Kabanata 37

81 25 0
                                    

Finally moved on



“Are you okay?” Naroon ang pagiging hesitant sa boses ni Freya nang tanungin ako pagdating na pagdating ko pa lang ng room. Of course, I’m not okay. But I don’t want to tell that to her. Ayoko nang gambalain pa ang kaibigan ko dahil sa lang sa nararamdaman kong caused lang ng naging katangahan ko noon, ang pag sayang sa kanya.


Tumango ako sa kanya bilang sagot. I remembered she haven’t called or even texted me last Saturday and yesterday. Alam kong nagmukmok ‘to sa loob ng kanyang kwarto. I know she knows that Kuya went to ate Cassandra to visit her. Galit na nga ako sa sarili ko, mas lalo pang nadadagdagan ‘yon dahil gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo para naman kahit papaano ay aware siya. Nakakainis!


“Sigurado kang okay ka lang?” Nakangiwi ito. “Kulang na lang buhusan kita ng malamig na tubig para magising gising ka. Para kang walang buhay nang pumasok!”


“Okay lang talaga ako.”


Freya rolled her eyes on me. Tumingin ito sa paper bag na hawak ko at kumunot pa ang kanyang noo. “Ano yan? Patingin!”


Hindi pa ako nakakapagsalita ay naagaw niya na ang paper bag. Kinabahan ako agad nang kalkalin niya na ang laman nito. Naroon ang mga gamit ni Stone at ang boxer nito!


Natawa si Freya nang may makita sa loob. Probably the boxer. Tumingin ito sa akin nang may mapang asar na ngiti. “Kaya siguro wala ka sa mood, kabado kang ibalik ang mga ‘to?”


Bumusangot ang mukha ko at inagaw pabalik ang paper bag. There’s that reason. But the main reason why I’m being like this is because of what happened yesterday. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on!


Alam kong kabado rin ako kung paano ko ito ibabalik. Paano kung wala siya kapag ibabalik ko ito? Baka mapahiya lang ako.


“You know what, tara! Most of the time naman kasi, maaga si Ash na pumapasok. Kaya nagkakayaan sila sa gym para mag basketball! Tara!”


Freya pulled me up. Gusto ko sanang umayaw dahil hindi ako handa na ibalik ang mga damit niya pero kailan nga ba ako magiging ready?


Paano kung nandoon ‘yong babaeng nagpakita kahapon? Paano kung nanonood din siya doon tapos baka may masabi siya kapag nilapitan ko. Pero ano nga naman ngayon? Ibabalik ko lang naman ang mga gamit niya! Hindi ko na dapat isipin ang ibang tao!


Rinig namin agad ang talbog ng bola at ang mga nagtatakbuhang yapak ng mga players pagkarating doon. Agad na gumala ang mga mata ko sa kanila, hinahanap ang bulto ng taong ‘yon. Nang makumpirmang kasama siya naglalaro ay napalunok ako.


Kahit na maaga ay pawisan agad ito. Hindi niya ako napansin. Hindi ko na rin hiniling pa na pansinin niya ako. Freya tap my hand and showed me where to sit. Tinuro niya doon sa kabilang side kung saan malapit ang ring. Seriously?


Sa paglapit namin doon sa may gilid ng stool ay saka niya lang ako napansin. Bumaba rin ang tingin nito sa dala kong paper bag.


He’s wearing a mix color of white and red jersey. Ang short nito ay may kaiksihan. Tama na para mas lalo siyang mapansin ng kababaihan.


We watch them play. Sa mga naunang oras ng time ay ang kalaban palagi ang nakaka shoot pero parang wala lang iyon kay Stone. Pero pagkatapos ng kalahati ng oras ay binabawi lahat ng grupo ni Stone ang score at mas dinadagdagan pa.


Bawat shoot nito ay parang masisira ang stool na kinauupuan namin. Kahit na hindi puno ang buong gym, tama na ang mga malalakas na sigaw ng mga girls para mapatakip ako ng tenga.


“Go Ash!” Cheer rin ni Freya. Natawa ako rito dahil parang pumiyok din siya doon. Ang kanya talaga ang pinaka malakas na tipong napapatingin ang mga ibang nanonood sa kanya.


My phone beep for a moment. I saw a text from Renzo.


From: Renzo

Where are you?


Agad ko itong nireplyan na nasa gym kami ni Freya. Kakahit ko pa lang ng sent ay umugong na naman ang hiyawan. Nang tignan ko ang court ay tumatakbo si Stone palayo sa ring at nakikipag high five sa kasamahan nito. Mukhang naka shoot na naman siya.


Our eyes met. Wala siyang naging reaksyon. Ako naman ay parang kinulang sa oxygen. What the hell is going on with me!


Nakita ko agad si Renzo roon sa kabilang entrance nang pumasok ito. Agaw pansin kasi ito dahil ang iba sa mga kababaihan ay napunta rin ang atensyon sa kanya. He entertained them in a nice way. May ibang nakipag greet. Kalaunan ay pinakawalan naman siya.


I texted him kung saan ako banda naka upo. Nakita kong chineck niya ang phone niya at pag angat ng tingin ay nakita niya agad ako. He then slowly run towards where I am.


“Anong ginagawa niya dito?” Tanong ni Freya nang makitang papalapit na si Renz sa amin.


“Hindi ko alam. He asked kung saan tayo, e. So sabi ko andito. Hindi ko alam na pupunta siya.”


“Hi.” Renzo immediately greeted us nang makalapit ito sa amin. Freya wave her hand. Ngumiti si Renzo at umupo sa tabi ko. “You came to watch him?”


Wala naman siyang binanggit na pangalan pero alam ko na kung sino ang tinutukoy nito. I just nod at him.


For these past days, I know why Renzo’s still with us. He wants us to get back together. Kahit na hindi niya iyon madalas binabanggit, alam ko. Pero hindi na rin maging mahirap pa sa akin ang tumango sa tanong niya iyon. Parang wala na ‘yon sa akin.


“Renzo Emmanuel?”


Pareho kaming napatingin ni Freya sa tumawag dito. Ang katabi ni Renzo sa isang gilid nito ang isang babae. A petite one. Maiksi ang buhok na hanggang pisngi at agaw pansin rin ang eye shadow nitong kulay blue.


“Hi… “


“I’m Lexie!” The woman immediately grab Renzo’s hand for a hand shake kahit na hindi naman iyon nakataas.


“How do you know me?”


“Oh, come on! Sino pa bang hindi nakakakilala sa’yo?” Maarteng pagkakatanong nito. Natawa ako doon.


Renzo just smiled. Ang babae ay agad na naglabas ng phone. “Can we take a picture? Pang wallpaper ko lang.”


I can’t believe she just said that. Nagkatinginan kami ni Freya at pareho kaming nagkibit balikat.


Mukhang hesitant si Renzo na pumayag pero nakipicture na rin ito doon. Nakita rin namin kung paanong ginawa ng babae na gawin itong wallpaper. They shared a hug after. Ang ibang students ay nakatingin sa amin. May ilan akong bulungan na naririnig.


“Akala ko nagkabalikan sila ni Wesia? Who’s the new girl?”


“Baka naman friend lang.”


“Hindi sila nagkabalikan, noh!”


Tumingin ako sa magkayakap na Renzo at Lexie. Napangiti ako roon. The girl seems chill and true to herself. Mukhang ganon talaga siya at wala lang sa kanya ang mga ginagawa nito.


Bumalik rin ang tingin ko sa mga manlalaro. It’s the last round. 15 minutes na lang kasi ay magsisimula na ang klase. Kitang kita ko kung ang mga reaksyon ng kalaban. Namomoblema sila dahil nangunguna ng tatlong puntos ang kalaban.


Bukang bibig pa rin ng mga manonood ang pangalan ni Stone. Kung hindi ito ay ang mga kasama niya naman. I can’t help myself but to feel proud. Noon na siya naglalaro ng ganito but I can’t remember myself being this proud for him. Ngayon lang ata.


“Kahit na babaero, laging nadadala ng pagiging matalino at gwapo!” Natatawang komplimento ni Freya. Napa iling ako. Sa bagay, may iyayabang nga naman kasi siya kahit papaano. Hindi niya naman pinabayaan ang pag aaral niya. At dahil na rin sa itsura at kakayahan niya ay mas lalo lang siyang kinababaliwan ng mga tao.


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Renzo. Nilingon ko ito at napansing wala na ‘yong babaeng kausap niya kanina.


“Asan na ‘yong babae? Si Lexie?” Tanong ko sa kanya. But instead of him answering the question, he just watch the game. Nagtagal ang tingin ko sa kanya at marahang nilingon din ang tinitignan nito.


Natapos ang laban. Pero agad din akong napatayo nang makita si Stone sa sahig at nakahiga. Pawisan ito. When I saw the score board, same ang score ng parehong team. What? How? Nakahabol pa rin sila? Anong nangyari?


Kahit na ganoon ay nagc-cheer pa rin ang mga tao. Ang iba ay nagsisi alisan na.


“Anong nangyari?” Inis na tanong ko.


“Ewan! Wala akong alam sa larong yan pero parang tinulak si Ash kanina ng isa sa kalaban nila!” Sagot ni Freya.


Mas lalo akong nainis sa nalaman. Parang gusto kong sugurin ang mga kabilang team at tanungin sila isa-isa kung sino ang tumulak kay Stone! Pero alam ko namang wala akong mapapala doon. At saka wala namang proweba.


I was about to go down when Renzo grab my hand para hindi ako matuloy sa pagbaba. Tumingin ako sa kanya. Si Freya ay tumingin din.


“Don’t go to him.” Anito. Kumunot ang noo ko.


“Ibabalik ko ang damit niya.”


“Huwag muna ngayon.”


“Bakit—” Hindi ko natuloy ang tanong ko dahil nilingon ko rin agad kung saan si Stone. Nakaupo na ito doon sa kabilang side ng stool at iyong babae na nakita ko kahapon ang siyang nagpupunas ng pawis nito.


“Wrong timing, Wes.” Komento na rin ni Freya.


Nakaramdam ako ng sobrang panlulumo sa nakita. Ang mga kaibigan ni Stone ay kinakanchawan pa siya dahil sa babaeng nag aalaga dito. Kaya naman ang dapat kong pagbaba patungo sa kanya ay hindi ko na rin tinuloy pa. Mas nauna na akong naglakad paalis doon.


“Wesia!” Panghahabol nila Freya at Renzo sa akin. “Chill!”


“Magc-cr lang ako.” Excuse ko. Hindi na nila ako sinundan pa. I directly went to the nearest comfort room. Pagpasok sa loob ng cubicle, agad ko rin isinarado ang cover ng bowl at naupo rito.


Ilang beses kong pinagsabihan at minura ang sarili ko sa isip. Kung bakit hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Kung bakit hindi dapat ako makaramdam ng panlulumo. Dahil unang-una ay sinayang mo siya! For sure mas malala pa ang naramdaman niya noong nagkakagusto pa rin ako kay Renzo.


Ilang minuto ata akong nag emote sa loob ng cr. Buti nalang ay hindi ako nalate nang makapasok sa room. Freya immediately stared at me for a long time. Kahit ang pag upo ko ay pinanood niya.


“I think I know why you’re like this.” Ani Freya. Sakto ang pagdating ng instructor namin at agad na nagsulat ng kokpyahin sa board bago raw ito magsimula magturo.


Hindi ako umalima. Hindi ako tumanggi. Pakiramdam ko, ano man ang nasa isip ni Freya na rason ay ang totoo. Alam niya kung bakit ako nagkakaganito.


“And maybe you’re still not aware of one thing about your ex.” Dagdag pa nito.


My forehead knelt. Hindi ko alam ang tinutukoy nito.


“What?” I asked dryly.


“You’re not aware that you’ve already moved on.” Nakangiti ito. “Naka move on ka na kay Renzo. Kahit na ilang babae pa ang dumikit dito, gaano man kalayo o kahit nasa mismong harap mo na tulad nang kanina, wala ka ng pake alam. Paanong hindi mo nalalaman ang bagay na ‘yon?”


Marahang bumuka ang bibig ko pero hindi ako makabigkas ng kahit ano. Naigil din ako sa pagsusulat at inalala ang mga nakaraang araw na nakakasama ko si Renzo.


“Remember when you almost drowned? Minasahe ni Renzo ang paa mo. Hindi ka na ganon ka apektado. You’re not even aware na okay na sa’yong sumasama siya sa atin palagi. Ang mga ginagawa niya ngayon, may meaning man sa kanya, pero para sa’yo it’s nothing but for friendship. At kaya ka nagkakaganyan ngayon ay dahil kay Stone.”



“K-kaya ba okay na sa’yo na dumidikit dikit siya sa atin? Hindi ka na galit?”


Umikot ang mata nito at napa iling na parang ang tanga ko dahil ngayon ko lang nakuha ang bagay na ‘yon.


“Mas apektado ka na ngayon kay Stone sa mga pambababae niya na dati niya naman nang ginagawa.” Saka niya pinatong ang kamay sa aking balikat para magsilbing confort saka marahan na hinimas ‘yon. “You like him now, Wesia.”


Gusto ko na ba talaga siya? Like alam kong gusto ko na siya noon kaya nga ako lumayo sa kanya dahil ayaw ko siyang nasaktan. Pero ibig bang sabihin non ay gusto ko na siya sa mas mataas na level?


Damn, Wesia! Bakit late kung ganoon? Kung kailan naka move on na sa’yo yung tao!






Chasing WesiaWhere stories live. Discover now