Kabanata 29

101 28 19
                                    

The Truth




"Done?"


Freya was there standing beside the door. Nakikita ko ang repleksyon niya sa salamin kaya hindi ko na rin ito nilingon pa. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak kanina. Why did I cry? Because it hurts? Yeah. Andoon na nga siguro ako pero ayokong ipagpatuloy itong pagiging selfish ko kay Stone.


Sabihin na natin na baka nga may gusto na ako sa kanya pero ano yong nararamdaman ko para kay Renzo. That's not right. At lalong hindi iyon magiging okay kay Stone. Nalilito pa rin ako. Na masaya lang ako kasi andiyan siya. Pero kung iisipin, kanino ba ako kakapit kung wala siya? Kung wala siguro siya ay mas lalo ko lang didibdibin itong nararamdaman ko at baka hindi ko rin makalimutan si Renzo nang ganon kadali.


For now, I want to make myself clear first from the past. Hindi rin maganda ang ipinapakita ko kay Stone. Ayoko na kapag siya ang kasama ko, naaalala ko parin si Renzo. Hindi tama yon.


Shame on you, Wes.


Tumango ako bilang sagot sa kanya at tumapat ng tayo sa kanyang harapan. "Mas okay siguro kung pagagalingin ko muna ang sarili ko nang wala akong dapat samahan na tao. Na hindi ko kailangan ng saya galing sa iba o ng proteksyon galing sa kanya — kay Stone." Napatungo ako ng ulo at napabuntong hininga. Noong una palang hindi na talaga tama. Dapat una palang ay naisip ko na ito. "I should be happy first because it's me. I should have healed my self first dahil kahit ano palang ipakita ni Stone sa akin na magaganda o mahulog man ako sa kanya, naroon parin ako takot. Ang pangamba at dahil doon hindi ko rin kayang pantayan ang binibigay niya. Never."


"That would be great. That’s the right thing to do.” Freya said with the understanding look. Hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming lumabas ng comfort room.


"Do you think, he'll be okay?"


"Of course... not." Freya answered with a concern tone. "And I know It's my fault too. Pinilit kita noon sa kanya kahit na kakabreak niyo pa lang ni Renzo."


Mabilis akong umiling para lang iparating sa kanya na wala siyang kasalanan doon. Kahit pinilit niya man ako noon, it will always be my choice. At mas pinili ko na magkaroon ng mas malalalim na ugnayan ang samahan namin ni Stone.



“ I just want the better for you. Pero hindi ko rin naisip ang dapat niyang maramdaman. “



"Shhh. Don't blame yourself for it." Wika ko. “Hindi mo kasalanan, okay? Kahit na inoffer mo yon, may karapatan pa rin akong balewalain ‘yon but I didn’t. At iyon ang mali ko.”


She nod with a guilt expression on her face. I gave her a resurrection smile. Hindi ko siya sinisisi.


Nakaramdam ako ng gutom. I remembered I didn't even touch my food. Inaya ko na lang si Freya na kumain kami sa labas ng school. Alam kong andoon pa si Stone sa loob ng canteen.


We choose a near restaurant. Kahit gutom ay naaalala ko ang nangyari kanina at ikinagagalit ko 'yon. Galit ako sa sarili ko dahil niliko ko lang ang aking sarili . Pinaasa ko si Stone. Sinaktan ko rin siya. Ano ba talagang pumasok sa isip ko para magawa ko 'yon? I know I never want revenge into someone dahil lang sa sakit na ipinadama sa akin ni Renzo. I said I will never hurt someone just because I got hurt from that lame reason — love. I know I would never do that. But I just did to Stone.


"It's his mother right? Iyong kanina?"


I nodded at her. Mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Stone has been lonely for years without his family. And it's not that easy for him to accept them again. Alam ko rin sa sarili ko na aalis pa rin sila pagkatapos lang ng auction na magaganap. They just went back here to let everyone knows they're the Grey's and the main event focuses to their son, Ash Stone Grey. Ngayon pa talaga.


Dala dala ko ang pala isipan na iyon hanggang sa makabalik kami sa school. Naisip ko rin kung paano ko pa ba ipapapirma ang journal sa kanya. Anong sasabihin ko kay Blade? His sister is waiting.


"Wesia."


Sabay kaming napalingon ni Freya sa tumawag. It's Renzo. He has this expression on the face that he needs to say something. Tumingin ako kay Freya para sa pagpapa alam. Her eyes rolled in sarcasm and waive her goodbye. Hinintay namin na makataas ito sa building namin bago ko ulit tignan pabalik si Renzo.


"Anong kailangan mo?"


He took a deep sigh. "I told you before. After one and a half month, I'll be back to you. Medyo nalate lang ako at naging dalawang buwan. But I'm fine now. I'm here now."


Nanliit ang mga mata ko sa mga pinagsasabi nito. Of course I remember him telling that he'll be back to me after the given time. After 2 months. Kaya narito na siya ngayon?


"Magusap tayo kahit saglit lang." Sambit nito.


And this is what I hate. Hindi ako makatanggi. Sasama at sasama pa rin ako. Makikinig pa rin ako sa gusto nito.


Namili kami kung saan pwedeng magusap. Sa tahimik na landscape ng senior high. I still have 10 minutes anyway before the class continues.


"I'm really sorry, Wesia."


I look away. Sumakit na naman ang parteng iyon ng puso ko. Pisikal na sakit ang nararamdaman ko at hindi ko maalis alis iyon ng ganon kadali.


"Sinira ko ang buhay mo, ang tiwala mo, ang relasyon natin."


It's there. The sincerity. Alam kong nasasktan ako pero naroon ang galit. Naghalo na parang tubig sa aking tiyan na gusto kong isuka. How can he just say that easily? Naging miserable ang buhay ko matapos niyang makipag hiwalay sa akin. Matapos niyang sabihing wala na kami.


"And I'm sorry that I didn't tell you the reason why I broke up with you."


"Then tell me." Wika ko. Pigil na pigil ang sarili na sampalin siya. Halos kagatin ko rin ang dila ko para hindi siya murahin. "Tell me, why did you broke up with me? Without even telling me why."


"I..." His lips are trembled. Umikot ang mga mata ko matapos marinig ang bell.


"You know what? Forget it." Agad kong sinabi at tinalikuran siya. Humabol siya at hinila ang braso ko para mapaharap sa kanya.


"I'll tell you later." He whisper. Binawi ko ang kamay ko at tumakbo palayo sa kanya.


Ang totoo ay natatakot ako. Naalala ko ang sarili ko noon. Ang mga naiisip ko sa kanya. Na baka kapag valid ang reason nito ay bumigay ako at madali siyang mapapatawad. Na baka kapag nalaman ko ang totoo ay ayos lang. Na tanggap ko na siya ulit.


Tumulo na lamang ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala nang istudyanteng nagkalat kaya naman tumigil na muna ako sa pagtaas ng hagdan at hinayaan ang sarili kong umiyak.


Ayokong bale walain ang mga ginawa kong paghihirap. Ayoko na dahil lang valid ang reason niya ay ayos lang sa akin kahit na ang totoo ay sobra din akong nahirapan at ayokong masayang ang lahat ng ‘yon. Ayokong masayang ang lahat kaya natatakot akong malaman ang katotohanan. What if, nahirapan din siya? What if may ginawa siyang sobrang importante kaya kailangan niya muna akong iwan ng panandalian. Hindi ko alam. Pero natatakot akong malaman ang lahat ng iyon.


Pinawi ko na lamang ang mga luha at bumalik sa room. Mabuti ay wala pa ang susunod naming instructor. Pag upo ko pa lang ay napatitig na sa akin si Freya.


"Ano na naman ang sinabi niya sa'yo?"


Umiling ako at at hinarang ang dalawa kong palad sa aking mukha. Para akong pagod na pagod. Gusto ko nang umuwi.


"Ayokong malaman ang totoo, Freya. Natatakot ako. Natatakot ako sa sarili ko."


"Natatakot ka para saan? Bakit sa sarili mo?" Litong tanong niya.


Dahan dahan kong tinanggal ang dalawa kong palad na nakaharang sa aking mukha saka siya nilingon. "Natatakot ako sa sarili ko na baka kapag nalaman ko ang totoo, babalik ako sa kanya."


"What..."


"Dahil maayos naman kami noon nang maghiwalay. Wala siyang ginawa sa akin. Naging mabuti siyang boyfriend. May kulang man siya sa oras noon pero naiintindihan ko 'yon. Pero alam ko... na kaya lang ako nasasaktan ng ganito ay dahil walang kasagutan sa tanong ko. Sa tanong ko kung bakit niya ako iniwan noon. Kung bakit niya ako hiniwalayan noon." Halos ibulong ko ang lahat ng sinabi para hindi marinig ng iba.


"Wesia..."


"pero ngayon kaya niya nang ibigay iyon. Kaya niya nang sabihin ang rason." Umiling ako para sa sarili. "Kaya lang naman ako nasaktan ng ganito dahil hindi ko alam kung bakit niya nga ako iniwan. Wala ng ibang rason."


Masasabi ko bang hindi ko pinahahalagahan ang sarili ko dahil kayang kaya kong balewalain anuman ang sabihin niya? Nakakalungkot.


You’re such a pity, Wesia.


Mas madali sanang kalimutan siya kung may ginawa siyang mali noon. Kung siguro'y nananakit siya, may babae or nag cheat, mas madali ang ganon. But we don't have a problem before. And I was just like this because he left me without any reason. Kapag napunan niya na ang blankong parte ng hiwalayan namin, natatakot ako na maging ayos lang ako. Na babalewalain ko lahat ng paghihirap ko para sa kanya.


Tumigil na muna ako nang dumating ang instructor namin. I wipe off my wet cheeks carefully and just focus to our class.


Ilang discussions lang sa on going topic namin ay natapos din ang klase. Mabuti ay walang mga quiz or kahit anong test. At mabuti nalang din ay naisulat ko ang mga dapat kong isulat sa aking notes.


"Natatakot kang malaman ang katotohanan?" Freya asked immediately the moment our last instructor for the day left. I nod at her. "Natatakot ka na kapag sinabi niya ang totoo, regardless if it's good or not, you're still fine with that?"


I nod again.


"And that because?"


Hindi ko siya nasagot. Sinimulan ko na lamang ligpitin ang gamit ko but she pulled my arm that hard so I can face her.


"You still like him." Hindi iyon tanong pero parang maging kompirmasyon iyon kung bakit ganito ako at ang mga sinasabi ko. Iyon lang naman, e. Na baka wala akong pake alam sa sa sasabihin niya dahil meron parin. Meron parin akong nararamdaman. Hindi man ganon kalalim tulad ng dati, meron parin.


"Freya, I tried. Kaya nga ayokong marinig ang katotohanan. I don't want to feel okay about it. About him. Mas okay ang ganito na kinamumuhian ko siya. Na kinaiinisan ko siya."


"So... maybe the people were right."


"Right about what?" I asked back.


"You're using Ash."


Natahimik kaming pareho lalo na ako. Hindi ko alam kung tama o mali ang ganong sinabi niya. I just know that I didn't use him to make Renz jealous so he can get back to me. But maybe I really did used him to at least I can forget.


"Paano kapag sinabi niya pa rin?"  Tanong muli ni Freya habang sabay kaming naglalakad pababa ng hagdan. "Don't tell me you'll get back to him?"


Sasagot na sana ako nang sumalubong sa hagdan si Renzo. Natigil kami pareho ni Freya sa pagbaba. Ang ibang students ay napatingin sa amin.


"I don't want to hear it." Agad kong sinabi at sinubukan na bumaba pero humarang ito.


"But I want you to know it."


Tinignan ko ang ibang students. He's not going to let me walk away with him unless he tell me the truth kaya naman sinabi kong magusap kami sa parking lot. Si Freya ay humiwalay na muna sa amin at nasa isang gilid hindi kalayuan sa amin.


"Bakit ngayon?" Diretso kong tanong. "Bakit ngayon yung tamang panahon para sabihin ang totoo sa akin? Bakit hindi noong nakipag break ka sa akin?"


Renzo' face softened. Umiwas ako nang tingin nang sinubukan nitong makipagtitigan sa akin.


"Because I gave time to myself." Ang sagot nito. "Hindi ko kayang sabihin sa'yo noon dahil duwag pa ako. But now I can."


Humakbang ito palapit sa akin ngunit humakbang din ako paatras. I don't want him near me. I'm still afraid.


"I... I… u-used you, Wesia."


Kahit na kanina pa tuyo ang mata ko, madali itong nabasa at nagpaagos ng isang luha.


Tumango ako sa kanya habang kagat ang labi para mas mapigilan ang matinding pag agos ng luha. “How… “


"Look..." He tried to grab my both arms but I step back. "I fell in love with you. That's why I decided to have a break because I'm feeling guilty about it-"


Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanyang pisngi. Nagpatuloy ang pagluha ko. "You didn't tell me about it."


"Because I'm afraid. Kaya ito na ako ngayon, Wesia." Sinubukan niyang lumapit pero atras pa rin ako ng atras. "Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sa'yo 'to."


"And you think that's it?" Humahagulgol na sabi ko. "Akala ko, it’s about family problems. Baka sa sport mo. Or sa ibang bagay na importante. But you're telling me that you used me!? Kanino, Renz? Kanino!?"


Napatungo ito ng ulo. "To get back with my ex."


Napatakip ako ng aking bibig. Tinalikuran ko siya at dahil sa panghihina ay napaupo ako sa mga tuhod ko. Freya walk towards me. Dinaluhan din ako.


"I'm sorry, Wesia. Hindi ako bumalik sa kanya. At alam kong totoo ang mga ipinapakita ko sa’yo noon.” Pagpapatuloy nito.” Pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang nakikita kang kasama mo si Ash."


"Leave!" Malakas na bulyaw ni Freya sa kanya.


"Wesia..." I heard Renzo' cracked voice. "Forgive me. Harapin mo ako, please..."


"Just leave..." Ang nasabi ko nalang din.


"Leave, Renz." Freya also said with a tired tone.


Narinig ko ang paglayo nito.


Freya help me stand up pero dahil sa mga nalaman ay muli akong humagulgol.


"I hate him Freya. I hate him..."


"Who won’t…” She said and whispered my back. “But I it’s the truth… and you know that thing always hurt.”

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now