Kabanata 14

112 31 0
                                    

Change into Gray



"They're not really dating. Itong si Sherline lang naman pala ang habol ng habol!" Iritableng sabi ni Freya habang binabasa ang issue na kumakalat ngayon kay Renz at sa babae'ng bumato sa akin ng bola.


Sa totoo lang ay ayokong bigyan ng pansin ang bagay na 'yon. Hindi ko maintindihan 'tong si Freya. Ang sabi niya'y kalimutan ko na 'yong tao but look at what she's doing right now, kanina pa siya banggit ng banggit ng pangalan ng tao'ng gusto kong kalimutan.


"Alangan naman kasing magkagusto siya kay Sherline? Binato ka lang naman niya ng bola! Alam kong gago rin itong si Renz pero tiwala ako sa mga tipo niya sa babae. And he wouldn't just fall to someone like her, biatch!"


Natawa ako at nilingon siya. Kanina pa kunot ang noo niya at salubong ang mga kilay habang binabasa ang mga comments doon sa kumalat na rumors. Kanina pa wala ang literature subject namin at nagpaiwan nalang ng activities para may gawin parin kami. Halos tapos na naming lahat 'yon dahil madali lang.


"CR lang ako." Paalam ko. She just nod at me. Lumapit din ako sa president para makapag-paalam.


Nilikad ko ang distansya ng daan papuntang women's comfort room. Sa pagpasok ko ng CR at pagharap sa kalawakan ng salamin ay naalala ko ang ayaw ni Renz. Ang lumapit at magkagusto kay Stone. I wonder why. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naghugas ng kamay. If only he told me what was his reason for breaking up with me, baka naintindihan ko nang mas maaga. Baka tinatak ko pa sa isip ko na pwede parin akong maghintay basta babalik siya. Kung sinabi niya lang ang dahilan, ano mang dahilan, masakit man 'yon, tatanggapin ko nang buo at maghihintay tulad ng sinabi niya. At hindi lalapit kay Stone tulad ng gusto niya.


But he didn't tell the reason. Sa loob ng isang buwan at kalahati ay bumagsak ako. Bumagsak ang pagkatao ko. Nalunod ako sa sakit na dulot niya. Hindi niya sinabi sa 'kin kung ano ang dapat kong malaman. I wanted the truth but I heard nothing. He pushed me away without any word. Naguluhan ako at ang tanging paraan na naisip ko ay labagin ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Iyon ay ang mapalapit sa tao'ng ayaw niyang lapitan ko.


Ash Stone Grey


But not only that, of course. Kinailangan ko si Stone para maturuan ako. Para makahabol ako sa mga subjects ko. Sa mga araw kasi na bagsak ako ay siya lang naman itong lumalapit at nagpapapansin. At kahit sabihin kong nakakainis sjya, nakatulong siya kahit papa'no para makalingat ako kahit sandali lang.


I gasp, marahang napa-atras papasok muli ng CR sa babae'ng sumalubong sa akin sa aking paglabas. A new girl. Hindi ko siya kilala pero sa pananamit at ayos niya ay halatang hindi ito pansinin ng tao. Both sides of her hair is in a bunny style, nakasuot ito ng salamin at ang kilos ay parang laging takot at nahihiya.


Tinignan niya ako na parang takot. Nakakuyom ang mga kamay at parang hindi mahanap ang salitang gustong sabihin.


"A-anong kailangan mo?" I asked. Halata naman kasing ako ang gusto niyang makausap. Sa akin siya nakatingin.


"L-layuan mo si Ash." Anito. Bigla akong kinabahan dahil sa mga galit na nakikita ko sa kanyang mata. She may look nerd and a low-key person but the willingness to be this confident enough to say those words is hitting on me. Tumakbo din ito palayo hanggang sa mawala siya sa aking paningin.


Who is she? Isa ba siya sa mga die-hard fan ni Stone? Isa sa mga nagkakagusto sa kanya?


Binalewala ko ang babae nang makabalik sa classroom. Madaling natapos ang klase namin dahil narin siguro abalang-abala kami.


"Tatanggapin ko ba ang sorry niya?" Tanong ni Freya habang isinusulat ko ang mga take-home activities sa aking sticky note.


I stare at her face. Nakanguso ito at nakatitig sa kanyang phone. Parang pinag-iisipan niya ang sariling tanong. Napailing ako at napangiti. Minsan ay wala rin siya sa sarili niya. Ang lakas niyang pagsabihan ako sa mga dapat kong gawin pero siya rin itong hirap minsan sa sarili niya.


"Who?" I asked. Idinikit ko ang sticky note sa labas ng isa kong notebook.


"Kevin."


"Oh? Iyong nangyari sa party ko?"


She nodded. Nagtipa siya ng mensahe sa kanyang phone.


Don't tell me, kuya texted her saying 'sorry'? Ugh! That's weak. Dapat ay harapan para naman maramdaman na sincere ito.


"Ihahatid niya daw ako pauwi!" Mas lalong ngumuso si Freya. Tunog ayaw ang nabasang mensahe pero ang ikinikilos ay kasalungat. Dali-dali niyang niligpit ang gamit at agarang nagtipa ulit ng mensahe.


"Mukhang ayaw mo. Ako na ang magt-text sa kanya na magt-taxi ka nalang."


"No!" She said. "Mauuna na ako. Kwentohan mo ako sa inyo ni Ash later!" Aniya at madaling naisuot ang bag pack. Ngumiwi ako dahil sa napalakas nitong sinabi. Tuloy ay napatingin sa akin ang mga kaklase ko.


"Uy! Kayo na ba talaga ni Ash?" Tanong ng baklang presidente namin. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot.


"Oo nga! Kayo na ba? Lagi kasi kayong magkasama. Inggit kami!"


"Kailan pa? Pero in fairness, gwapo lahat ng nagiging boyfriend!"


Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Inayos ko ang mga gamit ko ngunit patuloy sila sa pangungulit.


"Bali-balita, hindi na daw nalalagi si Ash sa bar na laging pinupuntahan. At ang mga dating kaibigan, galit sa kanya!"


Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ng isa sa mga kaklase kong bakla. Kaibigan ang presidente namin. Dating kaibigan? Galit kay Ash? For what?


Napuno ng tilian ang classroom dahil sa bagong dating. Stone, with his stunning and arrogant look. Lumapit ito sa akin at kinuha ang mga libro ko sa mesa. Isinuot ko naman ang bag ko.


"Libre ka naman, Ash! Kayo na pala!"


Humalakhak ito at inakbayan ako. Napalunok ako sa ginawa niya ngunit wala na akong sinabi pa. Dumikit agad sa ilong ko ang amoy niya. Hindi siya amoy sigarilyo. O, baka nagpalit ng damit?


Stone gave them a wink and pulled me to walk.


"Hindi ka nanigarilyo?" Tanong ko habang pasimpleng iniiwasan ang tingin ng mga tao.


"Yup. Kailangan ko ng umiwas. I might kiss you in the near future.”


"Crazy."


May posibilidad iyon pero hindi ako papayag. Well... We're dating already pero hindi parin ako papayag.


"Daan tayo ng supply store." Aya niya nang marating ang kanyang kotse.


"Hmm?"


"Bilhin natin lahat ng gusto mong alam ko."


Hindi pa nakakabawi sa pagtataka ay pinagbuksan niya na ako ng pinto. Walang imik akong pumasok at inabot sa akin ang mga libro ko. Umikot siya at sumakay narin sa driver's seat.


"Anong bibilhin ang tinutukoy mo?"


He didn't talk or answer back. Nananatiling lito ang isip ko. Nang makarating ng supply store ay humila agad ito ng malaking push cart. Nanlaki ang mga mata ko dahil halatang marami itong gustong bilhin at sigurado ba siyang lahat ng bibilhin ay para lang sa 'kin?


"What are you doing?" Tanong ko at humabol sa kanya.


"You like this, right?"


Itinaas niya sa harap ko ang isang piraso ng purple journal at nababalutan pa ito ng glitters. Ibinagsak niya iyon sa loob ng cart at kumuha pa ng ilang piraso sa kulay na mga gusto ko. Black, green, and yellow.


Sunod naman ay lumapit siya sa mga sign pens and colored pens. Kung ano ang sa tingin niyang magustuhan niya ay iyon ang nilalagay sa cart.


Hinawakan ko siya sa braso para tumigil sa mga ipinaggagawa. "Masyadong marami ang mga 'to."


He pursed his lips in a sexy way. Hinuli niya ang kamay kong 'yon at inilapit sa cart. Nagpalit kami ng kinatatayuan dahil nasa kaninang gilid ko ang ilan pang gustong bilhin tulad ng mga rolyo ng ribbons, cute stickers at tape. Nangiti ako roon. His frame is too rough to buy certain things like these.


"Mahilig ka magsulat. Mahilig ka sa mga ganitong bagay. Gumawa ng mga aesthetic diary and calligraphy." Aniya.


"Yeah." Iyon nalang nasabi ko. He knew what flavor of ice cream is my favorite. Akala ko'y doon lang ang alam niya. Hindi ko alam na ganito kalawak ang alam niya sa mga bagay na gusto ko. I want to ask. Hindi ko naman magawa dahil pinapangunahan ako ng hiya.


Siguro ay dahil na rin sa ilang taon niyang pagtira sa bahay namin ay naobserbahan niya ang gusto ko. Hindi ko aasahan na parang kabisado niya ang lahat.


Halos nangangalahati na ang cart ko.


Inilalagay ko rin sa cart ang mga school supplies na kakailangan ko narin sa school projects at ilang papers. Bandang huli ay siya rin ang nagbayad ng lahat ng iyon.


"Babayaran kita. Anong account number mo? I'll transfer it." Sambit ko at hinanda ang phone para sa online money transfer. Umiling siya matapos isara ang pinto ng compartment.


"No need."


"But Stone. Lahat ng iyon-"


"Gusto kong palitan lahat ng gamit sa kwarto mo. Let's change it. Make it like it's new again."


"Huh?" Nakakunot ang noo ko.


"Akong bahala."


Akala ko'y tapos na kami sa pamimili pero hindi pa. He bought wall paints and brushes. Namili rin ito ng kurtina at pair ng bed sheets na uugma rin sa punda ng mga unan ko.


"What are you planning, Stone?" Tanong ko sa hindi mapakaling boses.


"I'm sorry to tell you that you have to stay first in the guest room so I can design your room."


Nananatili akong lito sa mga inaasta niya ngayon. Kahit sa pag-uwi ay halata ang pagkaseryoso niya. Halata rin ang pursige niya na ayusin ang kwarto ko sa bagong disenyong gusto niya.


Nagulat nalang din ako sa babae'ng may katandaan ang tumulong sa amin sa pagbubuhat.


"Magandang gabi po, ma'am. Ako po pala ang bago niyong katulong. Belinda po."


Nginitian ko siya at nagpakilala. Dahil na rin sa dami ng gamit na binili ni Stone ay naging abala kami.


"Ano 'tong mga 'to?"


Andito rin pala si Freya. Akala ko'y nakauwi na siya. Tinitignan niya ang mga gamit na iniwan muna sa living room. Si kuya din ay lito.


"What's this all about, Ash?"


Ngunit ang abo ay mabilis na tinakbo ang hagdan pataas habang tinatanggal ang puting hoodie nito. Umiwas agad ko ng tingin nang sumama sa pagtaas ang kulay abo niyang shirt.


"I'm changing her room's design!"


"For what?"


"Just shut up, Kev!"


Narinig ko ang hagikgik ni Freya. Lumapit ito sa akin at itinulak ang balikat ko gamit ang hintuturo niya. Hindi man lang ako natinag.


"He wants to change your room. Hmm? At pumayag ka?"


Kumunot ang noo ko dahil wala rin akong alam. Dumiretso ako ng kusina. Sumunod naman siya.


"Naghanda po ako ng miryenda, Ma'am Wesia." Ani Manang Belinda nang maghain ng cookies and juice sa mesa.


"Wesia nalang po." Nakangiting sabi ko bago lantakan ang mga iyon. Masyado namang pormal kung may ma'am na nga at may po' pa. Hindi ako sanay lalo na't may katandaan na talaga siya.


"So, you let him?" Muling tanong ni Freya.


"Hindi ba't ikaw narin naman ang nagsabi na pagbigyan ko siya?"


Umiling siya. Parang hindi kumbinsido sa sagot kong 'yon.


"Gawin mo dahil nais mo. Hindi dahil sinabi ko. Gawin mo at h'wag mong saktan 'yong tao."


Why it feels like everyone is saying that he might get hurt? Kagustuhan niya ito at alam ko ang ginagawa ko.


"I just hope that you're not using him to get rid of Renz."


"I'm not!"


Mas lalo pa itong tumingin nang mapang-asar. "So, ginusto mo rin 'to?"


Sa ngayon ay hindi ko pa siya sasagutin. Hindi ko rin alam kung ano ang tamang dahilan. Basta ang alam ko, hindi ko siya ginagamit. Hindi ko siya gagamitin para lang ipakita kay Renz na siya ang bago ko. Alam kong una palang, nagtiwala na ako kay Stone kahit mahirap talaga siyang pagkatiwalaan. Alam kong kahit nainiis at ayaw ko siya ay sinubukan ko.


At si kuya... Nagtitiwala ako sa kanya. Alam kong kilala niya si Ash. At hindi siya basta-basta papayag na ipalapit sa 'kin kung talagang gago ito. Isa 'yon sa pinanghahawakan ko.


Pareho kaming tumaas ni Freya papuntang kwarto matapos magmiryenda. Nailipat na nga ang mga gamit ko at nadala sa guest room. Iyong guest room kung saan nag-stay si Stone noong nasa puder namin siya. The design didn't change. Even the scent. Andoon ang amoy niya kahit matagal naman na siyang umalis dito.


Siguro okay narin itong gusto niyang palitan ang design ng kwarto ko. Ang luma ay nagsisilbi rin kasing ala-ala ko kay Renz.


"Hmm! This room smells like Ash. Tamang-tama. Para sa kanya lang ikaw maga-adict!"


"Nasisiraan ka na." Nakangiwing sambit ko kay Freya. Inilulundag niya pa ang sarili sa kama.


Inumpisahan kong ayusin ang mga damit ko. Ang ibang mga gamit ay nilikom ko muna sa isang malaking box at tinulak sa ilalim ng kama. Inayos ko rin ang magiging study table ko dahil iyon ang pinakapaborito ko sa lahat.


Nang matapos ay sinilip din namin sila kuya at Stone sa kwarto ko. They're cleaning the wall and ceiling. Sinisimulan narin itong pinturahan sa abong kulay.


Naalala ko ang kulay ng bed sheet na binili niya. Ipinaghalong kulay matingkad na abo at puti. Ganoon rin ang bago kong indoor slippers, furnitures at iba pa.


Ipinagkrus ko ang braso sa ilalim ng aking dibdib habang nakatingin sa kanya. He's an artist and I trust him to whatever designs this room gets the result.


"Kumain na muna kayo at nakapaghanda na ako." Aya ni manang Belinda. Mukhang sanay na sanay itong maging serbidora dahil sa asta at pananalita nito. Nasisiyahan ako na ganito ang napili niya.


"Ano pong ulam?" Tanong ko.


"Tinolang manok."


Tumango ako. Inilalapag na ni Stone ang paint roller ganon din si kuya.


"Tara, kumain na muna tayo."


Nagsabay kami ni Stone sa pagbaba ng hagdan. Chansa narin para matanong ko sa kanya kung bakit niya 'to ginagawa.


"Why do you want to change my room's design?"


Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. He touch the ends of my hair and stares at me intently.


"I'll try to get rid of your memories with Renz. Gusto kong maiisip mo rin ako sa espesyal na paraan kahit sa loob lang ng isang linggo."


"But we're already dating. Malamang ay ikaw talaga ang iisipin ko." Panlalaban ko dahil hindi ko parin maintindihan ang gusto niyang iparating sa akin.


He let out a soft chuckle, halatang natuwa siya sa sinabi ko. "Ah-uh?"


Jerk!


So he wants my room’s design in pure Ash Gray color tanda rin na gawa niya ito? Napailing nalang ako at sumunod sa kusina.

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon