Kabanata 36

84 23 0
                                    

I thought



“I’ll be back probably tomorrow.”


Wala akong ibang nagawa kung kundi ang pagmasdan si Kuya sa loob ng kanyang kwarto. Inaayos nito ang kwelyo roon sa kanyang leeg habang nakatingin sa life size mirror. He’s wearing a very formal attire.


Sa tuwing ganito ang suotan niya kahit na walang espesyal na okasyon ay alam ko na kung bakit. He’ll go and meet his ex-girlfriend, Cassandra Jimenez.


Humarap ito sa akin pagkatapos niyang mag ayos. He gave that look, tila tinatanong kung maayos na ba ang damit niya. I gave him a thumbs up and nod. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti sa gwapong gwapo nitong itsura. Tuwing ganito araw lang siya nag aayos ng buhok. Unlike his ordinary days na hinahayaan ang malambot na buhok, ngayon ay kakaiba. He got his hair waxed.


“Doon muna ako kina Tita Sally matutulog.” Aniya pa at sinabayan siya sa pagbaba ng hagdan.


Tita Sally is the mother of Ate Cassandra. Nasa malayong syudad ito kaya naman bukas na makakauwi si Kuya kapag nagtungo na siya doon. Tumango ako sa sinabi nito. Sumalubong naman si manang na dala na ang paper bag na ibinigay rito.


“Kailangan mo yan sa byahe. Tubig at ilang pagkain.” Ani manang. Kuya nod with an embrace. Ako rin ang niyakap niya pagkatapos.


“Salamat po.” Tumingin si Kuya sa kanyang pambisig na orasan. It’s time for him to go. “Mauuna na rin ako.”


“Ingat, Kuya.”


We watch him walk away with the paper bag. Ang totoo ay nag aalala ako sa isang tao. Nag aalala ako para kay Freya. Kapag nalaman niyang pupuntahan ni Kuya ang ex girlfriend nito ay magpapakulong na naman ito sa sariling kwarto. But I think, Freya already knew it. Sa loob ng limang taon matapos nilang maghiwalay ng ex girlfriend nito, binibisita niya pa rin. Freya must have already memorized the date. Iyon ay tuwing ika limang araw ng November taon-taon.


“Saan ba talaga pupunta ang Kuya mo?” Nagtatakang tanong ni Manang. We’re still looking at the door.


“Sa ex girlfriend niya po.”


“Ex, bakit pinupuntahan pa rin? Hindi ba naging maayos ang hiwalayan nila?” Giit nito. Alam kong iyon ang magiging reaksyon niya una pa lang. Sino nga naman ang hindi magtataka.


Napalunok ako. Ayoko nang pahabain pa ang pagtataka ni Manang. Isa pa, kasambahay na rin naman siya at ramdam ko na tatagal siya sa amin kaya naman hindi ko na rin napigilan ang sarili kong sabihin ang totoo.


“Kuya’s ex girlfriend, ate Cassandra died in car accident po.”


I saw Manang’s jaw dropping slowly. Marahan din ang pag angat ng kanyang kamay para takpan ang bibig sa nalaman.


“She died five years ago. Doon po sa lugar nila inilibing si Ate Cassandra. Kaya nagtutungo doon si Kuya tuwing Anniversary nila. Or hindi kaya kapag birthday nito na sa July pa po.”


Napatungo ako ng ulo matapos maalala ang lahat. Stone knew ate Cassandra too. Nakilala niya ito. Nawitnessed din nito kung paano nagkagusto si Kuya sa kanya. Sa sobrang seryosong tao niya, wala itong nilalapitan na kahit sino. Pero may charm si ate Cassandra na naging dahilan kung bakit ito nahulog sa kanya.


Kuya told me Ate Cassandra is always understanding. Napakalamya ng boses na kahit may karapatan itong magalit sa mga bagay-bagay, ate Cass still choose to not feel mad. Mas naguumapaw ang pagiging mabait nito. A lot of men had a crush on her. Matalino at napaka sopistakadang tignan. Siya iyong tipo ng babae na sa sobrang friendly, nakakahumaling tignan. Sobrang approachable din daw at handang turuan ang mga nagpapaturo sa kanya.


Those were the things Kuya told me when he fell in love. Pero naging unfair ang tadhana at kinuha na lang siya bigla. Ate Cassandra’s with her own driver that night. Nasa harap din ito. Gustong gusto niya raw kakwentohan si Manong driver kaya nasa harap palagi. It was raining that day. Naisip na namin ang posibilidad na naaksidente sila sa sobrang lakas ng hangin at ulan. Pagkatapos ay nakatanggap na lang si Kuya ng tawag na tinakbo sa hospital si ate Cass. But it was dead on arrival.


At hanggang ngayon, napakahirap kay Kuya ang mag move on.


I met Freya on my freshmen year. Hindi niya nakilala si Ate Cassandra o nakita man lang. Grade 6 ako noong nawala ito sa buhay ng pamilya niya at sa buhay ni Kuya. I just told Freya that Kuya had never moved on with his ex, Ate Cassandra. Hindi pa nito nalalaman ang dahilan kung bakit. Kaya naman naiintindihan ko kung bakit rin siya nasasaktan ngayon kahit na patago pa iyon.


I wonder if she’ll still act that way once she knew it. Titigil kaya siya? O, mas lalo niya lang iintindihin si Kuya at babalewalain na lang ang nararamdaman nito para sa kanya.


“Mahirap nga talagang mag move on sa ganoon. Ni hindi man lang sila nakapag paalaman ng maayos.” Komento ni Manang. Nasa boses nito ang lungkot.


For all those years, I’ve been also observing Kuya. Natatakot ako na baka may gawin siya sa sarili niya sa nangyari. Na baka sundan niya si Ate Cassandra. Nagpapasalamat ako na hindi niya ginawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. He continued with his life. He even do better. Iyon nga lang ay sa paglipas ng panahon, mas kapansin pansin ang pagiging mailap nito sa kahit na sinong babae.


“E, mukhang may gusto si Freya kay Kevin. Kawawa naman ang batang iyon.”


And, I don’t even know if I should tell it to her. Baka kasi ayaw ni Kuya. Kami lang halos ang nakaka alam sa pagkamatay ng girlfriend nito. Ayaw niya nang ipaalam sa iba. Kahit pa kay Freya na matagal ko ng kaibigan.


“May mga bagay siguro si Kevin na gustong masabi o magawa pero hindi niya iyon nagawa dahil wala na ‘yong tao.” Dagdag pa ni Manang. “Kaya hanggang ngayon ay hindi siya maka move on.”




Buong magdamag inisip ko ang sinabi na ‘yon ni Manang. Nahirapan akong matulog. Iniisip ko ang isang tao. May mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Bagay na gusto kong malaman niya. Natatakot ako na baka pagsisihan ko ulit iyon kapag wala na siya.


Tumagilid ako ng higa at kinuha ang isang unan na nasa tabi ng aking ulo. Pag-angat ko ay nakita ko ang panyo. It’s been here for days. Hindi ko alam na dito ko ito nailagay ng ilang araw. Kinuha ko ito. I smiled when I inhaled the same scent. Naalala ko iyong lalaking nagbigay sa akin ng payong. Naalala ko rin ang mga damit nitong pinahiram sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa binabalik. 


Pagkatapos kasi ng auction na ‘yon, sinabi kong hindi na ako lalapit pa sa kanya kaya naman hindi ko na naibalik pa.


I got out of my bed. Dala ang panyo ay binuksan ko ang cabinet ko. Nakahanger doon ang mga damit na hiniram ko. I don’t even know when to return it. Pero nakakahiya kung patatagalin ko ito.


Tinanggal ko sa pagkskahanger ang mga damit. I haven’t bought a new boxer for him. I will buy na lang tomorrow. Para sa lunes ay maibabalik ko rin lahat sa kanya. Isinama ko na rin ang natuyo nang payong sa loob ng paper bag.


Hindi ko alam kung saan nanggaling ang excitement ko na sana ay Mag Sunday na para mabili ko ang kulang pa. A boxer? Why am I getting excited about it?


I remembered what I told Freya. Hindi ko na siya gusto? Kung ganon, nagustuhan ko nga ba talaga siya noon? Kapag nagkita kami para ibalik ang mga ito, I will eventually still thank him for everything. For taking care of me. For helping me. We can still be friends anyway. Lalo na ngayon na alam kong hindi na ganon kadalas kung isipin ko siya. Hindi rin ako ganon kasabik na makita siya. That means, I’d finally moved on.


Nakatulugan ko rin ang pag iisip. The next morning, I told Manang I’ll be out. Pupunta ako sa mall para bumili. Sa sobrang excited ko pa nga, nagulat pa ako dahil ang aga ko pa lang nagising kahit na pwedeng hapon ko naman bilhin ang bagay na ‘yon. It’s not as if the boxer will be needed later this day. Sa lunes pa naman iyon.


“Ano bang bibilhin mo sa mall?” Tanong ni Manang matapos mailapag sa harap ko ang niluto niyang breakfast para sa akin.


“Po?”


“Ano kako ang bibilhin mo doon?”  Manang is not looking at me when she asked. Ako ay napatitig sa pagkain ko. Doon ko napagtanto na wala dapat ikaramdam ng excitement lalo pa at  bagay iyon para sa mga lalaki. Doon ko narealized na baka kapag nagpunta ako sa mall para bumili non ay magiging weird pa rin sa pakiramdam.


Sa tagal kong hindi nakasagot ay tumingin na sa akin si Manang. She look at me with a suspicious look. Agad naman akong nag isip ng pwedeng isagot.


“Kahit ano po. May kailangan rin po kasi ako sa kwarto. Pang design po.”


“E, hintayin mo na lang na matapos ang kwarto mo bago mo bilhan ng mga pandisenyo. Baka hindi tumugma ang kulay.” Suhestyon nito.


Hindi ko pa nakikita ang kwarto ko. Hindi ito natuloy ni Stone. Hindi na rin naman iyon big deal dahil maayos naman ang kwarto ko ngayon which is the old guest room na naging kwarto rin ni Stone noon. Hindi ko alam kung kailan din ito matatapos. O ipapatapos ko nalang iyon kay Kuya.


“Basta po. May bibilhin ako.” Ang sabi ko na lamang.


Mukhang hindi nakontento si manang sa sinabi ko pero hindi rin naman na siya nagtanong pa. Pagkatapos kumain ay umalis na rin ako.


It will be better if I’ll be with Freya. Siya ang walang hiya sa mga ganitong bagay. Gustong gusto niya rin na pumapasok sa men’s wear because she wants to buy a gift for Kuya pero nasasayang lang ang mga iyon at naiipon dahil sa tuwing gustong magbigay ni Freya ng gift ay nagaaway sila. I wonder if those things na binili niya ay nasa kanya pa rin.


Pero dahil wala siya ngayon, hindi ganon kalakas ang confident ko na makabili agad.


I feel more shy the moment I got in there. May mangilan-ngilan na babae rin naman ang namimili but most of them are old enough to buy things like boxers and briefs. Halatang mga kasal na rin ang mga ito. Paano naman ako?


Sinalubong ako ng sales lady at tinanong kung anong hanap ko. I simply shake my hand to tell her I’m fine. Pero sumunod pa rin ito hanggang sa mapuntahan ko na nga ang section area para sa mga under wears.


I don’t know what to pick. I don’t even know if it’s allowed to touch it. Pasimple akong tumingin sa iba pero para lang sumilip sa ibang mamimili kung hinahawakan din ba nila iyon. At nang makumpirmang pwede ngang hawakan iyon ay ibinalik ko ang tingin sa mga nasa harap ko. The models in each boxers wearing it with no shirts made me even more shy to touch it


Ilang beses akong napamura sa aking isipan. Ang sales lady na nasa bandang likod ko ay nakatingin lamang sa akin at mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya.


Taas noong hahawakan ko na sana ang isang boxer na naroon nang may kung sinong huminga banda sa aking tenga. I flinched at that and immediately turn my head to that person.


Ang seryosong mukha ni Stone ang sumalubong sa akin. Sa sobrang lapit nito ay mabilis ko rin inilingon sa aking harap ang paningin.


What is he doing here? Parang naghaharumentado ang puso ko. Bakit ngayon pa? Bakit dito pa?


“Picking up a boxer for your boyfriend?” He casually asked.


My cheeks burned at that. My boyfriend? I’m buying one for him!


“It’s not for my boyfriend.” I said. Trying to calm myself. Tumayo na rin siya sa gilid ko at nagtingin tingin doon. This is what I’m expecting from him. Iyong reaksyon niyang andito ako para mamili ng boxer sa boyfriend ko. Ganon naman siya matagal na.


Siguro ay bibili rin siya. Lagi daw siyang may dala ayon kay Sir Ramos, e. De tapon kaya ang mga boxers niya? Worth it pa ba kung bibili ako? Paano kung itapon niya rin — wait, so what? Basta naibalik ko iyon nang maayos ay okay na!


“Kung hindi boyfriend, sino? Impossibleng kay Kevin yan.”


Kumunot ang noo ko. Hinarap ko siya na patuloy rin sa pag pili ng mga bagay sa harap niya. God! Mukhang pagsisisihan ko na pumunta ako dito.


“It’s not.”


“Para saan kung ganon?”


“I’m picking one for you, okay?”


Shit! Why did I say that!?


I saw how his face darkened. Mas sumeryoso ang mukha nito nang humarap sa akin. Ilang beses ko rin nakita ang pag igting ng panga nito. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko but I saw anger in his eyes too. Sa sobrang talim din ng titig niya ay umiwas na ako ng tingin. Hindi ko matagalan iyon.


My heart beats fast even more. I haven’t seen him for nearly two months. Mas ramdam ko ang gap sa pagitan naming dalawa. Tila kahit nasa tabi ko siya ngayon, ang hirap niyang abutin. Hindi na siya iyong Stone na nakilala kong magpapapansin sa akin. Iyong Stone na gagawa ng paraan para kausapin ako.


Iba na ngayon.


“Hindi ko p-pa naibabalik iyong mga ipinahiram mo sa akin. So… I want to return those and for the boxer, I want to buy a new one.” Halos malukot ang mukha ko sa page-explain.


Ramdam ko lalo ang pagsikip ng puso ko. Nag tiim bagang ako para lang pigilan ang namumuong ano sa aking lalamunan.


When I look back at him, he’s still staring. Hindi ko na talaga matagalan iyon lalo na ang kanyang buong presensya kaya naman namili na ako ng two pair of boxer na sa paningin ko ay bagay sa kanya para makaalis na.


Bagay sa kanya? Paano ko naiisip iyon.


Nilubayan ko rin siya pagkatapos. Nang ipatong ko sa kahera ang nabili ay may naka abot ng card sa cashier. Nang tignan ko kung kaninon ito galing, I knew it’s him.


“Ako na ang magbabayad.”


He didn’t listen. Kinuha ng kahera iyong card at agad niya itong binalot at nilagay sa napakagandang paper bag. Inabot ko ‘yon pagkatapos.


Sa paglabas namin ay ramdam ko ang mga nakahabol nilang tingin. Muli kong sinilip ang laman ng paper bag. Damn! This is the first time I bought something like this. Si Renzo nga noon ay hindi ko nabilhan.


“You can give that back to me—”


Inagaw ko agad ang paper bag nang kukunin niya na sana ito. Pumilig ang kanyang ulo. He looks confused.


“Lalabhan ko muna.”


I saw smirked. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang makita iyon. Pakiramdam ko naging sabik ako sa ganong ekspesyon niyang lagi kong nakikita noon. I can tell that smirk is already enough for this day. Parang ayos na sa akin lahat.


“Alright. When are you going to give back my clothes?”


“Tomorrow?”


“What time?”


“Lunch-“


“I have lunch date tomorrow.”


Natigilan ako doon. Nawala ang pagkakagat ko sa labi at mabilis na ngumiti. “Uh, morning. Or after the class. Kahit anong oras ay okay lang.”


Naramdaman ko ang hiya para sa sarili ko. Para akong babaeng naghahanap ng kahit na anong oras magkita lang kami. Gusto ko lang naman ibalik ang mga damit nito.


“Ash!”


Pareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. A woman wearing a revealing dress with a high heels step forward to him. Agad na kumapit ang braso nito at hinalikan siya sa pisngi. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig at hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan.


I have seen him womanizing before. Araw-araw. Kahit pa dala-dalawang babae ang nasa braso nito ay wala lang ‘yon sa akin. Kahit na noong may seven days agreement kami, pakiramdam ko’y magiging tanggap ko kung sakaling malaman kong mamabababae pa rin siya dahil iyon talaga ang pinasok ko at aware ako doon.


But right now is different. I’m sure of that.


What is it, Wesia?


Humarap sa akin iyong babae at nginitian ako. Pero alam ko naman na peke lang iyon. Ginantihan ko naman iyon.


“Ahm. She’s…? “


“She’s Wesia.” Pakilala ni Stone sa akin.


“And?”


“No need to know. Let’s go.” Wika ni Stone at hinila na ang babae palayo sa akin na nasa baywang ang kapit nito.

Mapait akong napangiti sa paglayo nilang dalawa.


Mas lalong bumaba ang tingin ko sa aking sarili nang maiwan ako doon mag isa. I chuckled with that.


Iyan ang napapala mo, Wesia. Wala ka dapat karapatan magalit dahil in the first place, mas malala ang ginawa mo sa kanya. The one that Stone did today is his normal routine. Be with a woman. Have a date with her. And make their beds warm. Kaya dapat ayos lang.


I immediately leave that area. Dire-diretso akong lumabas ng mall at mabilis na nagpara ng taxi. Balak ko pa naman na bumili pa ng ibang gamit na pwede kong maibigay sa kanya pero nawala na iyon sa isip. Hindi ko na rin gusto pang bilhan siya nang kahit ano.


Pagkatapos kong sabihin ang location ko kay Manong driver, inopen ko agad ang phone ko at nakita agad from facebook friends ang mga spotted pictures ni Stone kasama ang mga babae nito sa magkakaibang araw. Mas lalo akong nainis doon at pinatay na lang ang phone.


I know exactly what is wrong with me. Nagkaroon na ako ng boyfriend noon kaya alam na alam ko kung ano ‘tong nararamdaman ko. Buy I shook my head with that. Ayokong tanggapin. Ayoko pa rin aminin.


There’s Kuya already when I arrived at home. Ang aga niyang umuwi! Taka itong tumingin sa akin ganon din si Manang nang dire-diretso akong tumaas sa aking kwarto at hindi man lang pinansin ang pagtawag nila sa akin.


Agad na nag-unahan ang mga luha ko palabas ng aking mata matapos ilock ang pinto ng aking kwarto. I don’t want it to see myself crying. I don’t even want to know I’m aware that I’m crying over that thing! Over what he did earlier! Pinalis ko agad ang luha sa aking mga mata at itinapon sa kung saan ang paper bag.


I just threw myself in bed and hugged my pillow. Doon ay sinubsob ko ang aking mukha at mas humaglgol pa lalo.


Hindi ko maikakail, naging masaya ako nang makita siya kanina. When I saw him smirked, it feels like I was with the Stone I used to know. Iyong mapang asar at makulit. Dati ko na rin namang alam na babaero siya. Pero ang katotohanan na ginagawa niya sa mga babae’ng yon ang ginawa niya sa akin noong magkaroon kami ng agreement ay parang ang hirap tanggapin sa akin.


What’s wrong, Wesia? Hindi mo ba talaga alam o alam mo na pero ayaw mo lang tanggapin because you believe you already moved on. You already stop liking him. Pero mali ang paniniwala mong ‘yon dahil namulat ka na ngayon. Sa nakita mo ngayon. Sa katotohanang nakalahad sa likod ng ginawa niya kanina. Na noon ay ayos lang pero ngayon ay hindi na.

Chasing WesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon