Kabanata 2

215 45 1
                                    

Notes



"How did it go?" Si Freya. She sexily get her tongue out to taste the lollipop. Umiling ako habang may isinusulat na outline sa aking notebook. Hindi nga pala ako nakapag-take down notes noong mga nakaraang araw sa sobrang lutang ako at wala sa sarili. Freya is a lazy lady. May notes man siya pero siya lang ang nakakaintindi at maikli lang din so I have to stay here in our library para magbukas ng libro at ako na mismo ang gumawa ng sarili kong notes.


"What are you talking about?"


I look at her. She rolled her eyes at me and sat on the chair that was in front. Ipinatong niya doon ang kanyang siko, checking my facial expressions.


"Hindi ka naman siguro nagmamaang - maangan, right? "


Tumigil ako sa pagsusulat. She's talking about Renz. Muntik na kaming magkabanggaan kanina. Masyado akong busy kakatingin ng text ni kuya kaya hindi ko siya naiwasan nang bigla siyang lumabas sa faculty room habang ako ay naglalakad malapit sa pinto nito.


Ano nga bang naramdaman ko nang mangyari 'yon? Nagulat? Hindi ko alam. All I know is I'm starting to get fluttered again. He is a good man. He's so fine. Ni wala akong makitang mali sa mukha at katauhan niya. I'm afraid I might break down again. Swallow my pride and ask him to talk with me again. Alam kong nanginig ang kamay ko kanina but I think that I have to go away from him. I must, bago pa ako tuluyang lamunin ng karupukan ko.


"I just want to run the moment our body nearly touched." Sagot ko nang sa ganon ay hindi na siya mangulit. Ngumisi siya at umayos sa pagkakaupo.


"Mabuti naman. Akala ko kasi, hahabol ka pa ng tingin."


Umiling ako. She waited for me for an hour. Kokonti na lang ang mga istudyanteng nakikita namin sa labas ng transparent na salamin na pinto. It's already 6:30 PM. Para kong hinahabol ang oras dahil nahihiya rin ako kay Freya sa ginawa niyang paghihintay sa akin. Hindi kasi yan aalis nang hindi ako kasama. Ayaw niya raw magmukhang tanga na mag-isa lang na maglalakad palabas ng school o kaya isipin ng tao na wala siyang friends. May pagkaweird talaga siya minsan.


"Gusto mo ba sa labas na tayo magdinner? Sorry to keep you waiting." Aya ko habang tinetext si Kuya na mal-late kaming uuwi. He didn't waited for me this time dahil busy sa kanyang art gallery.


"Kapag aayain kita sa coffee shop kung saan nagt-trabaho si Ash ay papayag ka ba?"


I rolled my eyes at her. Tinahak namin ang daan palabas ng building.


"I want a complete set of dinner, Freya. With rice, of course. Hindi tayo magmimiryenda." Pagtatama ko dahil nababaliw na naman siya. Gusto niya na namang pumunta doon.


She laugh at me. "Okay. Okay. Sa budget meal tayo. Mas mura."


Tumango ako. Nang makalabas kami ng school ay siyang pagtigil rin namin dahil sa lakas ng busina ng isang sasakyan na ikinagulat namin. A dark SUV. It also stopped in front of us. Pagbaba palang ng bintana nito ay nakita ko na agad ang pamilyar na panga ni Stone. Sinilip niya kami.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now