Kabanata 13

103 33 0
                                    

Why



"How was your date?" Salubong na tanong ni kuya pagpasok ko palang ng pinto ng bahay. His stares are serious like he's trying to read my mind. Bigla akong nahiya.


Pagod akong ibinagsak ang bag at sarili sa sofa'ng andoon. Hindi ko ipagkaka-ila, Stone's Chicken Curry is really good and my stomach is full now. Isinandal ko ang likod sa backrest habang si kuya ay nakaupo sa arm rester, hindi inaalis ang tingin sa akin.


"Kailan mo pa nalaman?" Tanong ko, hindi sinasagot ang tanong niyang nauna.


"Kanina lang, nang ipaalam ka niya sa 'kin. So, how's your date with him?"


Nilingon ko siya nang nakangisi, bumibilib sa bagay na naoobserbahan kong katotohanan. "Pumayag ka na i-date niya ako? Despite the fact that he's a womanizer? "


Itinuon niya ang paningin sa center table na nasa harapin namin, katumbas non ay ang isang ngiti at pagbalik ng tingin sa akin.


"Yes."


"Why?"


"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Wes. Bakit? I thought you don't want to get hurt again? And of course to hurt another person. You also hate him, right?”


Umiling ako na parang balewala lang ang sinabi niya. Si Stone, masasaktan ko? Naisip niya rin kaya 'yon sa tuwing mambababae siya at papalitan agad ang girlfriend niya sa isang araw? Kung masasaktan ko siya, imposible iyon.


"Imposibleng masaktan siya."


"Paano ka nakakasiguro? You think he's strong like what his name stand?"


Hindi ako nakasagot pa. Tulala akong bumalik sa loob ng aking kwarto habang iniisip ang tanong na 'yon ni kuya. Saang banda siya mahina? Inisip ko ang pwedeng kahinaan niya. Not in school, not in his social life. He has lots of followers. Not in the way he dress. People tell he's always oozing hot. Bakit, nasaktan na ba siya noon?


Tao rin siya. Sa tingin ko nga, may kahinaan parin siya kahit ganon siyang tao. Saan, ano, at sino ang mga kahinaan niya?


Inayos ko ang sarili ko bago lumapag sa kama. I'm getting ready to sleep when I heard something weird on somewhere. Napalingon ako sa paligid. Nadapo rin ang paningin ko sa bintanang medyo may kalakihan. Hindi iyon nakasara. The curtains move. Mahangin naman at lagi nang gumagalaw iyon pero hindi singlakas ng ganito.


Bigla akong binalot ng kaba. Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Don't tell me, it's a bad guy? Sa paglapit ko doon sa bintana ay ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. I feel like there is really strange in there. Ngayon ko lang ito naramdaman. Nang makalapit ay dahan-dahan kong inangat ang aking kamay para sana sa mabilisang paghawi ng kurtina.


Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko na nasa aking isang kamay. Huminga ako nanh malalim at nang makitang si Stone ang tumatawag ay napaikot ako ng mata. Sinagot ko rin 'to.


"What?"


I heard him laugh. "Woah! Relax. I just want to say....' Goodnight and sleep tight. '' Pang-uuto pa nito. Nawala tuloy ang kaba sa aking dibdib at hinawi ang kurtina sa bintana. Kumunot ang noo. There's no one in there.


Baka guni-guni ko lang.


"Okay. Matutulog na ako. Night." I said as we end the call. Mali, ako lang ang mag-isang pumutol nito.


Nahiga ako nang maayos sa kama at nanatiling tulala. Ang nangyari kanina kasama si Stone, parang hindi totoo. I saw one side of him. Side niyang matagal ko ng alam ngunit ngayon ko lang uit nakita. O baka ganon lang siya para ipakitang maayos siya kahit hindi naman talaga.


Sa sumunod na araw, masasabi kong maayos na ang lahat sa paligid. No one's whispering and talking behind my back. Titingin lang sila at kapag nahagip sila ng paningin ko ay iiwas sila ng paningin.


Hawak-hawak ang mga libro ay dumaan ako sa faculty para makita sa labas ng pinto ang board kung saan nakapaskil ang mga gaganapin sa susunod na buwan. But there is really nothing much in there. More on teacher's activity. Ang mga activities para sa mga istudyante'ng andito ay para lang sa mga kasama sa mga special sections. And seniors like us in 11th and 12th grade are not included anymore.


"Kamusta ang gabi niyo ni Stone?" Ngising-aso si Freya nang makapasok ako sa loob ng classroom. Umikot ang mga mata ko at pabagsak kong inilapag ang dalawang libro sa mesa.


"Bakit mo naman kami iniwan?"


"Duh? Anong gusto mo, sumama pa sa date niyo? Anong gagawin ko?"


This girl. She has a lot of words to say. Naupo ako nang maayos ngunit pilit siyang dumungaw sa aking harap. Trip niya na naman sigurong umupo sa likuran ko.


"So ano nga? Anong nangyari?"


"We just ate." Walang interest kong sagot.


"And?"


"Wala na. Umuwi din ako pagkatapos."


Ngumiwi siya. Umiwas ako ng tingin at naglabas ng kaunting tawa. I know she doesn't like the idea of what I did. Gusto niya kasi ay lagi kong kasama ang lalaking iyon.


"Ang pangit mo talagang ka-bonding!"


"What?" I asked, sound innocent but I really know what she wants to say. "Hindi pa naman ako sanay sa kanya, okay? So stop nagging. At least nagd-date kami."


"Hindi ka talaga masasanay dahil ikaw mismo ang umiiwas. Paano kung may gusto pang gawin o ipakita sa'yo yung tao?"


I didn't talk back. Itinuon ko ang atensyon sa klase. But there will be times, sinasakop niya ang isip ko. Ang mga sinabi ni kuya kagabi, kinokonsensya ako. Lahat nga naman ng tao ay may puso. He might be the person I really hate but he can feel pain too. Para saan? Hindi nga ba siya singtigas tulad ng kung ano ang sinisimbolo ng kanyang pangalan?







"Wes, may bisita tayo ngayon dito." Ang sabi ni kuya habang inaayos ang kwarto niya.


I was 11 years old that time. Still shy and not fun to be with. No friends. No crushes. Just myself.


Abalang-abala si kuya sa pag-aayos ng isang guestroom namin. I pouted my lips as I wander my gaze around the corner of the room. Sino ang magiging bisita? Masaya kapag may bisita. Ayoko lang ay kapag tinatawag ako para iharap sa bisita. Masyado akong mahiyain at hindi makahanap ng salitang sasabihin para maentertain sila.


"Sino po?"


"Don't worry. You don't have to entertain him that much. He's a boy. Just like you. Same age."


"Kevin, andito na si Ash!" Sigaw ni mama galing sa ibaba. Nagmadaling bumaba sa hagdan si kuya samantalang ako ay dahan-dahan lang, unti-unting sinisilip kung sino ba ang tinutukoy.


Isang itim na sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Lumabas ang driver nito at binuksan ang pinto ng backseat. A boy wearing white loose shirt and black jeans step out of the car. With his messy hair and strange self-atmosphere, bigla akong napa-atras at napatago sa likod ng wall malapit sa hagdan.


Who is he?


Nakabusangot ang kanyang mukha. Parang ayaw niya dito.


"Hello, Ash! Kamusta?" Mom tried to speak to him. Pilit na ngumiti ang lalaki at umiling, sinasabing hindi ito okay. Ngumuso rin si mama at tinapik ang balikat nito. "Okay lang 'yan. They just need to work para sa'yo. Andito naman kami. Andito rin si kuya Kevin mo. You can also call me, 'mama.'"


That time, I learned that this boy was left behind by his parents. Kailangan mang-ibang bansa dahil andon ang tawag ng mga trabaho. Both parents are trying to lead their company. Isa itong modeling company at tanyag na tanyag sa buong Asia. Ganon din sa western countries. Their company has the best models for popular clothing, perfume, women's and men accessories, at iba pa. Sa sobrang busy ng magulang, kailangan iwan ang anak dahil hindi rin naman ito maalagaan doon. At ang sabi, ayaw ni Ash ng sumasakay ng eroplano dahil may trauma daw ito doon.


"Dito ang magiging kwarto mo." Sambit ni kuya nang maidala si Ash sa isang guestoom na kanina lang ay inaayos nito.


For that night, sabay-sabay kaming kumain. There's also dad. Both of my parents decided to stay for a one week vacation lang. To check us. To see what we've got. Sa studies at sa personal development namin.


"Busy sila Ashlyn." Ani mama tungkol sa mommy ni Ash nang magtanong si papa kung na saan ang parents ni Ash. "Pwede naman siya dito."


Papa gave smile to the boy, sinusubukan panatagin ang loob nito. "Pwedeng-pwede. Tamang-tama, para may kalaro na itong si Wesia. Hindi kasi ito masyadong lumalabas."


Tinignan pa ako ni papa para sa akin mapunta ang tingin ng lalaki. Ash' gaze went to me. Tumitig ito ng ilang saglit bago ipinagpatuloy ang pagkain. Parang wala siyang interest na kilalanin ako.


Ganon din ako.


Sa loob ng isang linggo ay hindi kami nag-uusap. Hindi siya tumitingin at mas gusto niya ang mapag-isa. Palagi lang siyang tulala at nakatingin sa family picture na naka-wallet size. Sa murang edad ay may expensive narin itong wallet at phone.


Dumating ang araw na kailangan narin umalis nila mama para gawin din ang mga trabaho. We're used to it. Nalulungkot din kami pero mas nananaig ang pagiintindi. Doon ay narealized kong, hindi naman pala ganon kalungkot kahit umalis sila mama at papa dahil mayroon akong kuya na mag-aalaga sa akin. Mayroon akong kuya na sasamahan ako.


Si Ash, wala. Nag-iisang anak. Walang makausap. Walang mapagsabihan ng saloobin.


"Do you like Arts?"


Ash' face lit up. Isang tanong lang ni kuya ay parang naroon ang buong atensyon nito. Ngumisi si kuya at may ipinakitang isang drawing book. Wala itong sulat o kahit anong content sa loob. Agad iyon tinanggap ni Ash at binuklat ito.


"This book feels like me." Anito. Sa unang pagkakataon ay nagsalita rin siya at ito ang una. Nanatili akong nanonood ng tv ngunit ang pandinig ko ay nasa kanila, hindi kalayuan ang distansya nila sa akin.


"Pwede mo namang lagyan ng laman. Kulayan. As you try to entertain yourself with other people."


Buong maghapon ay nagkulong si Ash sa kwarto niya. Nag-aalala kami ni kuya at nagusap na kapag hindi pa siya lumabas ng gabi ay kailangan namin buksan iyon gamit ang extra key.


Mabuti nga ay lumabas din siya nang sumapit ang gabi. Muntik ko pang mabitawan ang basong babasagin nang lumapit ito sa akin habang ako'y umiinom, ipinapakita ang napakagandang likha ng sining niya sa book na ibinigay ni kuya. It's him! Ang drawing ay siya. Ngunit malungkot at walang ganang mabuhay.


"Is it pretty?" Tanong niya.


"O-oo. Maganda." Nanginginig na sabi ko. Nahihiya din sa kanya.


"Gusto mong i-drawing kita?"


"H-hindi."


Because that will means of a long hour of him looking at me. Trying to memorize every details of me. Including my face. Ayoko non.


"Oh, ano 'yan? Drawing mo?"


Nakahinga rin ako nang maluwag sa pagpasok ni kuya. He check Ash' work and it makes him smile. "Wow! I didn't know you're good at this. Mukhang pwede ka sa pinaplano kong art gallery."


Noon ay mas napa-boost pa niya ang confidence ganon din sa pakikipagkaibigan sa iba. Ngunit hindi sa akin. Mag-uusap man kami ay kapag kailangan lang


Sa tuwing umuuwi ang parents ko at kakamustahin siya, ganon din sa parents niya kung may komunikasyon ba sila ay nananahimik siya. Nagiging arogante ang reaksyon tungkol sa usaping pamilya'ng meron siya.


Naiintindihan naman 'yon ng parents ko. Kahit ganon ay guston gusto parin siya. He's a nice guy. He's caring and respectful. Sa pamilya lang talaga siya may disgusto.


Isang mainit na palad ang humawak sa aking siko. Ash went behind me. Dikit na dikit tila ayaw akong pakawalan. Humawak din siya sa isa kong siko. Tuloy ay pinagtitinginan kami ng mga kaklase. Ganon din ang mga babae'ng nagkakagusto sa kanya.


"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.


I'm twelve years old and he's 13. Parehong taon ngunit hindi ng buwan. Kaya naman nagiging malisyoso narin ang mga tao sa paligid namin tuwing kami ang magkasama sa pagdaan ng araw.


Agad niyang tinanggal ang itim na jacket at ipinulupot sa aking baywang. Sa ginawa niyang 'yon, kahit hindi niya sabihin ay alam ko na.


"Ano na, Ash? Tara!" Aya ng barkada dahil uwian na. Mukhang may pupuntahan pa sila.


"You can go. Sabay na kami ni Wes!"


They whistle. Tila isang sign language iyon para sa mga kalalakihang tulad nila. Tumingin din sila sa akin bago tumango at nauna.


Halos mamula ako at nangamatis ang parehong pisngi. I didn't know. I didn't know this will be the day that I'll get menstruation. I didn't know. Gusto ko ng umiyak at tumakbo. Magtago sa kumot at murahin ang sarili ko.


Anong oras pa iyon? Anong oras pa akong natagusan? Kanina pa ba? Bigla ay naluha ako. Sinilip ni Ash ang mukha ko at siya na mismo ang humila sa akin patungong women's comfort room.


Ilang babae ang napapatingin. Most of them are seniors. Kahit mas bata si Ash ay nagugustuhan parin nila. Hindi naman kasi halata na bata pa ito dahil sa pangangatawan.


"Do you know how that works?" Tanong ko habang nakaharap sa isang manual pad's machine. Hindi ko alam paano gamitin ito.


Bumali siya ng leeg at naglabas ng barya sa pantalon. Isang limang piso ang ginamit niya at ipinasok para magpalabas ng isang sanitary pad.


"Here." Sa pangangamatis ng pisngi ay mabilis kong hinablot 'yon at pumasok sa loob ng cubicle. Inilock ang sarili sa loob at nagpalit. Halos mangiyak-ngiyak ako. Buti ay walang tao sa labas ng cubicle kaya nagkaroon ako ng oras na tanggalin ang mantsa sa aking palda.


Gusto ko nalang umuwi.


"Wes?" Tawag ni Ash sa labas ng pinto. Lumapit siya at sinilip ako. Kitang-kita ang ginagawa kong pagbabasa sa palda kung saan ang mantsa. Halos ikutin ko na paharap ang paldang suot.


"Ayaw matanggal. Umuwi nalang tayo." Umiiyak na sabi ko.


"Okay. Gamitin mo na lang 'yang jacket ko." Aniya na ginawa ko. Inalalayan niya ako sa paglabas at iniwas ang paningin sa mga tao.


"Akala ko, magkapatid sila?"


"Hindi naman Fajardo si Ash. Grey siya. Grey!"


"E, ano 'yan?"


Bulungan ng mga istudyanteng makakasalubong. Agad kaming nagpara ng taxi. Nauna na si kuya at malamang ay nagtaxi narin 'yon. Busy'ng busy kasi siya sa school activities na alam kong mas advance kaysa sa amin.


"Nakakahiya..." Humahagulgol na sabi ko. Nilingon niya ako at ipinatong ang palad sa aking ulo, marahang hinihimas iyon.


"Hindi nila nakita 'yon. I'm sure of it."


Nahihiya ako sa mga tao'ng posibleng nakakita. Nahihiya ako sa kanya mismo.




"Dalaga na si Wesia." Pang-aasar ni kuya matapos tanungin kung bakit ako umiiyak nang umuwi ako. "Thanks, Ash." Baling din nito sa katabi ko.


Ash respond with a half smile. Sa pagdating ng kinabukasan ay para parin akong nanghihina dahil sa hiya. Paano kung may nakakita?


But no one talked about it. Lalo na ang ginawang pagsama sa akin ni Ash kahapon sa cr. No one dare to speak a word about it. Hinatid niya rin ako sa klase ko at hinintay na mag ring ang bell bago siya umalis.


"Stay strong sa inyong dalawa. Sana ako din, alagang Grey." Sambit ng isang kaklase kong medyo close ko sa taong ito. Anong stay strong ba ang sinasabi nila? Hindi naman kami!


"Oo nga. Ang sweet!" Sambit pa ng iba.


What are they talking about?


"Pinatigil ng grupo ni Ash ang mga istudyanteng pinag-uusapan ka."


"G-grupo?" Tanong ko, hindi maintindihan ang sinasabi nila. May gang ba siya?


"Oo. Buong arts club, pinatahimik lahat ayon sa utos ng supremo'ng abo." humagikgik sila, tintukoy si Ash Stone Grey. "Ganon din ang mga kaibigan ng kuya mo. Kaninang umaga pa kasi nagtatawanan ang mga meanie girls tungkol sa tagos mo daw. Nang makarating kay Ash, pinatahimik. Kapag may narinig na pag-uusapan 'yon, kawawa kay Ash at sa kuya mo."


Napabuntong-hininga ako. Sa loob-loob ay masaya ako dahil doon. Nasunod din ang gusto kong h'wag pag-usapan ang bagay na iyon at tuwing kakausapin ko si Ash tungkol dito ay iniiba niya ang topic.


Napagtanto kong hindi niya ako hinayaan na makaramdam ng hiya sa sarili at hindi niya rin hinayaan na ipahiya ako dahil sa nangyari. I'm so thankful for him.


Nawawala lang talaga siya sa pag-iisip at nagiging arogante kapag pamilya na ang usapan. Ayaw niya na pag-usapan iyon.


At mukhang iyon ang kahinaan ng isang bato. But what makes him turned to be a womanizer? Kulang sa atensyon kaya sa babae nagpapapansin? I like him at first pero sa mga sumunod na taon ay pagkadisgusto na ang naramdaman ko para sa kanya.



"Ayaw mo ng pagkain?" tanong ni Stone nang mapansin akong tahimik. Naalala ko ang lahat ng iyon pero hindi ko mawari kung bakit siya naging babaero ngayon.


And then I remembered, he said that it was my fault that he become a womanizer. Paanong ako? Bakit ako?


"Gusto." Sagot ko at ginalaw ang food na siya mismo ang nag-order.


Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya muli akong tumingin sa kanya. "What?" I even asked.


Wala sa pwesto namin si Freya dahil ayaw niya daw. Kaya naman sa mga kakilala siya sumabay.


"Mas gusto ko pang naiinis ka o galit sa akin. Ayoko ng tahimik ka. Kinakabahan ako." Aniya at uminom ng tubig na parang iyon lang ang paraan para ibsan ang kabang nararamdaman.


What happened to him? Is his parents who made him like that? Stupid, Wes! Ako nga daw ang dahilan kung bakit.


"Is it Renz? Do you miss him?" Tanong niya, alalang-alala na baka ganon nga ang nararamdaman ko. Parang kayang kaya niyang dalhin agad si Renz dito kapag sinabi kong oo.


Umiling ako at ngumuso. "Gusto ko ng Chicken Curry."


Ilang segundo siyang natahimik at nakakatitig sa akin. Natawa ako at umiling. He's really crazy!


"Shit!" Mura niya sa mahinang boses.


Napagtanto kong kanina pa pala si kuya sa tabi ko na, nanonood sa 'min. Hindi ko namalayan. Kumunot ang noo nito nang marinig ang sinabi ni Stone.


“Kinilig na naman ang gago." Ani kuya at umalis rin pagkatapos iabot sa kanya ang susi ng sasakyan nito.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now