Kabanata 8

115 33 0
                                    

Accusations



"I'm not accepting that!" Tila bulyaw iyon sa akin. Ikwinento ko sa kanya ang lahat. Detalyado din ang lahat ng mga sinabi ni Renz na sinabi ko sa kanya. At mukhang ang pinaka-ayaw niya doon ay ang sinabi nitong 'Hindi ako hahayaan na masaktan ulit.'


"Chill." Ngumisi ako. Hindi ko magawang mainis sa kaibigan ko. Nakatatak sa akin ang magagandang salita ni Renz sa isip ko. Parang bago. Parang bumalik sa nakaraan ang lahat. Iyong nagsisimula pa lang akong magkagusto sa kanya.


"If he doesn't want someone to hurt you, sana noon pa man ay naisip niya 'yon bago ka niya hiwalayan. E, mukhang mas masakit parin ang break up niyo kaysa ang tamaan ng bola!"


Umirap ako. Pinaalala niya na naman iyon. Anyway who wouldn't forgot? Kahit ako ay laging naalala iyon pero sa tuwing nagiging approachable si Renz ay nakakalimutan ko na lang ang lahat.


Hindi na ako nagsalita pa. I regret telling her all of that. Pero hindi rin naman ako mapakali kung hindi ko masasabi ang lahat sa kanya.


Naghihintay parin kami dito sa parking lot dahil iyon ang bilin ni kuya. They're now talking with Ms. Andrada. Ang babae'ng nambato sa akin ng bola. But I feel there is something wrong. Bakit niya ako tatamaan ng bola sa lugar na mabilis siyang mabisto? Hindi ba siya nag-iisip?


"Ang sa inyo ni Ash? Wala ka bang kwento diyan?"


Nakakunot ang noo ko siyang tinignan. "Seriously, Freya? Gustong-gusto mo talaga ang lalaking iyon?"


"Because you matters to him."


Umiling ako. "I'm not. Flirt lang talaga siyang tao."


"Not really." Kontra nito tila kilalang-kilala niya ang ugali ni Stone. "Your brother and Ash will never be friends for years if something is wrong with him. Tignan mo nga itong si Renz na mas matino pero itinakwil din ng kuya mo."


"Because Renz hurt me!"


"Yes. That's the point." She said like she's tired of explaining things to me.


"Stone may be flirt but he didn't hurt you the way your ex did. Pero siya parin ang pinipili mo hanggang ngayon."


Tinignan ko siya nang maigi. I already know why he's been choosing Stone the day Renz hurt me. Gusto niya ba ako para sa bato'ng iyon? For what? For another bullshit of love? Sa tingin niya madali akong mahuhulog sa ganoong klase ng tao? Ano ba namang klaseng pag-iisip 'yan?


"Ano bang gusto mo, Freya? Do you want Stone to be my-"


"Yes. Your boyfriend!"


Hindi na ako nagsalita pa. Hinding-hindi ako mananalo kapag siya ang kasagutan ko. She has this aura that other girls will never win in terms of trash-taling with her. Lagi siyang panalo dahil mas matangkad siya at mas nakataas ang kilay. Ayoko rin na mag-away kami.


Dumating din ang hinihintay namin. Kuya with Stone and with someone else. Nagtaas ako ng kilay nang makitang si Sherline iyon. Some students also came to watch us. Nakangisi si Sherline habang hawak siya ni Stone sa siko at parang nagpapahila lang siya. Tila gustong-gusto.


Nang makalapit sa amin ay bahagyang inilapit ni Stone si Sherline sa akin.


"Kukuha lang ako ng bola." Wika nito. Sherline panicked to what has Stone said.


"What! Para saan?"


"Ibabato ni Wesia sa mukha mo. Mas malakas sa ginawa mo."


Natawa si Freya. Stone walk away to get a ball from someone. Mukhang sa kakilala. Pagkatapos ay pinahawak ito sa akin. Sherline stares at me coldly.


Hindi ko magawang ibato sa kanya ito. It will hurt her. Sana naisip niya rin na masasaktan ako bago ako batuhin ng bagay na ito.


"Bakit mo ako binato ng bola?" Tanong ko.


"Because you deserved it. You hurt Renz!"


So, she's a secret admirer of him? And what? I hurt Renz? Mukhang baligtad ang akusasyon ngayon.


"He's been having a hard time after your break up! Nakikita namin iyon!"


Napalunok ako. Nasa isip ko lahat ng salitang gustong ibato sa kanya. Like who is she to meddle? Who is she to throw a ball on my face? Who is she to do that? Parang nanghina ako at nabitawan ang bola. Gumulong ito sa kung saan ngunit hinabol iyon ni Freya at nilaro.


I am the one who had suffered so much. Not him! Kaya ano bang pinagsasabi nila na parang siya pa ang mas nasasaktan kaysa sa akin? Wala silang alam!


"Tapos ngayon ay si Ash naman ang nilalapitan mo? Malandi ka-"


Everyone gasp when Freya threw the ball on the back of Sherline's head. Halos mapasubsob si Sherline sa lakas ng pagkakabato nito.


"Freya!" Suway ni kuya. Dinampot pa ulit ni Freya ang bola at ibabato sana ulit sa kanya but kuya take her away. "Enough!"


"Wala siyang alam! Who are you to say that!"


Umaalingawngaw ang boses ni Freya sa lakas nito. Nagsidatingan ang mga guard para tignan kung ano ang pinagkakaguluhan. Sherline already stood up, smirking. Para akong mahihilo sa inis. What is this, huh?


Dumating din si Renz. With a worried look on his face. Para akong nasaktan lalo dahil si Sherline ang una nitong nilapitan.


"What are you doing?" Tanong nito para mas lalo akong malito. Kumapit sa kanya ang babae but he threw her hand away. Tumingin ito sa akin.


"Pinaghiganti ka. Sinaktan ka niya."


"You don't have to do that." Ani Renz at naglakad palapit sa akin na hindi rin natuloy.


Lahat kami napasigaw sa biglaang nangyari. Parang tumilapon si Renz sa lakas ng pagkakasapak ni Stone sa kanya para hindi tuluyang makalapit sa akin.


"Ash!" Sigaw ni kuya at lumapit narin. Natahimik rin ang nagiiskandalong si Freya at napatingin sa nangyari.


Dinakot ni Stone ang kwelyo ni Renz at pinatayo ito saka inilapit sa kanyang mukha. May sinabi siya kay Renz pero ngumisi lang ito at ito naman ang sumapak kay Stone. Nakaramdam ako ng kaba. Parang nawala sa katinuan si Renz hanggang sa mapaghiwalay ang dalawa. But Stone didn't just stop. Para siyang naubusan ng pasensya at binigyan pa ng mas malakas na sapak si Renz.


Other guards came. Madali naman silang napaghihiwalay but Stone never stop. Parang init na init siya sa pangyayari. Naaawa narin ako kay Renz sa putok nitong kilay. Lumapit ako doon.


Renz face softened when he saw me. May kinalaman siya sa pagkakabato sa akin ng bola? Para saan iyong pagiging mabait niya? Is he guilty?


"Wala akong alam sa nangyari, maniwala ka." Pagpapaliwanag niya habang naroon sa sahig. Stone is being guarded by the guards. Naroon din si kuya na hawak siya tila kulang ang tatlong guards para pigilan siya.


"Naniniwala ako."


Ang hindi ko lang matanggap ngayon ay bakit mali ang mga nalakap nilang impormasyon? Na siya daw ang mas nasasaktan? At dahil doon, naghiganti sa akin ang mga fans niya? For what?


"Let go of me!" bulyaw ni Stone roon sa mga guards. Sa lakas niya'y nakawala pa rin siya para lumapit pa kay Renz. Para matigil ay hinawakan ko siya sa braso.


"Stop."


And there he stops.


Tila hirap na hirap siyang huminga sa galit niya. Tiningala ko siya. Nakakatakot ang mga mata niya. Naroon pa ang ilang emosyon na hindi ko mabasa.


Tinalikuran ko rin siya. Pagod na ako. Gusto ko ng umuwi.


"Ash, umuwi ka na muna. Gamutin niyo iyan si Renz bago pauwiin." Utos ni kuya sa mga guard na parang pagmamay-ari ang school na ito.


Ang mga fans niya ay mukhang handa dahil naglabas ito ng kit at ang mga dumating din na nurse ang nanggamot. Ganyan sila kaalaga sa kanya.


Inis na naglakad si Stone palapit sa kanyang sasakyan. Kumunot ang noo ko. Si Renz ay nabigyan ng first-aid. Stone's lips also sting! Hindi siya gagamutin?


Huminga ako ng malalim. Tatanungin ko siya kung bakit galit na galit siya kay Renz, magkaibigan naman sila.


"Stone."


He lazily bore his gaze on me. Lumapit ako kay kuya at kay Freya.


"Ihatid mo na siya. Magpapahatid ako kay Stone."


Kuya's brows shot up. Freya grinned. They're in contrast.


"Bakit?"


"Gagamutin ko lang ang sugat niya."


Nilingon ng kapatid ko si Stone na pumasok na sa kanyang sasakyan. He is mad. Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga dahil sa nakababa nitong bintana.


"Okay. Umuwi rin kayo agad."


I nod at him. Nang maka-alis ay sinalubong ko ang tingin ni Renz. He smiled at me. I smiled back saka ako lumapit.


"Wesia..." Naglalambing ang kanyang tono.


Palaisipan parin sa akin ang lahat. Why did he broke up with me? Bakit hindi niya masabi ang dahilan? Tapos ngayon ay mali-mali pa ang mga kumakalat na balita.


"Magpagaling ka. Pagkatapos ay umuwi ka."


He nods and smile so sweet. Para akong matutunaw. Umiwas rin ako ng tingin para pigilan ang emosyon saka ako nanghingi ng ilang gamit panggamot doon sa puting container. Hindi na ako nama-alam pa sa kanya at lumapit na sa sasakyan ni Stone.


I opened the door of the front seat. Tinignan ko siya at tinantya ang galit niya. Hindi siya nagsasalita. Wala na naman iyong mapaglarong ngiti sa labi niya.


"Uuwi na ako. Bakit hindi ka pa nagpahatid kay Kevin?" Tanong nito. Inilapag ko sa tabi ko ang gamit. 3 cotton balls, isang maliit na container ng betadine at maliit na band aid. Tulad ng laging ginagawa ni kuya noon sa akin, papatakan niya ang bulak ng betadine at iyon ang idadampi sa aking sugat.


"Gagamutin ko na muna ang sugat mo bago umuwi. Magtataxi ako kung pagod ka talaga at hindi ako kayang maihatid pauwi."


Akala ko'y mananahimik pa siya but he turm his head so fast. Agad inilapit sa akin ang mukha kaya nakita ko nang mas malapitan ang putok niyang labi sa gilid. See? Paanong nagbabago rin ng ganon kabilis ang mood niya? Kanina ay galit na galit siya, di 'ba? Ngayon ay kung kumilos siya ay parang gusto niyang magpa-aruga.


Idinampi ko ang bulak sa kanyang labi. He didn't flinch. He didn't move. Ganon lang ang kanyang posisyon habang pababa akong tinititigan. I am not affected at all. Malabo na magkagusto ako sa kanya tulad ng gustong mangyari ni Freya.


"Bakit ba galit na galit ka sa kanya?" Tanong ko na sa pulang labi niya lang nakatingin.


"He hurt you."


"And so? Kung sapakin mo siya kanina ay parang ikaw tong sobrang nasaktan." Kunwari ay tumawa pa ako ngunit parang mas lumalim ang pagtitig niya sa akin.


"He said you still love him. You will always choose him. Ganon kataas ang confidence niya na kahit saktan ka niya ay hindi mo magawang tumalikod sa kanya. And that made me furious. He's taking advantage of you."


Nanginig ang kamay kong may hawak na bulak.


"S-sinabi niya 'yon?"


He nods. Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang bulak sa akin. Siya na rin ang nagtapon nito. Umayos siya ng upo. Kita sa labas ng bintana niya si Renz na tapos nang agapan ang mga sugat ngayon.


"Ihahatid kita sa inyo. Kailangan mong magpahinga." Aniya at itinaas na ang bintana ng kotse. Binuksan ang makina at pinaandar iyon.


"Ang band aid..." Itinaas ko ito.


"Keep it. Your heart needs that."


Ngumiti ako sa biro niyang iyon. Muli ko siyang nilingon na hindi parin talaga burado ang galit sa ekspresyon ng kanyang mukha. Isang kamay lang ang nagpapaikot sa manibela habang ang isa ay pinaglalaro sa kanyang labi.


Totoo ba ang sinabi niya? Renz is taking advantage of me? Kaya niya sinapak ulit si Renz kanina? Iyon ba ang naging usapan nila? Parang sinaksak na naman ang puso ko. Parang hindi ko nagustuhan ang bagay na 'yon.


Mukha nga siguro akong desperada. Sa kahinaan ko at ang pagiging mahina sa klase ay sign na hindi ko siya makalimutan dahil siya parin ang naiisip ko.


"I'll tutor you once you're ready-"


"Gusto ko ngayon. Hindi na ako makahabol sa mga nalalaman ko." I said as a matter of fact.


Umiling siya na parang ang hirap kong suwayin. "Tapos ay nagawa mo pang makipagusap sa ex mo kanina."


Kumunot ang noo ko. "Bakit? Wala namang masama doon. Pinaguusapan namin ang tungkol sa bumato-"


"Na kilala niya."


"Wala siyang alam sa pagkakabato, Stone." Diin ko sa kanyang pangalan. Huminga pa ito ng malalim. Everytime he did that, it reminds me of how he treated me even before I met Renz. Nito ko lang napapansin 'yon.


He will never fail to pissed me off. But he never hurt me physically and mentally. Lahat biro sa kanya. Biro na kaya ko pang itolerate. Mostly lahat ng biro niya ay tungkol sa pagiging pervert at flirty niya. Ako lagi ang nababaligtad sa mga paratang ko sa kanya. In the end, he'll win. He'll make me pissed but later on will say hi. Hindi nga ako palalabas noon at lagi lang sa bahay kaya siya lagi ang bumibisita. I never treated him as a friend. I always disgust him.


Hanggang ngayon ganon parin. But Freya is right. He never hurt me like Renz did. Ngayon ay siya pa ang naghiganti para sa akin. Nang sinapak niya si Renz kanina, nakaramdam ako ng awa. Pero nakaramdam din ako ng awa para kay Stone.


Like kuya, dumaan din ang ilang manliligaw sa kanya. Si Renz lang ang pumasa. Pareho silang galit dahil may nanakit sa akin. Magiging makapal ba ang mukha ko kapag sinabi kong mahalaga rin ako sa kanya?


Is it time to finally treat him like a brother too?


"Maaga nalang akong pupunta dito at tuturuan kita bago pumasok." Aniya ng maiparada ang sasakyan sa tapat ng bahay.


Tumango ako at lumabas na ng kanyang sasakyan. He maneuver the car once I got in. Bago pumasok ay nalaglag ang band aid na hawak ko.


'Iisipin talaga ng tao na panakip butas mo lang si Ash!'


Mariin akong pumikit matapos maalala iyon. I think I need to settle things clearly. Nang matapos na ang mga akusasyon sa akin. At sa amin.


Dahil sa mga nangyari ay maaga akong natulog right after dinner with kuya. Sa umaga naman ay maaga rin akong nagising para makapaghanda sa gagawin namin ni Stone.


But I didn't expect him to be here that early! Alasingko palang! So alaskwatro ba siya nagising?


"Ang aga mo naman!" Pagpapagalit ko pagbaba ng hagdan. Hindi pa nga ako nakakabihis.


Naroon siya sa sala at nakahanda narin ang mga papers doon. Si kuya ay gising na rin at nagluluto for breakfast.


I sat beside him and look at those papers. I heard him sigh. Parang antok na antok pa ito pero bagong ligo naman. Hindi niya magawang manginis. I check his lips. Tuyo na ang sugat doon. Parang wala lang naman sa kanya.


"Sherline will be suspended from the class for a week. Ang parents niya na mismo ang nagrequest non. Ako rin." Seryosong sabi niya.


I think that's fine. Si kuya ay pwede ring magdesisyon pero mas malala ang magiging kalabasan. Baka pwede niya pang kasuhan si Sherline sa ginawa nito. Sometimes, he's over reacting.


"Okay."


We start our own class. He tutor me about history. Hindi naman ako nahihirapan sa pagkabisado ng mga tao at taon na mahahalagang nakasulat roon. Ang pagtutor niya sa akin ay talagang nakakatulong. Siya na kasi ang mgak-kwento paano nangyari ang isang event na naging dahilan kung bakit ganito ang isang bagay. Napaka-detalyado ng lahat. Kahit sa maliliit na details ay pinagtutuunan niya ng pansin.


Unti-unti ay naalala ko ang mga previews topic. Ngayon ay nagpapatuloy kami sa kung ano ang topic namin last week lang. Same subject. History din. Ganon siya kabilis magturo. Mahaba sa libro pero kapag naintindihan mo ang lahat ay maikli lang pala ito.


"Kumain na muna kayo."


Kuya offer us some food. Hindi ito nag-aya sa hapag kaya dito na dinala ang mga pagkain.


"Ikaw, kuya?"


"Tapos na akong kumain. Maghahanda na ako."


I nod at him. Nang umalis ito ay siyang pagbagsak ni Stone sa kanyang batok sa backrest ng sofa. Kumunot ang noo ko.


"H'wag mo na lang kayo akong itutor?"


He fastly turn his head on me. Kunot na naman ang kanyang noo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.


"Bakit?"


"Napupuyat ka ng dahil sa akin."


And in just a blink of an eye, his playful smile came back. Umakbay siya sa akin na ikina-irap ko.


"You're worried."


"No. Of course, not." Tamad kong sagot. Kinuha ko ang juice at uminom.


"Iisipin kong nag-aalala ka. At dahil nag-aalala ka ay matutulog na ako ng maaga dahil ayaw kong nag-aalala ka sa akin."


"Argh! Stop!"


Humalakhak siya at kumain na rin.


"Naririnig mo ba ang mga sinasabi ng tao sa atin?" Takang tanong ko. Imposibleng hindi. Hindi ba siya naiinis doon?


"About what?"


"Na panakip butas kita."


Ipinagkbit balikat niya iyon. Seriously? Oo nga pala. Wala siyang pake-alam sa mundo basta nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya.


"It doesn't matter. Kahit hanggang doon lang ang tingin sa akin. Basta ikaw."


Napako ang tingin ko sa mga papel. Sa lahat ata ng mga pinagsasabi niya ay iyon lang ang hindi ko maintindihan.


"What do you mean by that?"


Kinuha ko ang garlic rice at sinimulan kumain. I felt him looking at me. Bumungisngis pa ito kaya muli kong inilapag ang plato at tumingin sa kanya habang nginunguya ang kanin.


"Do you want to try me?"


Dali-dali akong uminom ng juice para mas malunok nang maayos ang pagkain sa aking bibig. He smirked. Para siyang natutuwa sa reaksyon kong iyon.


"I said don't flirt me!"


"Tinataong mo ako kung anong ibig kong sabihin. Bakit hindi mo ako subukan para malaman mo ang sagot?"


Ibang ideya ang pumasok sa aking isipan. Nakakainis talaga siya?! Sinabi ko ng h'wag akong landiin, di ba?


"You mean, okay lang sa'yo na sinasabi nilang panakip butas ka?"


He nods.


"Bakit?"


He smile again. "That's why I'm asking if you want to try me." Pag-uulit niya. "Date me."


"Hindi ka naman marunong magseryoso?"


What the fuck, Wes? Bakit iyon pa ang sinabi mo. Nireject mo dapat! Hindi naman talaga marunong magseryoso ang isang 'yan.


"Marunong akong magseryoso. Kasalanan mo rin naman kung bakit ako nambababae."


Natawa ako tila hindi makapaniwala. "Sinisisi mo ba ako sa sarili mong mga kabulastugan?"


Muli siyang natawa. Dumako ang mga mata niya sa ilong ko bago bumaba sa aking labi. Damn! Hinampas ko siya sa braso para makawala sa pagkaka-akbay niya.


Napaisip ako. Date him? But I shouldn't judge him. What if seryoso nga talaga siya?

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon