Kabanata 25

112 28 14
                                    

A/N: For old readers of this story na laging nakasubaybay bawat update, kindly check again Kabanata 21, 22, 23, 24, and this chapters as I added some events. I'm really sorry for the inconvenience.

Thank you so much.

— sanedrome —




Last day


I waited for him to look back at me. Tanging nakaiwas ang kanyang tingin sa pagitan ng pananahimik naming dalawa. Hindi ko alam kung paanong nararamdaman ko ang konting pait sa nakangiti niyang labi. Kung paano ko nasasabi sa sarili kong nasasaktan siya ng patago. Paano ko nararamdaman ang lahat?

"Saan mo gustong pumunta bukas?" Tanong niya sa gitna ng pananahimik namin pareho. Nangangapa ako sa dapat kong maramdaman . I can't suggest a place to him because, his emotions right now are bothering me. Maraming tanong ang namuo na naman sa isip ko pero hindi ko alam kung ano. Gusto ko siyang tanungin ng mga bagay para lang may masabi siya. Para lang masecure niya ako na okay kaming dalawa.

"Kahit saan." Ang sagot ko. He just nod. Umayos siya ng higa kaya agad ko siyang dinaluhan para maayos ko ang kumot sa kanya. Ganon din ang kanyang unan pero habang inaayos ko 'yon ay nakatitig siya sa akin.

I stop moving when he reach for my wrist and held it like he doesn't want me to let go. Hinila niya rin iyon nang marahan kaya mas napalapit ang mukha ko sa kanya. No. This is not the Stone that I used to know. This is not the Stone I disgust most of the time. Sa mga pinapakita niyang emosyon at kakaibang kilos ngayon ay nalilito narin ako.

Alam ko rin sa sarili ko na dapat pinipigilan ko ang sarili ko pagdating sa kung ano man ang maramdaman ko sa kanyang hesitation because we're already dating. Tinanggap ko naman na noon na dapat masaya ako kapag may nagbabago na sa pananaw ko sa kanya. Iyong mabuti ang dulot sa akin. Yes, I was like that pero hindi pa buo. Hindi pa ganon kataas ang kaya kong ibigay katulad ng kung ano man ang kaya niyang ibigay niya ngayon. And I am sorry for that. Kasi alam kong kahit ganito ako, alam kong may part parin si Renz sa puso ko.

Shame on me.

"Ihahatid kita pauwi."

Agad akong kumontra. I tried to stand straight ngunit pinigilan niya ako. "May sakit ka. Tapos mag d-drive ka? Paano kung may mangyaring masama sa 'tin?"

Umilng siya but I shake my head in contrast at hindi nagpa awat. Tumayo ako ng tuwid at inagaw ang kamay ko sa kanya.  He stood up pagkatapos ay naghanap ng Jacket.

"Stone." Suway ko dahil determinado talaga siya.

"May mangyayari talaga sa 'tin dito kapag pinigilan mo ako." Mahalay niyang sinabi na may konting ngisi saka kinuha ang susi sa ibabaw ng bed side table niya. Nauna siyang lumabas kaya agad akong sumunod.

"May sakit ka nga." Pigil ko at humarang sa kanyang harapan. Nasa tapat na kami ng  nakasarang pinto.

He lean forward nang sa ganon ay magpantay ang tingin naming dalawa. "Wesia, dati na akong maingat sa pagmamaneho dahil hindi ako papayag na mamamatay nang hindi ko nararanasan matulog kasama ka sa iisang kama." He even sigh. That means the life of a married couple, right? Tumuwid siya ng tayo at tinap ang ang aking ulo. "Ngayong kasama na kita, mas doble na ang pag iingat ko."

Mas nauna siyang lumabas ng pinto at wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya habang bumubuntong hininga. Kailan ba nakinig ang lalaking 'to sa akin?

Tahimik naming tinahak ang pasilyo papasok ng elevator. When we got into the parking lot, mas naramdaman ko ang lamig ng hangin. I look at him. Sa bandang batok ko siya tinignan habang nauuna siyang naglalakad papalapit sa kanyang kotse. Wala akong nakitaan na panghihina o parang nilalamig siya kaya napailing nalang ako. Baka naman kasi nilalamig talaga siya? Dahil may sakit parin siya kahit papaano. O, baka naman nagkukunwari lang siya?

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon