Kabanata 19

117 26 0
                                    

In danger





"Good job!" Freya complimented while we are walking back to our classroom. Natinag ako non at bahagya siyang nilingon, hinihintay ang gusto niyang ipahiwatig tungkol sa sinabi kahit may ideya na ako. "Talaga bang pwede niyong ulitin ang one week date kapag hindi nagwork?"




Napabuntong-hininga ako. Ewan ko ba at bigla kong nasabi yon nang hindi man lang pinagiisipan I'm not sure of it. Naiinis kasi ako sa mga ipinapakita ni Renz kanina. Nagyayabang ito at hindi ko nagugustuhan 'yon. Kasalanan ko rin naman. I've been showing off every time we'll have an encounter. Nahahalata niya parin malamang sa kilos at tingin ko na hindi pa ako nakakamove on sa kanya, reason why he's been that confident and proud awhile ago.




"Alam mo, sa lahat ng sinabi mo, yon ang nagustuhan ko sa lahat." Ani pa nito. "Have you seen Ash' face earlier? He's happy!"




Hmm. Nakita ko nga yon. Kahit iniinis siya ni Renz kanina, kalmado lang siya. Hinahayaan niya lang si Renz. Mukhang si Renz pa nga ang nabadtrip kanina dahil din sa mga pinaggagawa niya.




Sa paglalakad namin ay natigil kami banda sa may locker area ng mga juniors. Roon, nakatayo ang mga pamilyar na lalaki. Nakatambay at nakasandal sa mga locker na andoon. Kita ko na nahihiya pa ang ibang students na ilagay ang mga gamit sa mga lockers na sinasandalan nila kaya nakikilocker ito sa iba. They were smirking. They were visibly mad... at me.




Stone's friends.




"Anong trip ng mga yan?" Tanong ni Freya at hinila na ako. Kailangan namin silang madaanan pero tulad ng aasahan ko, humarang ito sa amin.




"Balita namin, kayo na daw ni Ash?" Tanong ng lalaking may blondeng buhok. Siya ang nasa gitna. Hindi ba siya pinagagalitan diyan? Bawal yan, ah? Si Stone nga na nagpakulay ng Ash Grey na buhok ay pinagbawalan kaya ibinalik sa itim, sila naman ngayon ang sumunod?




I remember them. Sila ang long term friends ni Stone. Naalala ko noong matagusan ako, sila ang nag-aya sa kanya. Lagi nila siyang kasama sa pambababae pero hindi sa pambubully.




"Anong kailangan niyo sa amin?" May kayabangan na tanong ni Freya. Nakatingala ito na parang kayang kaya niya sila. Hinila ko nalang ang siko niya pabalik sa distansya ko.




They didn't talk back. Ibinalik nila ang tingin sa akin at sa isang iglap ay naitapon ako sa locker gamit ang malakas na pwersa sa isang babae na kararating lang.




Sobrang sakit nang pagtama ng likod ko sa hook ng locker at padlock nito. Hindi ako nakagalaw agad. Ang mga istudyante ay natahimik dahil sa nakita. Bakit nila ginagawa 'to? At bakit dito? Dahil naroon ang mga SSG officers sa seniors building at malayo yon dito?




"Wesia!" Freya screamed. Natakot at nagalit sa nangyari sa akin. Nang tignan ko kung sino ang mga gawa, I knew already who it was.




Si Shanta, ang pinakatumagal na girlfriend ni Stone. Isang linggo lang naman. Kabilang din ito sa barkada niya. She's wearing her skirt uniform pero mataas ito at lagi niyang pinaparesan iyon ng thigh-socks kaya nagmumukha siyang Chinese. Idagdag mo pa ang nakabun nitong buhok pero nakalaglag ang ilang bahagi sa harap. May necktag din itong kulay itim sa kanyang leeg at hindi ko gusto ang paraan ng make up niya. Para siyang sasabak sa mga hentai cosplay.




Tinignan ko si Freya at inilingan to, simbolo na hwag mangi-alam but she's Freya and she don't listen. Kinuha nito ang bag at tinapon sa ulo ni Shanta. Shanta was hurt. Ang strap ng bag ni Freya ay gawa sa metal chain kaya masakit yon.




"Bitch!" Shanta didn't care. Sinenyasan niya lang ang mga kaibigan na lalaki at ito na ang lumapit kay Freya. Dinakot nila ang kwelyo nito at hinawakan para hindi makawala.

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon