Kabanata 28

89 24 0
                                    

Both Hurting



“Blade is waiting for his sister’s journal.” Pagpapa-alala ni kuya habang kumakain kami ng pang umagahan. Right. Nakalimutan kong ipapirma iyon sa kanya.


“I will tell him.” I said. Sa bagay, ibabalik ko na rin naman ang binder nito at isasabay na iyon.


Bago umalis ay kinuha ko ang journal. Mabigat din ang loob ko na lumabas ng bahay kasabay si kuya. He offered me a ride.


Sa byahe ay wala akong ibang naisip. Parang lumilipag kung saan ang utak ko. At naiirita ako doon. Sana bumalik ako sa huwisyo mamaya at maalala ang mga pinag aralan namin.




I know it’ll be difficult for me to maintain my cool, and I’m worried for that. Napaungos ako at natigil sa paglalakad dito sa may hagdan ng aming building. Humigpit ang hawak ko sa ilang libro na hawak at tumingala sa itaas.


I keep on saying to myself, everything will be all right. Kapag nagkita kami ni Stone, I just have to act casually and tell him everything, and that to stop whatever is in between us.


“Why are you still here?”


Napalingon ako sa nagsalita. It’s Freya. Kadadating niya lang at dahil sa patuloy nitong pagakyat ay napasabay na din ako.


“Wala lang naman. “ Ang sagot ko nalang. Napapikit ako dahil hindi ko sinabi sa kanya na dapat ay hihintayin ko si Stone ngayon sa may parking lot. Ngunit mas nauna na ako dito.


When we get to our classroom, agad siyang humarap sa akin na ikinalito ko. She pointed out with her finger the binder I’m holding.


“Ibalik mo na yan kay Ash. I will tutor you kapag may mga hindi ka alam.”


Napatingin ako sa binder na hawak ko na siyang hiniram ko noon kay Stone. It makes me remember those times of when he tutored me, help me get back with my senses and to at least find time to forget less about Renzo.


That’s what I’m planning to do. Ang ibalik na ‘to. Para na rin siguro magkaroon ako ng dagdag rason kung bakit ko siya kailangan makita at makausap ngayon.


“I will. But thanks for your offer to tutor me. Magaling na ako.” Nakangising sabi ko.


“Oh!? Nice.”


Pareho kaming naupo sa aming mga upuan. Stone’s classroom is just next to our classroom. Nahihiya lang ako na puntahan siya ngayon dahil baka magiba ang ihip ng hangin. Hindi rin ganon kalakas ang loob ko na itext siya. What’s happening to me.


Nailing nalang ako at hindi na inalala pa iyon. I need to focus to my subjects. Itinabi ko na rin muna ang notebook na hawak ko para hindi ko maalala maya’t maya ang taong ‘yon.


“Samahan mo ako mamayang hapon.” Sambit ni Freya habang nasa kalagitnaan kami ng klase. “I want to go to a bar. And I want you to come with me.”


Kinunotan ko siya ng noo at hindi pinahalata sa aming instructor ang ginagawa naming pag uusap.


“Don’t tell me you’re meeting someone in there na nakilala mo lang sa text?”


I’m not sure of that. Naalala ko lang ang naging katext nito noon na sinabi sa kanya na gustong makipagkita. That is not a good idea. I mean, it’s not safe.


“Of course not.”


“E, ano?”


“I’ll tell you later. First break.”


I just nod at her. If it’s not that reason, then what? Anyway, I just have to wait whatever fuss Freya have again to tell this time. It’s not as if it is first time anyway.


When first break came, I didn’t saw Stone. Pakiramdam ko ay galit na siya sa akin dahil hindi ako nakipagkita sa kanya sa parking lot. Ganon nga kaya? Would he think that I just forgot? Would it be hurtful if he thinks I think that way? Ang kalimutan siya at hindi alalahanin. Of course it is.


“So, anong meron?” Tanong ko agad pagkaupo naming dalawa. May mga nabili na kaming pagkain. I’m happy that this time, I’m not holding a notebook or any hard copies to review. Nakakasabay na ako sa mga topics namin.


“I want to forget him.” Anito.


“Who?”


“Your brother.”


Napatitig ako sa kanya at hindi agad nahanap ang salitang gagamitin. I saw her look away and start eating her food.


“Kaya mamaya, samahan mo akong uminom.”


“Anong araw palang ngayon.”


Umiling siya. Pinuno niya ng pagkain ang bibig niya. Ano na naman kayang ginawa sa kanya ni kuya? Ano na naman kayang sinabi nito.


“I was trying hard to please him but I guess it’s not working. It’s never working.” Sambit nito sa malungkot na tono.


And I guess, I’m not the only one who’s hurt here. Kung may nasasaktan man ng mas matagal dito, siya iyon.


I’ve became friends with her when I was in grade 8th. Siya iyong tipo ng babae na hindi mo makikitaan ng lungkot. Parang walang mabigat o mahirap sa kanya. Everyone likes her. They want to be friends with her dahil narin approachable ito. But there will be times too na lumalaban talaga siya sa mga taong hindi rin siya kayang respetuhin. She won’t just sit and cry.


Ang hindi lang siguro nila alam ay ang pinagdadaanan nito na ako lang ang nakaka alam. She lives alone. No parents in the houde. Even siblings.


And when she saw kuya for the first time, nagustuhan niya ito agad. Reason why she always stay in our house. Para mas mapagmasdan ito at makapagpapansin na rin.


She can always seduce a lot of men but not Kevin — who’s still in love with his ex, Cassandra. It’s been 5 years. Pero hindi niya ito makalimutan. Freya knew kuya had an ex but I never told her the reason why they broke up. Ayokong magalit si kuya sa akin. Ayaw kasi nito na ipaalam sa iba. Kaya kahit anong pilit sa akin ni Freya na sabihin kung paanong nagsama at naghiwalay ang dalawang ‘yon ay hindi ko masabi sabi sa kanya.


“I’m sorry.” Masinsiredad na sambit ko. Ngumisi lang ito at umiling.


Naging tahimik kaming dalawa sa paglalakad namin pabalik sa aming classroom. I sighed carefully for her not to notice it ngunit kasabay nito ang pagtigil ko sa kalagitnaan ng hallway.


That’s her. That nerdy girl. Naglalakad ito palayo sa amin, sa katapat na hallway na dinadaanan namin.


“Bakit?” Tanong ni Freya. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok na rin kami sa room at naghanda para sa susunod na subject.


“Ito nga pala.” I handed her the other ticket. She check the information in there. The auction will happen this Saturday. Doon ko naisip na baka umuwi ang parents ni Stone ay dahil sa event na ito. Bakit ngayon lang? Maraming nangyari kay Stone. Marami na siyang sinalihan na paligsahan.


“I forget to ask what should we wear. I’ll do it later.”


Iniisip ko na hindi lang ito simpleng auction. I’m wondering if we will be wearing long gowns. I don’t know.


I texted kuya about it. At nang makatanggap ng reply na gowns nga ang isusuot namin ay napabuntong hininga ako. It’ll be hard to find one. Sinabi ko nalang ang tungkol dito kay Freya para alam niya na agad.


“Saang bar naman tayo pupunta mamaya?” Tanong ko habang nililigpit namin ang gamit. It’s lunch time. Kanina pa ako tingin ng tingin ng oras actually dahil parang ang bagal tumakbo nito. Kaya naman laking pasasalamat ko nang tumunog ang bell namin.


“Saan ba ang gusto mo?


“No shots for today.”


Natawa lang siya at sabay din kaming lumabas. Dala dala ko ang notebook at journal ng kapatid ni Blade. Baka sakaling makita ko siya sa canteen.


Hindi pa kami lubusang nakakalapit sa canteen ay kumpol kumpol na ang tao sa entrance. Nagtaka ako at nakipagsiksikan kami ni Freya. I can hear Stone’s name.


“Wesia!”


Napako nalang ako sa kinatatayuan ko nang tawagain ni Stone ang aking pangalan. Lumapit ito agad sa akin at hinawakan ang aking kamay. Lumingon ako kay Freya na sumunod lang din.


Is he not mad for not showing up this morning in the Parking lot? Binalot ako ng kaba. Her mom is in here! At nasa iisang table ito. Kaya sila pinagtitinginan ng tao.


“This is Wesia. I think you know her.” Walang ganang pagpapakilala ni Stone sa akin. Her mother, Ashlyn smiled at me and asked me to seat na siyang ginawa ko sa tabi ng anak nito. Ang dapat na pagsunod din sana ni Freya at pagupo ay hindi natuloy nang senyasan akong sa ibang table nalang ito.


“It’s nice to finally meet you.”


“Nice to meet you rin po.”


Napatitig ako sa kanyang ina. She’s really beautiful and neat. Hindi ko pa siya nakikita ng ganito kalapit noon. Nang lingunin ko si Stone ay parang wala man lang itong pake alam.


“I came here to eat with my son, sana. We haven’t seen each other for a long time.”


“Ano pong gusto niyong kainin? Mago-order po ako.”


I saw her stares at her son that’s not even looking. Ibinalik nalang nito ang tingin sa akin at umiling.


“Thank you. But there’s no need for that. S-sa labas na lang ako kakain. Both of you, have a good lunch. “


Nang sabihin niya yon ay parang napipilitan lang naman ito. I can sense that Mrs. Grey really wants to eat lunch with her son. Gumawa nalang ito ng rason na sa labas na lang kakain dahil sa pinapakita ni Stone.


Nang maka alis ang mommy nito ay saka ko siya nilingon. Magsasalita sana ako nang tumayo ito at nagpila doon para bumili ng pagkain.


Parang bumigat na naman ang pakiramdam ko. Gusto ko rin habulin ang mommy nito at ipaliwanag sa kanya na ganito lang si Stone dahil siguro nagtatampo. Matagal silang nawala at nasaktan talaga ng todo ang anak nila. But who am I to say that.


Pagbalik ni Stone ay may dala na itong isang trey kung saan nakalagay ang pagkain naming dalawa. This time, sa harap ko na siya nakaupo.


“Wala ka sa parking lot kanina.” Unang sambit niya nang makaupo. He looks tired. Parang antok na antok din siya.


“I-I’m sorry.” I said out of guilt. Tumungo lamang ang ulo ko at sinimulan na galawin ang pagkain.


“It’s okay. Baka nakalimutan mo-“


“No, Stone. “ Agad kong pagputol sa dapat niyang sabihin. I didn’t forgot it. I avoided it. Because I don’t want to see him again this close. “Hindi na talaga kita hinintay.”


Hindi ito nagsalita. He was just staring at me. Ayokong magsimula ngayon dahil nasa harap kami ng pagkain. Ayokong mawalan siya ng gana.


“I get it.” Then he chuckles. “You’re going back to him.”


“No.”


“Then something’s wrong with me.” Madiin ang banggit niya sa huling salita.


“Wala, Stone.”


Namasa agad ang mga mata ko. I saw how his jaw move. Nakita ko ang pagpipigil doon. Ng emosyon. Ng luha.


“I just… I just need to heal myself without the help of anyone. Nasasaktan kita.”


“I don’t care.”


“I do.”


Pigil na pigil na rin ang ginawa ko sa sarili. Konti nalang ay iiyak na ako. But I don’t want people here to think something’s wring with us. Ayokong pagtinginan kami ng tao. Sa ingay ng nasa paligid namin, kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.


“The seven days agreement, it helped me at least forget some things about my past with Renzo. You beside me, helped me do better in my failing subjects. Pero naisip ko na nagagawa ko lang iyon kapag nadiyan ka.” Suminghap ako ng hangin tila hirap na hirap akong huminha. “But at the end of the day, kapag wala ka na, babalik at babalik na naman ang mga ala-ala ko kay Renzo. Na gusto ko parin alalahanin siya. At iyon ang ayoko nang maramdaman. It feels like I’m just using you-“


“Then I’ll stay. Hanggang sa makalimutan mo siya.”


“No, Stone. I don’t like that. You will just get hurt.” I almost beg. Ang sabi ko noon ay gagawin ko ang lahat, makalimot lang sa taong nanakit sa akin. Pero kahit anong gawin ko pala, hindi ko talaga siya makalimutan. Karulad nong nangyari sa 7th day namin. I didn’t even think twice na puntahan si Renzo kahit kasama ko pa si Stone.


“I told you I don’t care.” Pamimilit nito at inabot po ang aking kamay na nasa mesa.


“But that’s wrong.” Hinila ko ang kamay sa kanya. Hindi ko alam kung paanong ganong kadaling nakawala ang kamay ko sa kanya. Napatitig lang siya doon. “This is wrong.” Tumayo nalang ako at inilapit sa kanya ang itim niyang binder. Sa ganong paraan ay may mas chansa akong makalayo. I don't want to explain myself. Dahil alam kong ipipilit niya lang din ang sarili niya. Alam kong sasabihin niya kahit anong gawin ko ay ayos lang sa kanya. Dinala ko ang journal at umalis na rin doon.


Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha kaya tumakbo na ako palabas para walang makakita nito. I end up crying silently inside of a cubicle from the women’s comfort room na malapit dito.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now