Kabanata 21 - THE NEW HALF & ENDING

152 34 2
                                    

Not perfect





Hindi ko nalaman agad na ganito kasaya sa piling niya. Kung nalaman ko 'to noong una, pagsisisihan ko ba sa huli? Magiging babaero ba siya tulad nang kung ano siya bago kami humantong sa ganito? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Kung bakit mahirap siyang pakawalan ng mga babaeng pinagbigyan niya noon dahil ganito nga siya. He'll make sure you're happy and satisfied with everything you'll do, syempre nang kasama siya.




After watching a movie, heto kami ngayon, inuubos ang bawat tokens sa time zone, magawa lang ang gustong gawin hanggang sa magsawa. We did dancing infront of a huge TV, ginagaya ang steps doon and other racing games hindi lang sa mga sasakyan kundi sa paligsahan sa mga palaka na naroon. Maingay pero mas nananaig ang tawa namin pareho. We played gun-things. Iyong papatayin namin ang malalaking gagamba sa paligid . Ang ibang game setting ay zombies naman.




This is great. To have him and to experience something like this. Minsan ko ng naisip na kung gusto niya ako, bakit ngayon niya lang ipinapakita?




Ang mga kakilala ay napapatingin sa amin. Ang iba ay nakangiti. Ang iba ay dismayado. Noong una ay nahihiya ako pero habang tumatagal, parang wala nalang sa akin.




"Ang daya!" Reklamo ko matapos ng ilang bwelo ay hindi parin ako makashoot ng bola. Humalakhak siya at hindi ako pinansin. Mataas na ang score nito samantalang ang akin ay sobrang babaw. Ubos na rin ang oras ko pero walang nagbabago sa aking score.




"Agh! Stone!" Muling reklamo ko. Lumapit ito sa akin at muling naghulog ng tokens. Muling gumana ang machine. He teach me how to do it. Ilang turo lang ay natuto din ako. Nang magsawa ay lumipat naman kami sa iba.




Inabot kami ng gabi. Nang mapagod ay nag-aya na akong umuwi.




"Kumain na muna tayo bago umuwi." Aniya.




Hmm? Hindi ba siya uuwi ng bahay para ituloy ang ginagawa sa kwarto ko? Para akong nanlumo at tumango na lamang. He choose where to eat. Sa isang cozy restaurant iyon. Mabilis kaming nilapitan ng waiter at pinagsilbihan. Nang makuha ang order namin ay umalis din ang waiter.




"Here." He gave me something.




Hindi ako makapaniwala sa nakita. Iyong mga tickets na napanalunan namin sa paglalaro ay pinalit niya sa half-size bear na kulay blue at may ribbon sa leeg. May bell din iyon na pendant nito kaya sa tuwing magagalaw ay iingay. Hindi actually nakayanan ang tickets na palitan ito so he paid the half price of the tickets para makuha 'to. Akala ko nga ay para sa kanya pero heto at inaabot niya sa akin.




Pinatong ko yon sa mesa paharap sa akin. The bear is cute and soft to touch. Napangiti ako habang pinagmamasdan 'to at nilalaro ang kamay.




"Hmm. Kung matagal mo na 'tong ginagawa, baka natuwa pa ako." Ang sabi ko sa kalagitnaan ng pagtitig niya sa akin habang nilalaro ko ang bear.




Totoo ang sinabi ko. Hindi mahirap magkagusto sa tulad niya. Matalino, may ipagmamalaki sa istura at status sa buhay. Ganon din sa kakayahan, ibang talents at ipinapakitang magaganda, mapaibig lang ang sinong babae.




Tumawa ito at ipinatong ang braso sa mesa. "You mean, this date?" He smirked in amusement.




Tumango ako, ramdam ang pamumula ng aking pisngi. "O-oo."




"Gusto mo non si Renz."




"Noong bago ko siya makilala ang ibig kong sabihin."




"I want to. But you were so focused on your studies. Ang sabi mo pa nga ay kapag 19 ka, gusto mong magkaperfect boyfriend kaya pinagbigyan kita."

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon