Kabanata 20

146 34 0
                                    

Little feelings



"Ayos lang ako, Renz." Ang sagot ko sa kanina pa niyang tanong kung talaga bang ayos lang ako. Maybe he also knew what Shanta did to me.


Hindi ko narin napigilan ulit ang sarili ko sa pagkakataon na ito na pagbigyan siyang mag-usap kami kahit saglit lang daw. Ngunit alam ko, ilang minuto na kaming naguusap. Kaming dalawa lang. Si Freya ay umuwi na dahil lagi namang inis 'yon sa tuwing sasama ako kay Renz.


"Hindi ba't ang sabi ko naman kasi sa'yo ay lumayo ka sa kanya? Magkagusto ka na sa iba, h'wag lang kay Ash."


Nilingon ko siya. Pareho kaming nakaupo sa hagdan pababa ng kanilang building. Iilan na lang ang mga istudyanteng dumadaan kaya kampante kaming maupo dito.


"You will always be in danger when you're with him."


Napagtanto ko nga 'yon ngayon. Pero parang normal lang sa akin ang ganito. Maraming nagkakagusto sa kanya. Malakas ang pagkatao niya at gusto ko parin maniwala na matatahimik din kaming dalawa.


"Hindi mo pa siya kilala ng lubusan, Wesia. Kapag nalaman mo ang iba pa niyang ginagawa maliban sa pambababae ay baka pagsisihan mo."


I went silent and slightly mad. Gusto kong sabihin na kilala ko si Stone. Na mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa kanya but who knows. They're both men with the same interests. Women and other things na sila-sila lang ang may alam. Hindi ko lang malaman kung ano pa ba ang others na 'yon maliban sa pambababae. Kilala ko si Stone pero sa mga obvious at simpleng bagay lang. Kung ano man ang hindi ko pa alam, gusto kong malaman. Pero sa loob-loob ko ay binalot ako ng kaba. Para bang may mas mabigat pang pinaggagawa si Stone.


"Salamat sa concern. But I'm determined to know him more. Whatever those others things I'm still not aware of about him, I want to know." malakas na loob na sabi ko.


Kahit pa pakiramdam ko na hindi maganda 'yon ay susubukan kong tanggapin. We don't just trying each other. I'm not just dating him for good. I want this to work out. At bago 'yon mangyari, dapat kinikilala niyo ang isa't isa.


Tumingala siya sa akin matapos kong tumayo, isinusuot ng maayos sa akin ang bag ko. He's staring at me, seryoso at nakatiim ang panga na parang hindi siya kontento sa mga sinagot ko sa kanya.


Ipinagdarasal ko na sana tigilan niya na ako sa pagtitig niya ng ganon. Nakakapanghina at parang hindi gusto ng isip kong paalisin pa ako.


"I have to go." Paalam ko. Tumayo narin siya at pinigilan ako.


"Sabay ba kayo ni Ash uuwi?"


Now that he mentioned that, naalala ko ang usapan namin kaninang umaga. We have a date. And right, his shirt are wet at hindi pa siya nakakapagbihis.


Hinila ko ang kamay ko sa kanya na parang napaso ako. Nanghihinayang ako na aalis na ako ng ganon kadali pero kailangan.


"I'm sorry, I have to go."


Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. I run away with my most fast pace, pinagdarasal na sana'y maabutan pang bukas ang coop. I have to buy a PE shirt for him. Ilang minuto kaming nagusap ni Renz at baka sarado na 'yon.


Natigil ako sa pagtakbo hindi kalayuan sa pinto nito nang makitang sarado na nga 'yon. Ang mga mini-canteen ay sarado narin. Ilang beses akong napamura at tumakbo narin pabalik. Hingal na hingal akong pumunta sa freshmen building, inaasahan na andoon pa si Stone.


I blink when I saw no one. Malinis na doon at wala na ang mga gamit at mesa na madalas kong nakikita. I checked my phone, expecting a text message from him but nothing. Lumihis ako palabas ng building, tinutungo ang daan papuntang parking lot.


Pakiramdam ko ay dumilim ang paligid dahil sa pagdilim ng kalangitan. Ang ulap ay hinaharangan ang sikat ng araw. Kasabay ay unti-onting pagpatak ng ambon. Mula sa iilang patak hanggang sa dumami, matatawag na ngang ulan.


Hinagilap ko siya. Dumadaan ako sa gilid-gilid kung saan pili lamang ang may bubong para hindi ako mabasa. Ngunit sa lakas ng buhos ng ulan ay tumatalsik sa paa ko ang iba.


Nakakainis! Asan ba kasi ang taong 'yon!?


Tumigil muna ako sa isang gilid. Inilabas ko ang phone ko at tinawagan na lang ang numero niya ngunit tumutunog palang ang unang ring nito ay nakita ko na siyang lumabas sa isang sulok. At nang makita ako'y agad niya akong nilapitan.


I put down the phone. Nagriring parin 'yon at noon niya lang napagtantong tinatawagan ko siya nang ilabas ang phone sa kanyang bulsa.


"I'm sorry." Aniya nang makita 'yon. He turned off the call and stares at me.


Kinagat ko ang ibabang labi, inaalala kung paanong ganito rin noon sa tuwing tinatawagan ko si Renz at walang sumasagot. Kapag nalaman niya lang na tumawag ako ay papatayin niya din 'yon at sasabihin hindi niya alam. Pakiramdam ko ay naulit.


Suot niya parin ang shirt na 'yon. Its obviously dry now because of the warm of his body. Nakonsensya ako. Gusto kong mainis sa kanya dahil kanina ko pa siya hinahanap pero naisip kong kasalanan ko rin naman.


"Ayos lang. Umuwi na tayo." Ang sabi ko at inunahan siya. "Asan ang kotse mo?"


Or do he want to give me a ride? Kung hindi ay ayos lang. Magtataxi ako.


Saan ba siya nanggaling? Nambabae habang wala ako?


Pinatunog niya ang sasakyan at nalaman ko kung saan 'yon. Pinagbuksan niya ako ng pinto and I immediately slid in. Nakasuot na ako ng seatbelt nang makapasok siya. Titig na titig siya sa akin habang ako ay nakatingin sa harap.


"I look all around for you." Aniya. "Wala ng tao sa room niyo kaya hinanap kita. Nakita ko kayong magkausap sa building ni Renz kaya nanigarilyo muna ako. Ayaw mo naman ng amoy non kaya nagpahangin narin ako."


He smoked? Hindi ko agad yon naamoy. Binalot na naman ako ng konsensya. He saw us? Anong iniisip niya?


"It's nothing. Tinanong niya lang ako kung okay ba ako." Ang sabi ko para hindi siya magisip ng kung ano-ano.


Nilingon ko siya at nakita siyang tumango. 'Yon lang at pinaandar na ang sasakyan. His jaw is moving out of anger. Sa lagay niyang 'yon, alam kong maling-mali ako. I forgot him.


"I'm sorry. Pagkatapos kasi namin magusap ni Renz, dumaan ako sa coop kaso sarado na." Pagk-kwento ko.


He didn't talk again. Napagtanto kong galit talaga ito. Gusto kong sabihin ang dahilan kung bakit pa ako nagtungo doon pero ano bang napala ko? Inuna ko na naman kasi ang sarili ko kaya nasaraduhan pa ako ng coop.


"Ihahatid na kita pauwi." He said, all serious, ignoring those words I told him.


I thought we'll do a date?


"S-sige." Halos maluluhang sagot ko. Bakit ganito?


Hindi ba't ganito naman ang gusto mo, Wesia? 'Yong seryoso siya o sineseryoso ka niya. Now that he's on to that side of him, bakit wala kang masabi? Bakit hindi mo magustuhan?


Tumingin ako sa labas ng bintana habang hirap na hirap na pigilan ang emosyong namumuo sa puso ko.


Ano ba 'to? Hindi ko gusto na ganito siya kaseryoso. Nakakatakot. Gusto ko ang lagi siyang mapangasar at nakangiti. I don't like him this mad. It makes me want to cry.


Gusto kong matuwa. This is good for me. Something within me is growing. The feelings. Alam kong may kakarampot na pakiramdam parin para kay Renz at naroon parin ako sa puntong kapag may gagawin siya na maganda sa akin, pwede parin akong mahulog. But the little feelings I'm starting to have towards Stone also matters to me now.


Tumigil siya sa tapat ng conviniece store. Tumigil na ang ulan kaya madali akong nakalabas nang walang sali-salita. Sasabihin ko sanang hinatayin niya nalang ako sa loob ng sasakyan pero sumama pa siya.


I picked a small basket the moment I go in, dinadakot ang mga items na gusto kong bilhin. Mula sa mga fever-equipment to medicine ay kinuha ko.


Sa dulo ng bawat column ay maghihintay siya. Nakatayo at nakatingin sa bawat galaw ko. Pailalim niya akong tinitignan at nagdadala 'yon ng kilabot sa' kin.


Nang bayaran ko ito sa kahera ay inagaw niya rin ang mga nabili at hinintay ako para sabay kaming lumabas.


"Para saan ang mga 'to? Masakit parin ba ang ginawa sa’yo ni Shanta? Do you us to visit a doctor?" Tanong niya nang makasakay kami pareho. Umiling ako habang kinakabit ang seatbelt.


"No. Iuwi mo yan sa condo mo mamaya. You might need it." Sambit ko at hinarap siya. "It's my fault that you get wet. Natuyuan ka pa. Baka magkasakit ka mamaya."


Nang magpunta ako sa condo niya, wala akong nakitang medicine kit. Hindi ko alam at baka nasa loob lang yon ng kwarto niya at nakatago but just to be prepared, meron man o wala, basta meron. Isa pa, mag-isa lang siya doon.


Tinitigan niya ako. Umiwias ako ng tingin. I feel sorry. I want to say I'm sorry for what I have done but I'm afraid. Parang mali. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya at makikita siyang kausap ang ex niya, malamang ay magagalit din ako, worst baka hindi ko na siya hintayin para lang ihatid pauwi.


Sa gulat ko'y napatitig ako sa kanya nang iliko niya ang sasakyan, bumabalik sa dinaanan namin kanina.


"S-saan tayo pupunta?"


"Let's have a date." Aniya saka bumuntong-hininga. "You know I can't stay mad at you for a long time. You really know how to get the fuck of me." Pagpapatuloy pa nito.


Napakaseryoso niya na kahit nakakatuwa sa parte ko ang sinabi niya ay hindi ako makangiti. Kahit papa-ano ay gumaan din ang pakiramdam ko.


We went to a mall. Tinanong niya ako kung anong gustong gawin at ang sabi ko'y bumili muna kami ng damit para sa kanya na siyang ginawa namin.


One gray shirt and dark jacket that I know it'll fit him and he immediately change it in the dressing room. Suot niya ito nang bayaran 'yon. Sabi ko ay ako na ang mababayad, e!


"Ako na kasi ang magbabayad dapat! May pera ako." Ang sabi ko nang akayin niya ako palabas ng mens wear center.


Hindi ako matahimik. Ang mahal ng mga damit na 'yon. Hindi man lang nabawasan ang konsensya ko dahil siya ang nagbayad. Baka isipin niya ay materyalistika akong babae dahil iyong branded talaga ang pinili ko.


"It's okay. Ako na. Ikaw naman ang namili." Sagot nito na natatawa dahil kanina pa namin pinagtatalunan ang bagay sa pagbabayad. At wala siyang ibang ginawa kung hindi ang matawa lang. "Hmm. Nga pala, mall date is not my thing kaya ikaw ang magsabi kung anong gusto mong gawin."


"E, bakit ba kasi dito?"


"Dadalhin dapat kita sa isang lugar kaso anong oras na. Baka magalit sa 'kin si Kevin." Tumingin ito sa kanyang pambisig na orasan.


Napanguso ako, dahil sa 'kin kaya hindi kami natuloy.


Ang mga nakakakilala sa aming nakakasalubong namin ay napapatingin. Madalas ay mapapatungo ako ng ulo. Hindi ko sila kayang titigan. Parang mali na kasama siya. Parang may batas na bawal maging girlfriend niya kahit na wala pa naman talaga kaming label.


"Romance-" I stop suggesting what I want to watch matapos makapili ng flyer na naroon sa isang mini-organizer sa may tabi ng scalator, nakatapat sa lobby ng sinehan. Tinignan ko siya na nakatitig din sa akin. His arm are in a possessive stance, claiming my waist. Kanina pa 'yon doon. "A-ahm, kung ayaw mo, okay din naman ang iba." Saka ko pinili ang isang action movie.


Naisip ko na baka may gusto niyang panoorin. Dati kasi, kapag sinabi kong romance, my partner wouldn't say yes. He would pick another genre. Ayaw kasi ni Renz ng romance. Kapag magsusuggest ako ay parang maiinis siya at pipili ng iba dahil ang rason niya ay lagi namang yon ang pinipili namin at dapat iba naman. That's why sa mga sumunod na araw ay siya na ang pinapapili ko sa lahat ng gustong gawin.


"Hmm. Romance is fine with me. Let's go get ‘em."


Tsk. Ang mga lalaki talaga. Sa una lang naman sila ganyan. Kunwari iyong gusto namin ang mahalaga pero kapag nagtagal, sila naman ang masusunod.


Marahan niya akong nahila sa baywang. "Wala ka bang gustong panoorin na iba?"


Umiling siya. "Hindi ako mahilig sa kahit anong movie. The reason why I want to watch a movie with you is to watch you."


Nailing ako. Muli niya akong nilingon na nakangisi. We bought tickets and a set of large sour-corn. Hawak niya ang corn nang pumasok kami habang hawak niya rin ang isang kamay ko. Nauuna siyang naglalakad patungo sa napili nitong upuan.


We sat beside each other. Ramdam ko ang excitement nang magsimulang magpakita ang ads sa malaking screen.


"Ito yung movie na matagal ko ng gustong panoorin pero hindi ko napapanood. Good to know that it's still in the top-watched movie list." Hindi ko napigilan ang pagiging excited.


"Bakit ngayon mo lang pinanood?"


Ngumuso ako at kumuha ng corn. "It was supposed to be the movie I'll watch with Renz." Bumuntong-hininga ako. "Ilang beses akong kumuha ng ticket, e. Dati kasi, limited lang 'to kaya mahirap makakuha. Kaso laging busy si Renz. Ngayon ko lang napanood. Boring manood magisa."


Alam kong kanina pa siya titig na titig. Mukhang plano niya nga talagang panoorin niya lang ako. Sana pala ay hindi ako pumayag. Mukhang hindi rin naman ako makakapag-concentrate na manood dito.


"Let's do all the things you want to do." He whispered.


Binalot ako ng kaba at init matapos nitong umakbay sa akin at inilapit sa kanya. Kumain ito ng popcorn at sa reaction ng mukha niya ay parang first time niyang kumain ng ganon. Natawa ako. Sa una ay hindi relaxing ang posisyon ko pero hindi rin nagtagal, I find myself leaning my head onto his massive chest.


"This popcorn is good." He said.


"That's sour-flavored. Masarap din ang cheese but I prefer this."


He nodded. Mabuti naman ay tumingin na rin siya sa big screen at nagsimula narin ang manood.

Chasing WesiaWhere stories live. Discover now