Kabanata 16

108 30 0
                                    

Get used



I stayed here until it reaches 5 minutes before our classes continue. Hindi ako komportable sa totoo lang na nanatili pa ako dito para panoorin sila manood. Gusto ko na lang umalis dahil kahit tahimik, ramdam ko ang tensyon ng dalawa. When they're giving glances to each other, naroon ang pagkamuhi sa isa't isa. Nag-stay lang talaga ako sa hindi ring malaman na dahilan.


Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing maaaring ang rason ay para panoorin si Renz. Hindi ko kasi maramdaman na nag-stay ako dito para kay Stone.


"Aalis na kami." Pamama-alam ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at inilapag ang mga gamit niya sa pagpipinta bago lumapit sa akin.


"Ihahatid kita pauwi mamaya." Aniya.


He looks happy. Hindi man siya nakangiti ay ramdam ko 'yon. Nakatitig lang ito sa aking mukha habang pumupungay ang mga mata. I nodded to him as I turn my back. Lumapit ako kay Freya na madilim ang mukha ngayon. She didn't talk, she just walk away. Sumunod naman ako.


"Freya." Habol ko. Sa bilis ng paglalakad niya ay napapasabay ako. "Freya." Muling tawag ko.


"H'wag ka nang salita nang salita diyan. Baka malate pa tayo." Pagdadahilan niya.


"Freya, are you mad at me?"


Bakit ko pa ba tinanong 'yon. It's already obvious that she's mad. Pero kailangan ko parin tanungin kung bakit. I know the reason already but I want to hear hers.


Hinarap niya ako nang seryoso. I was stunned for a bit. Tumingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko nga doon ang inis niya sa akin. I'm used to her funny, loud and screaming voice as we always interact. I'm used to her being excited to tell things kahit hindi ako interesado kaya naman kapag ganito siya ay hindi ako sanay.


"You were dating Stone and yet you walk towards Renz, first?" Iritang tanong niya sa akin.


"I'm sorry. I was just-"


"Alam mo na kaya tayo pumunta doon ay para kay Stone hindi para sa ex mo."


"I know. I'm sorry."


Umiling siya tila nawalan na ng gana makipagusap sa akin. Hindi narin ako nagsalita pa at sumunod sa kanyang binalewala ang huling sinabi ko.


"Kung magpapatuloy kang ganito, better tell Stone to stop whatever he's doing right now or you'll just hurt him." Sabi niya nang maabot ang classroom.


I'm torn towards Renz words to wait for him until his thing is over na hindi ko alam ayon sa sinabi niya. Kahit na sinabi ko sa sarili ko na hindi na dapat ako umasa at maghintay ay naiintriga ako sa simabi niyang dapat ko siyang hintayin. Tila hindi magawang masanay ng sistema ko. And  towards Stone entertaining me so it might help me to move on. Naiisip ko minsan na hintayin si Renz at bumalik siya sa akin kahit magalit si kuya at ang parents ko as long as makakasama ko ulit siya. But that's stupidity. Matalino ako. Alam ko 'yon sa sarili ko kaya bakit sa bagay na 'to ay tanga ako.


Tinext ko si Stone matapos ang klase na hihintayin ko siya sa may parking lot. Freya's not talking to me at sa hapong ito ay sasabay daw siya sa amin. Wala daw kasi siya sa mood makisabay sa iba niyang kaibigan dahil ata sa akin. I ruined her day.


"Mamulat ka, Wesia. Ash is changing. No girls. He's trying his best to show you his old self again. The caring, thoughtful and respectful Ash Stone Grey. H'wag mo 'tong sayangin. Pero kung pursigido kang bumalik kay Renz then tell him to stop."


Hinarap ko siya na nakatayo sa aking tabi. I feel sorry for Stone for acting like that. Ramdam ko na 'yon kanina pa habang kinakain niya ang pagkaing bili ko para sa kanya. Pakiramdam ko ay pilit lang lahat ng ipinapakita niya. Pakiramdam ko ay hindi talaga siya masaya but it never came to my mind na patigilin siya.


"I may be stock with Renz until now but I will never hurt Stone. Don't worry."


"You're already hurting him-"


"Freya, nasa stage palang ako ng pagmomove on at alam yon ni Stone. He's aware of it. Sinusubukan ko naman, e. Ang hindi na umasa pang muli kay Renz pero sa tuwing nakikita siya, andon ako sa puntong siya ang gusto kong lapitan. I know it's stupid of me to do that but I just can't help myself too." Halos magmakaawa ako sa kanyang intindihin 'yon sa mahinang boses.


"Paano kung bumalik ka kay Renz-"


"I am not, okay? I'm not going back to him no matter what happen. Magkagusto man ako o hindi kay Stone, hindi ako babalik kay Renz."


Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi kong 'yon. Sana nga ay hindi ko kainin ang salita ko. Pero ayoko rin makapanakit ng tao kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko, h'wag lang matukso.


She licked her lips and sigh a bit. "So, iyong one week na ibinigay mo kay Ash, pagkatapos non wala lang? Pakiramdam ko ay ginagamit mo lang siya para makalimot." Aniya at hinarap narin ako. "Pero sana ganon na nga. Iyon ang mas gusto kong rason. Sana ginagamit mo nalang si Ash para makalimutan si Renz. Sana ginagamit mo nalang siya para sa kanya na rin mapunta ang atensyon mo. Hindi iyong rason na ginagamit mo lang si Ash para pagselosin lang ang ex mo at pagkatapos ay magbabalikan kayo."


The whole ride was silent. Stone never ask. Freya never talk. Nilukob ako ng maraming ideya. A part of me is happy when I realized, yes, I am not using Stone to make Renz jealous. Siguro tama nga si Freya, ginagamit ko si Stone para makalimot. And that was bad for him. Ayokong ganon ang set up namin ni Stone. I addressed 'dating' as a real and important thing. Not just for any reason for other people. But for a reason for myself. To know him and to be a better person to a partner.


Una niyang inihatid si Freya. Pagkatapos nito ay kaming dalawa na lang ang naiwan. Napansin ko ang palagian niyang pagtitig sa akin ngunit hindi ko 'yon pinapansin. Iniipon ko ang lakas ng loob na makausap siya mamaya.


"Is there any problem?" Tanong niya matapos ipark ang sasakyan sa harap ng aming bahay. "I hope it's not a problem between us."


Marahan akong bumuntong hininga at tinignan siya.


Simula nanh itutor niya ako ay wala akong nakitang babae'ng nakaaligid sa kanya. Wala pa mang 7 days, nakikita ko naman ang pagpupursige niya sa akin. I know he's a playboy who can change his girls in a minute and can tell me sweet lies of words to make me fall but I can tell the difference. He's really concern.


"Alam mo namang hindi pa ako nakakamove on, di 'ba? " Panimula ko. He just nod. His eyes are darting into mine. Parang binabasa niya ang nasa isip ko at ikinahihiya ko 'yon.


"Okay lang sa'yo na, nagd-date tayo nang hindi ako nakakalimot pa sa nakaraan?"


Damn! Ngayon ay may narealized akong bagay. Tinatanong ko siya sa bagay na 'yon dahil ano? Dahil sa anong rason, Wesia? Pwede mo namang sabihin na wala kang pake kahit na magdate kayo ni Stone nang hindi nakakamove on. Why still bother to ask him? To make him be aware? For what?


Tumango siyang muli. "Everything is fine to me." Sambit niya at humarap sa manibela. "Iyong payagan mo lang ako na idate ka sa loob ng pitong araw ay lubos-lubos na."


Is he saying the truth or he's just saying that kasi ganyan siya sa mga babae niya.


"Sabi nila kuya at Freya, pwede daw kitang masaktan sa ginagawa natin."


"I don't care. Desisyon mo lang ang mahalaga sa akin."


He face me. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga sa bagay na pinipigil. And I'd feel something within me. I don't find him disgustful. Parang normal na siyang kakilala ulit sa akin. Hindi ko na naiisip na nakakadiri siya dahil sa mga pambababae niya. This is a great start, right? Accept him, let him do things for me until I fell in love. Right? Iyon naman ang punto kung ano kami ngayon? Pero bakit may mali kung mahulog ako sa kanya.


Ang sinabi ni Freya, wala lang ba ang lahat after 7 days? Aaminin ko na kahit papa'no napapasaya ako ni Stone kahit nakaka-asar talaga siya minsan. And that thing might grew even more until I'll learn to like him eventually.


"What are you thinking?" Tanong niya. Ngumiti ako at umiling.


"Bumaba na tayo. Itutuloy niyo pa ang pag-aayos ng kwarto ko di 'ba?"


He smirked. Pareho kaming bumaba ng sasakyan at mas nauna ako. Bubuksan ko na sana ang gate nang pigilan niya ako at siya ang nagbukas non. Tinignan niya ako at binuksan ng tuluyan ang gate. I smiled and entered.


Natigil ako sa ginawa kong kasakiman kaninang lunch. Malamang ay hindi pa niya tapos ipaint ang landscape ng fresh men garden kaya andoon ulit siya bukas. Siguro ay babawi nalang ako.


"Kamusta ang pag-aaral mo? Pinagpipinta ka. Hindi ka naman ba napapahabol sa mga activities?" Tanong ko at sinabayan siya sa paglakad.


I saw him smiled. Nanigas ako nang hawakan niya ako sa kamay. His grip was firm. Mahigpit pero tama lang.


"That was your first time." Nakangising aso ang abo. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pinauna akong pumasok. "Tinatanong mo narin ako niyan."


Umikot ang mga mata ko. "Bakit? Masama ba?"


"I'm not used to it. Ayaw mo kasi sa akin dati."


Natigilan ako. He smirked again. "But that's fine. I'm happy that you want to know things about me."


I bite my lower lip. Dumiretso muna ako sa bago kong kwarto para makapagpalit pagkatapos ay nagtungo din ng hapagkainan.


"Asan po si kuya?" Tanong ko kay manang na siyang muling naghain ng aming pagkain.


"Umuwi na siya kanina pa pero umalis din dahil may bibilhin daw."


We choose to eat first. Sabay kami ni Stone para diretso daw ang pag-aayos sa kwarto ko.


"Hindi mo naman kailangan madaliin ang pag-aayos sa kwarto ko." Sambit ko at uminom ng juice.

"I only have limited days. After that 7 days, hindi ko na maaayos ang kwarto mo."


Ipinilig ko ang aking ulo. "Ano ba kita?"


"What?" He chuckles. Hindi ko narin napigilan ang mapangiti dahil sa husay nitong tumawa.


"What are we, Stone?" Kabadong tanong ko at pa simpleng umiwas ng tingin. Kunwari pa akong kumuha ng juice sa pitsel at isinalin sa baso kahit ayoko na talaga.


"Is it bad, if I think of you... as my girlfriend?" Sagot niya. "Hindi ko lang alam kung anong tingin mo sa akin."


"Hmm."


I saw his lips pursed in a sexy way. Halatang natutuwa sa usapan namin ngayon. Natutuwa din naman ako.


"You won't get mad?" He asked like I should be mad after he told me he see me as his girlfriend.


"Bakit naman ako magagalit?"


"I just said you were my girlfriend."


"Hindi."


And then I realized again how thoughtful he is. Making sure of things he wants if I also like it. Ganon nga siguro ang epekto ko sa kanya sa mahabang panahon. Iyong lagi akong galit kapag may gusto siyang sabihin sa akin. When he's calling me with an endearment, I get mad. Kaya siguro sinisiguro niya na okay lang sa akin na girlfriend ang tingin niya sa akin dahil baka ang alam niya ay galit ako.


Poor Stone.


He continued painting my room. Ako naman ay nanatili sa loob ng aking kwarto para makapag-review.


See? If Renz were not around, my mind is fine when I'm with Stone. H'wag lang talaga siyang magpapakita sa akin.


Ilang oras ang ginugol ko sa pag-aaral. Nang makaramdam ng pangangawit ay itinigil ko na. Okay na rin siguro ang isa at kalahating oras sa pagbabasa. I can still remember anyway our previous topics. Every Friday kasi ay laging may special test para sa napag aralan for the whole week. Iyon lagi ang pinagkaka abalahan ko.


Someone knock on the door. Si Manang na may dalang snacks.


"Magmiryenda ka na muna, ija." Aniya at inilapag sa gilid ng table ko ang mga 'yon.


"Sila Stone po?"


"Naku! Nagdala na din ako ng pagkain doon pero hindi niya ginagalaw. Si kuya mo naman ay busy din sa arts na ginagawa sa kwarto niya pero kinain niya naman ang dala ko. Iyong nobyo mo lang ang hindi pa."


Natawa ako at tumango. "Tatawagin ko nalang po siya."


"Oh, sige. Kapag may kailangan pa kayo ay tawagin niyo lang ako."


I nod at her. Nagtungo ako sa kabilang kwarto kung saan si Stone. But I was stunned the moment I walk in. He's making it in a half. Ang ganda ng pagkakakulay ng wall at ceiling ko. Sa ganda non ay parang pwedeng maging glowing in the dark 'to sa gabi o kapag ginamitan ng light settler. But that's not only that.


I find him... really fine, painting in a handsome manner. Pinanood ko ang paggalaw ng kalakihan ng kanyang balikat at braso. Sa maliit na galawan ay pinong-pino.


I knock on the door to get his attention. He immediately turn his face on me. His green eye amazed me. Wala siyang dumi sa damit. Kahit ang paglapag niya ng paint brush ay nabibilib ako. I like it when he's moving.


Ganyan nga, Wesia.


"Magmiryenda muna tayo."


"Saan?"


"Sa kwarto ko." Sambit ko at naunang lumabas at pumasok ulit sa guestroom kung saan ang kwarto ko. He followed with his foods but he remained standing at the door.


"Can I come in?"


Now that I think of it, it feels awkward. Pero mananatili namang bukas ang pinto kaya tumango na ako.


Dalawa naman ang upuan kaya doon siya sa isa. Habang kumakain ay kinakamusta niya ang pag-aaral ko. Nagtatanong siya sa mga bagay na baka hindi ko daw alam at pwede niyang ituro. Ngunit hindi ako pumayag. May ibang bagay na hindi ko gamay pero pwede ko namang pag-aralan iyon. Isa pa, busy siya sa kwarto ko.


"Kahapon nga pala, narinig ko, galit daw sayo ang mga kaibigan mo..."


"Yeah. But I don't care." Mariin niyang sagot. Pumatong ang isang braso niya sa backrest ng kinauupuan ko habang umiinom siya ng juice.


Naalala ko ang mga kaibigan niya. Sila 'yong parang walang patutunguhan sa buhay. They bully and make fun of other people. They womanized and Stone was included in their group. Bahagya ko siyang tiningala. Namamagha ako sa paggalaw ng bukol na iyon sa kanyang lalamunan. After he put the glass down, nilingon niya ako at ngumuso. Pinipigil ang ngiting gustong kumawala.


Galit kaya ang mga kaibigan niya sa kanya dahil hindi na siya sumasama? He's changing and that's better. Mas gusto ko iyon.


"Babalik na ako sa kabila bago pa ako may gawin sa'yo." Nakangising aniya. Ang pagkakaseryoso ko ay nawala at napalitan ng ngiwi sa aking labi.


Kinurot ko siya sa kanyang kandugan. He groaned with a chuckle before he finally leave with our used plates and treys.


Calm down, Wesia. You should get used to that side of him. Argh!

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon