kinulang ang isang oras para matapos ang mga 'yon.


While walking back to our room, may nakasabayan akong grupo ng lalaki. They're laughing out of something. Pamilyar ang mukha nila. Kumunot ang noo ko at naalalang sila 'yong mga kalaro nila Stone kanina. 4 sila.


"Masyado siyang mayabang!"

"Buti tie ang labanan!"

"Mas okay sana kung nakapuntos pa rin tayo nang mas mataas sa kanila!"

"You did a good job. Kung hindi mo pa siya tinulak, hindi ka makakawala sa kanya. Hindi mo siguro mas-shoot ang bola!"


And they laugh again mentioning how naive Stone is. Hindi ako makapaniwalang napangiti. Stone is not naive. Alam niya malamang ang nangyari pero hindi niya inda 'yon kanina. Ngunit umusbong ang matinding inis sa akin sa ginawa nito sa kanya at sa mga pinagsasabi ng mga ito. They pushed him!


"So tinulak niyo pala siya?" I asked out of nowhere. Pare-pareho silang napaharap sa akin at nakita ang mga ngisi nito sa labi.


"Oh, si Wesia pala 'to. The loser girl. Iyong pabalik balik sa dalawang lalaki."


Kumunot ang noo ko. Pabalik balik?


"Hindi ba't una niyang naging boyfriend si Stone? Grade 7 right?" Sambit noong pinakamatangkad sa kanila.


"Yup! And then he became a girlfriend of Renzo too. They broke up sos he went back to Stone. And now she's back to Renzo again." The one with a bull cap said. Saka sila nagtawanan na malakas. Hindi nila alam ang pinagsasabi nila. They thought I was in a relationship with Stone in my freshmen year? Funny!


"Ganon kayo kadesperadang manalo kaya kayo nagcheat?" Pang aasar ko. I showed how I pity them.


"Shut up!"


Inikutan ko sila ng mata. They ignore and just left me after. Nakahabol pa rin ang tingin ko sa papalayo nilang bulto. Gusto ko silang sipain isa-isa!


When I went back to the room, salubong ang kilay ko kaya naman takang taka si Freya.


"Tara!" Aya ko.

"Oh, anong nangyari sa'yo?"


I get the paper bag. Sa inis ko'y hindi ko inda ang hiya na ibalik ito. Sumilip ako sa kabilang room. When I saw Stone inside sitting in his chair with his friends laughing, pumasok na ako.


All of their stares are on me now. Lumapit ako rito at agad na ipinatong sa table nito ang paper bag. Ang nakangiti nitong mga labi ay nawala matapos akong makita. I felt my heart beats fast. Parang ang sakit din non.


"Your other team cheated on your team. Kaya naging tie ang labanan. They pushed you." I said.


Bahagyang bumuka ang bibig niya tila may gustong sabihin. I also saw his lips twitch in a sexy way. Ang mga kasama at ibang kaklase niya ay napatulala sa sinabi ko, tila hindi sila makapaniwala.


"Totoo ba, Wes?" His friends asked.


Lumingon ako sa kanila at ngumiti. Ang isa sa kanila ay napatitig sa mukha ko. He smiled back too.


"Paano mo nalaman?"

"Narinig ko silang nag uusap."


Stone clears his throat. Agad din akong tumingin sa kanya. Kinalkal niya ang loob ng paper bag. Ang una niyang hinawakan ay ang payong.


"How do you know this is from me?"  Maagap nitong tanong at pinakita pa sa akin ang payong.


"I just know." Sagot ko. "I don't know. Pero kung hindi sayo, I'll keep it-"


Inilayo niya ang payong nang aagawin ko sana ito. Bumuntong hininga ako. Seeing him this close is somewhat weird. Nakakailang pero hindi ko rin maitatanggi na masaya.


I wonder if okay na sila ng parents nila? I wonder if womanizing is still his way to stress out his feelings for me. Ganon pa rin kaya? Dahil kung ganon nga, baka ikasaya ko pa ito.


"Ash, let's go eat!"  Pang aaya ng babae na lumapit sa likuran nito at niyakap banda sa leeg. I look away. Naglakad na rin ako palayo para makalabas na.


Mukhang naging baliktad na talaga ang mundo ko. I don't have anything to feel towards Renzo kahit na ilang babae pa ang lumapit dito na siyang dating nakaka apekto sa akin. Iyong dating gawain naman ni Stone ngayon ang siyang may epekto na talaga sa akin.


Freya immediately pulled me away from their room. Sa bilis ng lakad nito ay kailangan kong tumakbo para lang hindi ako matumba sa panghihila niya.


"Oh my gosh, Wes! Did you just really walked inside their room?" She asked like there is something wrong with it.

"Yeah?" Takang tanong ko. "Binalik ko yung dami-"

"OMG! I'm so proud of you!"


My jaw drop when she hug me. Sobrang higpit nito at tiling-tili pa!


"I told you, 'diba? 'Diba? Naka move on ka na!"

I chuckled with that. "Oo na. Kumain na tayo."


Pagdating sa canteen, naroon na pala si Renzo. He immediately raised his hand for us to see him. Nilapitan namin siya. Kasama nito ang mga kaibigan na lalaki. We say hi.


Sa tuwing iisipin kong wala na nga sa akin ang presensya nito ay para akong lumulutang sa tuwa. Hindi ako makapaniwala.


"What's your plan on the upcoming Christmas party?" Tanong sa amin ni Renzo.


"Uso pa ba 'yon sa mga senior high?"


"Medyo." Natatawang sabi ng isa sa nga kaibigan ni Renz.


"Ewan ko rin. Hindi ko alam kung sasali ako."


"Sumali na kayo!"


1 month na lang ang naiwan para sa sinasabi nilang Christmas party. Sana ay wala nang exchange gift. Pero kung meron man, handa naman akong sumali. Hindi ko nga lang sure kung makakasali ako sa taong ito.


"Anong gusto mong gift?"


We all look at Renz when he ask me. Ano kayang mararamdaman niya kung nalaman niyang tinapon ko na ang mga regalo nito?


"Uh... Ano ka ba hindi na need-"


"Kayo ba ulit?" One of his friends cuts my words off. Tinuro niya pa kami.


"Nope." Natawa pa ako sa mabilis kong pagsagot. "We're friends."


Bumungisngis sila. Si Renz naman ay nailing at ipinagpatuloy ang pagkain. Pasimple ko siyang pinanood. Gusto kong makita ang reaksyon niya sa sagot kong 'yon pero mukha wala naman siyang sasabihin kaya nagpatuloy na rin ako sa pagkain.


"Pag iisipan ko kung anong gift ang gusto ko." Sinabi ko na lamang at hindi na tumanggi. Hindi naman kailangan but I don't want him to feel bad.


Five minutes before time, bumagsak ang malakas na ulan. Naramdaman namin ang malakas na hangin kaya agaran kaming pumasok sa loob.


"I can't be with you nga pala mamayang uwian. May pupuntahan ako." Anunsyo sa akin ni Freya.


"What? Where?"


She lets out a small laugh animong kilig na kilig. "Bibili si Kuya mo nang mga gamit niyo pan disenyo sa bahay niyo. Hay naku! Dapat nung start pa lang ng September siya nagsimulang maglagay ng palamuti sa bahay niyo pero hayaan mo na! Baka ngayon lang siya nagka roon ng time."


"So, sasama ka sa kanya?"


She nod.


"Pumayag siya?"


She nod again.


"Kayo lang?"

"Kasama si Manang."


Umikot ang mata ko. Akala ko ay silang dalawa lang. "Bakit ayaw mo ba akong isama?"


"Huwag ka nang sumama, please? Para solo ko siya."


And, there I thought she doesn't want to show Kuya how much she likes him. Mukhang hindi mangyayari 'yon.


"Paano yung lalaki doon sa kinakainan natin?"


She pouted her lips. "Wala na siya doon nang daanan ko siya kaninang umaga."


She sound very sad pero hindi ko naman maintindihan kung interesado ba talaga siya sa lalaking’ yon kung ganito ang reaksyon niya para kay Kuya.


Our classes continue. Hindi tumigil ang malakas na ulan kaya naman mas ramdam namin ang lamig. Specially December is coming. Mukhang magtataxi na lang ako pauwi kung ganon. Ayoko rin namang sumama dahil baka maging lutang lang ako sa pamimili ng mga palamuti sa mall.


Dahil sa lamig ay nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. I excused myself for a moment para magtungo sa CR.


At, sa pangalawang pagkakataon, nakita ko na naman ang babaeng ito.


The one that looks like a nerd to me. Tinarayan ako nito nang tumapat ako sa sink para maghugas ng kamay. Hindi ko alam kung taga dito ba siya sa building na ito dahil minsan ko lang siya nakikita. Tulad na lang nang ngayon.


Sigurado rin akong hindi ito mahina. O nerd na matatawag nang dahil lang sa ganon ang itsura niya. Parang may iba.


"Alam mo, kaya pala nainlove sayo ang ex boyfriend ko. Maghanda ka naman kasi kahit papaano."


What? Tinignan ko siya sa repleksyon ng salamin na nasa harap namin. "Anong boyfriend? Sinong ex boyfriend?"


Her lips shaped in 'o'. Mukhang hindi siya makapaniwala na hindi ko pa alam ang bagay na sinasabi nito. "Si Renzo? Though it's bad kasi pati si Ash ay ganon din sa'yo, tinatago niya lang."


I can't utter any word. She's the ex? Siya ba?

“Mukhang hindi niya pa sinasabi sa’yo?” She chuckled. May pangiinsulto rin ang pinakita nitong ekspresyon sa mukha. "I know what you're thinking. I'm Caroline. Ex girlfriend ni Renzo." Pagpapakilala nito. "Alam mo inggit ako sa'yo. Hinahabol ka ng ex ko at ng tao'ng gusto ko. Pero sa tuwing naiisip ko na kaya ka lang naman niligawan ni Renz para pagselosin ako ay wala pala dapat akong kainggitan."


Pagkasabi niya non ay mas nauna na itong lumabas. She acted shy when she goes out of the comfort room. Para akong matutumba kaya naman humawak ako sa may hampa ng sink.


Parang naguluhan ako. May mga tanong na nabuo sa isipan ko.


Is she in disguise then? Para walang makakilala sa kanya?


Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon