EPILOGUE

508 19 1
                                    

Storm Salazar Pov.

Loving unconditionally is not a mistake, but loving too much is causing a sickness. Every things turn out in a most hard part of life, for loving someone too much, giving all your best. And not for loving your own heart and self is not good.

Iyan ang natutunan ko sa panahong iniwan ako ni mara, naging mahina ako. Nagkasakit ako, I'm too d*mn depress for waiting that one day she'll gonna visit me. Pero wala, nagagalit ako sa sarili ko.

Galit na galit ako, I want to killed myself too when marcus died at that night. Kasalanan ko lahat, kung hindi lang sana ako nagpumilit na puntahan si mara ay hindi mangyayari ang insidenteng iyon.

Tita lucy is mad too, tulala ako sa ospital ng mangyari iyon. Halos dalawang linggo akong nasa ospital at iniisip ang bawat nagdaang araw ko sa kulungan.

Si mara lang lagi ang iniisip ko.

Hindi ko na nakikita ang ginagawa ni tita lucy, ang pag-aalala ng mga kapatid ko at pinsan. Nadamay pa ang walang kaalam-alam na si marcus sa kalok*han ko.

”Salazar, may bisita ka!” nag-angat ako ng tingin sa lalakeng tumawag sa'kin, matapos magpagaling sa ospital ay muli akong bumalik sa kulungan, bumuntong hininga ako bago tumayo. Binuksan niya ang bakal na pinto bago ako igaya sa bisita ko'ng tinutukoy niya.

Banayad ang aking paglalakad habang nakasunod ito sa'kin, Inaasahan ko'ng si tita lucy ang bisita ko ngunit nang makita kung sino iyon ay halos matawa ako sa sarili.

Paano pa ako bibisitahin ni tita lucy dito kung nagluluksa pa siya, Isang linggo pa lang ang nagdaan ng ma-ilibing si marcus. Sobra akong nagagalit sa'king sarili, ultimong buhay niya ay biglang nawala dahil sa sobrang makasarili ko. Maging ang batang ipinagbubuntis ng kanyang nobya ay nawalan pa ng ama.

Dahil lamang sa kadahilanang nais ko'ng makita si mara.

”Wala ako sa mood makipag-usap, tristan..” hindi ko na tinangkang maupo pa, nakatayo ako sa gilid habang diretsong nakatingin sa kanya.

"This is important, storm..”

”About what?”

”About your case, we have a witness..” panandalian umulit iyon sa pandinig ko, malakas ang pagtibok ng puso ko habang unti-unting nagkaroon linas ang sinabi niya. ”Nasa puder ko ang mayordomang nagbigay pahayag sa korte, may sinabi siya sa'kin..” naupo ako, nakatutok sa kanya ang buong atensyon ko at halos hindi ako mapakali.

”Anong sinabi niya?”

”May ebidensya siyang hawak, iyon ang sinabi nito kaninang umaga..” tumango tango ako. "Namatay na ang ikalawang witness, natagpuan ito sa ilog..” isang libong kaba ang biglang pumaloob sa'kin, hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit batid ko'ng isa sa mga taong pumatay kay gordon ang may gawa 'non.

”Nasaan ang mayordoma?”

”Pumaroon siya sa mansyon nila, mara. Ibinebente ni xiomara ang casino habang nasa ibang bansa si mara..”

”W-what?” hindi ako makapaniwala sa narinig. ”N-nasa ibang bansa ito?”

”Base sa sinabi ni xiomara ay nagtatrabaho doon ang kanyang kapatid..” nagbaba ako ng tingin, nagtatrabaho? I want to know more, pero dahil sa mga nangyari ay tila natatakot na naman ako. Nadala ako sa pagkamay ni marcus, Ayoko na muna siyang isipin dahil sobra na siyang nakakasama sa kalusugan ko.

”Bubuksan ko'ng muli ang kaso mo matapos makita ang ebidensyang sinasabi niya, bibigyan ko ng proteksyon ang pamilya niya maging ang mayordoma..”

Marahan akong tumango, alam ko ang bawat sakripisyo ni tristan dito. Batid ko rin na pinagbabawalan siya ng kanyang ama na tumayo bilang abogado ko, ngunit sa kabila ng pagsuway ng kanyang ama ay narito pa rin siya at tinutulungan ako.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now