Chapter Thirteen

88.2K 1.5K 69
                                    

Chapter Thirteen

Never Have I Ever

Nanatiling naka-awang ang bibig ko habang tinitignan si Sir Jerome. Holy shiz! Totoo ba ito? I didn't see this coming! Woo, maghunus dili ka, Winiata! Breath in, breath out.

"What a pleasant surprise," ngumiti sa akin si Sir at lumapit "I didn't expect to see you here, Miss Gonzales."

"Oo nga po, Sir, uhm." tinikom ko ang aking bibig. Ano pang sasabihin ko? Shit! "H-hindi ko rin po inaasahan na nandito kayo."

Hindi ko maiwasan ang pagtitig kay Sir. Nakakapanibago kasi ang kanyang suot ngayon. Casual lang, naka-dark blue na polo, itim na pants at top sider. Hindi tulad sa opisina na naka-suit and tie siya at pormal na pormal. Nevertheless, gwapo pa rin.

Kami na lang ang natira sa loob ng simbahan kaya napagdesisyunan naming lumabas. Tanaw namin mula dito ang nagpipicture-picture na mga abay sa kasal at ang newly wed. Nanatili kami ni Sir Jerome sa may bandang pinto habang pinagmamasdan ang mga tao.

"You're friends with the bride?" nilingon ako ni Sir "Or the groom? Both?"

Patay. Anong sasabihin ko? Hindi niya maaaring malaman na proxy lang ako ni Achilles! Oh my God, ano ba itong pinasok ko?

"'Yung b-bride, Sir." Sorry po, Papa God, sa aking pagsisinungaling "E kayo po, Sir?"

"Drop the 'Sir'. Wala naman tayo sa office and it's the weekend, you're not working for me." Lumitaw ang kanyang dimples dahil sa pagngiti "Call me Jerome. Or Rome, if you like."

Wow. First name basis. Ibig sabihin ba nito friends na kami? Ahay! One step closer!

"P-pero, kayo rin naman po pormal ang tawag sa akin. Tsaka boss ko pa rin kayo, maski nasa l-labas tayo." tumingin ako sa aking mga paa habang sinasabi iyon.

"Okay. Let's put it this way. I'll call you by your first name and you'll call me by mine. Is that okay, Winiata?" aniya.

Ooh la la. Ang sarap pakinggan! Gusto kong tumalon dito ngayon sa sobrang kilig! This is the first time he called me by my given name, lagi kasing 'Miss Gonzales' ever since nagtrabaho ako sa kanya Hindi ko alam pero nagustuhan ko iyon. Siya lang ang bukod tanging tumawag sa pangalan ko na nagustuhan ko.

"Okay, J-jerome." kinagat ko ang aking labi.

"That's better." He chuckled. "May kasabay ka ba papuntang reception?"

"Wala e. Magtataxi ako papunta. Ikaw, S-sir? I mean, Jerome?"

"Gusto mong sumabay na lang, Winiata? Tutal wala naman akong kasabay. And I don't think riding a taxi in that dress is necessary." he eyed me and my dress. Anong mali sa suot ko? Meron ba?

Ngumuso ako "Pero nakakahiya. Kaya ko naman--."

Wala na akong nagawa nung kinuha niya mula sa kamay ko ang regalo at naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Nangiti ako ng palihim at sinundan si Sir. Ipinasok niya ang regalo sa likod ng kanyang silver na Almera tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Umikot siya at sumakay na rin.

Agad kong naamoy ang citrus scent sa loob ng sasakyan. I'm not a fan of car scents dahil masakit iyon sa ilong pero ang bago nitong kay Sir. Hindi naman kasi gumagamit ng freshener si Kamahalan dahil ayaw niya at ayaw ko rin kaya ayun, amoy leather ang kanya. I prefer that.

"Winiata, seatbelts, please." ani Sir Jerome na sinunod ko. Hindi rin ako sanay dahil kapag kay Kamahalan, hindi naman ako sinasabihan na maglagay nito.

May tinipa si Sir Jerome sa Ipad na naka-dikit sa wind shield. GPS. Mukhang hindi kabisado ni Sir ang lugar. Nang ayos na ay pinaandar na niya ang kanyang kotse.

Stuck With The BillionaireWhere stories live. Discover now