Kabanata 35

89 24 0
                                    

Healing time



“She’s happy. That’s what Blade said.” Sambit ni Kuya. Tinutukoy ang journal na naibalik ko na sa kapatid ni Blade na siyang ginawa ni Kuya. Smiled at that and nod. Thinking about that girl being inspired by him is something I never thought about before.


“Thank you.” I sincerely said. Humigpit ang hawak ko sa mug na nakapatong sa mesa. Pumilig ang kanyang ulo. Umiwas ako ng tingin at uminom sa kapeng hawak ko.


Simula noong gabing umuwi ako galing auction, hindi na sko maka-usap nang matino ng kahit na sino. Even him. Natatakot akong tanungin nila ang mga bagay-bagay sa akin. Kahit na matagal akong nagtago sa sarili kong mundo, hindi ko pa rin kaya na itago ang totoo kong nararamdaman. Freya knew if something’s wrong. Tahimik naman na ako noon pa man. But it’ll get worst if I’m hiding something. Mas lalo akong tumatahimik dahil mas lamang ang mga oras sa mga bagay na mas pinipili kong isipin na lang. And, Kuya will saw it because everything is written on my face.


Today is Sunday already. Wala si manang. Namaalam na uuwing probinsya dahil birthday ng apo nito sa panganay na anak at gustong puntahan. Pinagbigyan namin at nagbigay rin kami ng panregalo sa apo nito. Manang will be gone for 3 days. Siguro ay sa Thursday morning na ang uwi nito.


“You’re not okay.” Kuya said with understanding tone immediately.


“What made you think that way?”


“It’s all written in your face.”


Natawa ako roon. I knew he’ll say it. I heard him sigh. Nakaramdam ako ng takot pero kalaunan ay napangiti ako. I saw Kuya’s worried face. Hindi ko alam kung para ‘yon sa nararamdaman ko o para sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag nagtagal na ganito ako.


“I’ll be fine, Kuya. My grades will be fine too. Hindi na mangyayari iyong nakaraan.”


He nod with that. I nod with him. Tumayo ito sa kanyang kinauupuan para puntahan ako. Seconds later, I found his arms on me, hugging me in comfort. Humihimas ng marahan ang kanyang palad sa aking ulo pababa sa aking buhok.


Renzo already took me in a worst situation I can be. Dahil iniwan niya ako nang wala akong nalalaman na impormasyon. Palaisipan iyon sa akin sa nagdaang mga buwan kaya wala akong ibang ginawa kundi ang isipin ang bagay o ang dahilan kung bakit kami humantong sa ganoon. He’s the only one who knew the reason.


Stone on the other side pulled me out in that situation. Bandang huli, ako ang nag-iwan sa kanya. Kung iisipin I want the best for him by going away. By leaving him alone. Kasi naisip ko na hindi tama na sumama ako sa kanya habang ibang lalaki ang nasa isip ko. He doesn’t deserve to be hurt. Hindi niya deserve ang taguan siya ng katotohanan. Katotohanan na hindi ko na rin masyadong dinibdib pa ngayon.


But it’s too late. Nasaktan ko na siya. Hindi ko alam kung selfish ba ang ginawa ko. I want to keep him until I’ll learn to love him. But I don’t want it that way. Mas selfish ang ganon kaya hinayaan ko na muna siya. Pero mukhang selfish din ang ganoon dahil hindi namin iyon napag usapan ng maaga. Basta akong nagdesisyon mag isa. And, shame on me for telling Renzo before na kapag hindi kami nag work ni Stone ay uulitin namin sa umpisa pero hindi nangyari.


Wala akong pinagkaiba kay Renzo. He left me nang biglaan. Hindi niya ako binigyan ng karapatan na magsabi ng nararamdaman ko sa naging desisyon niya. Ganon din ang ginawa ko kay Stone. I left him too. Hindi niya man lang nasabi ang nararamdaman niya dahil agad akong umalis non.


At hiyang-hiya ako para doon. Hiyang hiya ako sa ginawa kong ‘yon. Naiinis ako sa sarili ko. Sinaktan ko ang tao’ng ilang beses akong pinagtanggol sa mga pinagsasabi noon ni Renzo.


“I know. And, I trust you for that.” Tugon ni Kuya.


Tumango ako. Hinayaan ko na ganoon kami ng ilang minuto hanggang sa maging okay din ako kahit papaano.


My life continued the way I want it to be. Naroon man si Renzo sa tabi ko para gawin ang mga bagay na sa tingin niya ay tama ay hindi ko na rin pinigilan pa. Freya continues on having a lot of crush in school. Kahit sa labas ay mayroon. Every week, she has a new fling. Hindi ko na rin siya pinipigilan sa ganon. It’s her own way to forget how hurt she is for having a real feelings to Kuya. Hindi ko man bigyan ng pruweba iyon ay alam ko.


For those days I am with her, she never mentioned Kuya. Ayaw na ayaw niya nang binabanggit ang pangalan nito. Kapag susunduin naman kami nito ay humihiwalay ito sa amin. She’ll make an excuse, telling me she’ll be into some place at may bibilhin lang daq but I know the truth. Ayaw niya lang na makita si Kuya. Kaya naman hindi na siya ganon kadalasa sa bahay para tumambay.


Si Kuya naman ay hindi rin siya minention. I wonder if all these years, hindi man lang ba siya nagkaroon ng feelings sa kanya? Ang tagal na umaaligid ni Freya. Hindi man lang kaya niya naappreciate ito?


Minsan hiniling ko na sana ganon ako kalakas. Iyong hindi agad nahuhulog kaya naman wala siyang problema ngayon sa mga babae. I admit, he still loves ate Cassandra.


“Last swimming for this month!” Freya said giggling. “Ayoko na magswimming sa umaga at sobrang lamig!”


Natawa ako. Papunta na kami sa may swimming area dahil may schedule ulit kami ngayon para sa huling swimming performance namin sa buwan na ito. Freya brought a huge bag. Para daw doon na sa loob ng kanya ilagay ang gamit ko. Naka ilang swimming na kami at ganon na lagi ang ginagawa. Iyong kumuha ng damit ko ay hindi na talaga nahanapan. Isang buwan naming ginugol ang PE namin for swimming. Sa isang linggo ay isang beses lang naman iyon.


But for that whole month, I tried not to have any conversation with Stone. Kapag naririnig ko na ang pangalan nito ay sinasalpakan ko agad ng earphones ang tenga ko. I made myself a better person. At, ganon pa rin ang ginagawa ko hanggang ngayon. Isinantabi ko ang bagay na makakapag distract sa akin. Ayoko nang magulo ang buhay ko lalo na sa pag aaral ko sa huling semester at quarter ng taon. Gusto kong makagraduate ng maayos na walang problema sa mga grado ko.


Pero kahit na ganon ay hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang isang tao. Madalas pa rin siyang pumapasok sa isip ko. Kaya napapadalas na lang ang pagsama ko kay Freya sa tuwing may mga lakad ito para naman makalimot ako kahit papaano.


Pagdating doon ay sinalubong kami ni Renzo. He’s already wearing a dark short at laylay ang lace non. He’s not wearing a shirt kaya naman kung makahabol ng tingin ang mga babae ay napapangisi na lang ako ng palihim. He get the bag pero laking gulat ko nang wisikan niya ako ng tubig sa mukha.


“Renz!” Gigil na tawag ko. He then ran away so I chase him. Nakailang minuto kami ata sa pagtakbo pero ay bumigay rin ito.


“Baka madulas tayo!” He said laughing. Binasa ko ang kamay ko ng tubig sa pool at binasa-basa rin ang mukha niya. Tawa lang siya ng tawa.


“Uy!”


Natigil kami pareho nang umusbong ang kanchawan para sa aming dalawa. Kahit ang ibang students sa klase nila Renzo na kasabayan namin sa schedule ay nakisali. Kinakanta ang kantang ‘Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.’


Kumunot ang noo ko. I heard Freya laughing at us. Umikot lang ang mukha at mas hinilamos ang basa kong kamay sa mukha ni Renzo. Ang dugyot nang tignan!


Hindi ko pinansin ang kanta nila. Hindi rin pinansin ni Renzo iyon. Sir Ramos came and our performance start.


“Uy, kain tayo mamayang lunch sa labas!” Suhestyon ni Freya. I nod with her.


“Ayaw mo na sa canteen?”


“Gusto ko ng bago.”


Kumunot ako. Nasa isip ko na agad ang posibilidad na may gusto itong puntahan. Kung ang mismong lugar ba talaga o ang mga tao doon.


Pumayag ako sa gusto nito. Our last performance went well. Iyon nga lang ay noong ako na, biglang nanigas ang mga paa ko sa kalagitnaan ng pag padyak ng dalawa kong paa. Ang dapat kong paglangoy sa mas malalim na bahagi ng pool ay hindi ko natuloy. Nakaramdam ako ng kaba. Nawalan na rin ako ng balanse at lumubog sa may ilalim.


I tried lifting myself above. Hindi ata nila alam na nalulunod na ako pero ang totoo ay hirap na hirap na ako. Gusto ko nang maiyak. I didn’t let myself breath pero hindi ko kayang magtagal ng ganon.


“Help!” I shouted when I lift myself up. Agad din akong pumailalim dahil hindi ko maiangat ang sarili ko. Mabilis na tumalon si Sir Ramos sa pool para matulungan ako. Nagkagulo ang mga students at lumapit banda sa amin. Freya run towards us. Ganon din si Renzo na tinulungan ako paangat ng pool.


“What happened?” Renz asked. Umuubo pa ako at hindi makasagot.


“Yung paa ko hindi ko maigalaw.” I answered, still coughing. Nakaramdam ako ng sobrang takot doon. Renzo went there near my forelegs. Hinilot hilot niya ang banda doon.


I saw Freya stare at me for a second then to Renzo, then back to me again. Bumaling naman ang tingin ko kay Sir Ramos na nasa mukha ang pag aalala pagkatapos ay kinacalculate ang nakuha niyang time sa paglangoy ko.


“Sir, uulit ba ako?” Nasa boses ko ang paghahabol hininga. Sir Ramos shook his head.


“No need. You have passed the given time. Mas mahaba pa nga doon.”


Nakahinga rin ako ng maluwag at napatango. Renzo continues caressing my legs down to my feet. Marahan niya rin iyong iniikot ang paa ko.


“Are you okay now?” He asked with a very sweet and concerned tone.


I nodded at him. Renz make sure I was okay before we rinse our self in the shower room. Nawala na ang paninigas ng aking paa. Bumalik na rin kami sa aming room pagkatapos.


“Kayo na ba ulit?”


Napalingon ako sa mga kaklase ko sa tanong nilang iyon. Freya laugh while fixing her wet things. Ako rin ay natawa at napa iling.


“No.”


Pero imbes na maniwala sila ay mas inasar pa nila ako.


“Renzo is good looking kaya! Pwede pa!”


Natawa lang ako at ngumisi. Hindi ko pinansin ang pang-aasar nila. Umupo ako sa aking silya at inayos na rin ang mga gamit ko.


“So, saan tayo kayo kakain mamaya?” Tanong ko.



“Basta! Ako nang bahala doon!”



Our morning session ended well too. Sabay kami agad ni Freya na lumabas ng school at nilakad ang kahabaan ng kainan na gusto niyang puntahan namin. We only have an hour. Akala ko ay sa malayo pa pero 10 minutes lang naman ang oras ng paglakad doon.


Simpleng kainan lang ito. They offer set of meals na sa tingin ko ay masarap naman at mura pa. Pumila kami ni Freya para makabili ng pagkain. Pagharap ng lalaki doon sa kahera ay agad na hinawakan ni Freya ang braso ko ng palihim. Ngumiwi ako sa kanya. Now I know.


Cute looking ang lalaking nasa harap namin. Bagsak ang mga buhok sa harap at mukhang mahinhin. Para itong may halong chinese dahil sa singkit nitong mga mata. Sobrang puti rin nito at tangkad na halos tinagalain namin siya sa tuwing may sinasabi ito.


Sinabi namin ang order namin dito. Nangingiti ako sa tuwing genuine din ang pinapakita nitong ngiti. Kulang na lang ay sabihin ko sa kanyang sumali sa mga KPOP audition dahil bagay na bagay siya doon. Pasok ang mukha niya sa mga ganoong klaseng audition.


“Kaya pala gusto mo dito, huh?” Nakangiwing sabi ko. Kalaunan ay nangiti rin.


“Ang cute niya kasi!”


Napailing ako. Ang mga alam kong madalas na nagugustuhan ni Freya ay iyong mga klase ng boys sa school namin na laging may suot ng bull cap. Iyong nga klase ng tao na laging nasa bar. Laging kasama ang mga friends. I never thought Freya will have a crush to someone like him.


Freya wanted to stay longer but we need to go back na. 15 minutes na lang kasi ang naiwan pagkatapos naming kumain. Puro kasi kami daldal.


She continued having a crush on him for the next half of a month. Hindi siya nagsawa dito. Nahihiya rin daw si Freya na lapitan ito sa sobra nitong tahimik. Tuwing lunch araw-araw ay doon kami kumakain.


“Tara na nga! I can’t talk to him pa!” Aya agad ni Freya pagkatapos naming kumain. Napailing ako  at ngumisi.


“Baka siya na?”


“Maybe.” She chuckles.


Habang naglalakad kami pabalik sa school ay hindi maiwasan ni Freya ang hampas hampasin ako habang kinekwento kung gaano ito ka cute at gwapo. At kung gaano rin ito kabait magsalita sa mga customer.


“I hope ganon din siya after shift, noh?” Sambit din nito.


“Sana nga. Para naman kapag nagkaroon kayo ng chance sa isa’t isa, makamove on ka na kay Kuya.”


She just smirk. Humarap ito sa akin at ako naman ang tinaasan ng kilay. “How about you?”


“Anong ako?”


“One and half month mo na siyang hindi nakikita. Don’t you miss him?”


Hindi ako nakapagsalita. Matagal na akong walang balita sa kanya. Meron man ay puro chismis naman at puro sa mga babae nito.


“I don’t like him na, Freya.”


She just non and chuckles. Laglag ang panga kong niyugyog siya.


“Totoo nga!”


But she just laugh again. “Wala naman akong sinasabi, ah?”

Ngumuso ako. Hindi ako mapakali. Parang hindi pa rin ito naniniwala. Gusto kong linisin ang pangalan ko! Hindi ako makontento sa naging reaksyon nito. Nakakainis!

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now