Kabanata 9

110 33 0
                                    

Birthday Party






For the whole week, wala akong ibang ginawa kung hindi ang ituon ang atensyon sa pag-aaral. I was with Stone everyday. Sa bahay. Sa paaralan. Kahit bago matulog ay siya ang kasama ko dahil inihahabol niya ako sa lahat ng mga pinag-aaralan. Hindi pa ako pumapayag sa gusto niya. Date him? For what? Hindi ko kasi maintindihan, e.




Usap-usapan parin ang nangyari sa pambabato sa akin. Ang break up namin ay hindi narin masyadong pansin. Ako nalang siguro ang nag-iisip non. Kahit na nakakaiwas na ako nang tuluyan, nandoon parin ang sakit kapag nakikita ko siya.




"Mamaya na ang celebration." Pagpapa-alala ni Freya habang kumakain. Isang simpleng birthday party lang iyon sa bahay. Ilang bisita lang ang dadating. Mga kakilala at mga kaklase.




"Oo." Ngumiti ako.




"I'm excited!"




"Hindi naman ikaw ang may birthday."




Umirap siya. Natawa lang ako. Finally, I can eat properly. Konti nalang ang hinahabol namin ni Stone sa mga dapat aralin pagkatapos non ay okay na ako. Ang kailangan ko na lang alalahanin ay ang puso ko. I need a fresh start.




"Kamusta kayo ni Ash?"




Hmm. I don't find him disgusting these days. He's been with me for a week. Walang babae. Ewan ko lang kung sa paguwi niya ay saka siya maghahanap ng babae. But that's okay. As long as it's not in front of me.




"Okay lang."




I remember his offer again. Ipinilig ko ang aking ulo.




"Mukhang nagkakamabutihan na kayo. Baka naman kayo na?"




"Malapit na."




I smirked when he gasp and covered her mouth. "OMG!"




Gustong-gusto niya talaga 'yon? Ang maging kami? Hindi ko maintindihan sa isang' to!




"Totoo?"




I shrug it off. "He asked me if I want to try him. Date him."




"Then go!"




Kumunot ang noo ko. "But I want a relationship for love. Inooffer niya ang sarili niya dahil gusto niya lang ata."




He's been with girls, noon pa man ay ganon na. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang offer niya ngayon ay kakaiba. If he just want to flirt someone, he doesn't need permission to do so. Kusang ibinibigay ng mga babae niya ang kanilang sarili sa kanya. That's how powerful his appeal is. Kaya hindi ko rin maintindihan kung para saan ang offer niya sa akin. Bakit hindi na lang siya manglandi ng iba? Bakit kailangan ako pa? At mukhang kailangan din ng approval ko? Nililinya niya ba ako sa babae niya?




Dating for me means a lot. Kahit na bata pa ako at marami pa akong makilala, sineseryoso ko parin ang bagay na iyon. Si Stone? Hindi ko alam sa kanya.




"Just try. Hindi ba ikaw narin ang may lakas na loob na wala kang gusto sa kanya? Na nandidiri ka sa kanya dahil sa pagiging babaero niya? Kaya dapat hindi ka takot na magrespond sa offer niya." Ngumisi siya. Tunog paratang iyon. Tila gustong-gusto niya ang mangyayari.




Ano bang gusto niyang gawin ko? Is it a test? Alam na alam niya kasing sobra ang pagkadisgusto ko kay Stone kaya ang nasa isip niya ay dapat wala lang sa akin ang offer niya dahil wala rin naman papatunguhan.




That's my point! Bakit kailangan pang magtry kung wala naman papatunguhan?




Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko. Am I saying na gusto ko may patutunguhan kaya half decided pa ako? Psh!

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon