Chapter 3

388 19 0
                                    

Chapter 3

Akimara Pov.

(BIRTHDAY)

Nasa kwarto ako kasalukuyan, Nagtitingin sa facebook ng kung anong balita sa mga kaibigan 'kong plastik sa laguna.

Bakit ko nasabing plastik.

Basta, Plastik sila. Iyong tipong naaamoy muna ang baho nila kahit hindi pa man sila nagsasalita, ngunit kung kausap mo sila ay parang santong anghel na hindi makabasag pinggan, pag nakatalikod na ako ay kung ano-anong nababalitaan 'kong chisimis sa' kin.

Si beka lang naman yata ang tunay sa mga kaibigan ko, Na kahit isangla mo ay mapapatunayan 'mong hindi ito peke.

Nailing ako, E-nexit ko ang facebook at tumulala sa kisame, Maingay sa buong bahay, May bisita si ate na kababata niya doon sa lugar namin. Gamit ang malaking speaker namin ay nagconnect sila ng midifun karaoke. Napaka-ingay hindi naman kagandahan ang boses, napaismid na lang ako sabay dapa sa kama.

Hindi ko pa man nagawang ipikit ang mga mata ng bigla ay pumasok si ate, Ofcourse shes beautiful today, She's wearing a red dress, A simply dress but it look a magnificent dress for me. Naiinggit ako dahil nakakapag-suot siya ng ganito, samantalang ako ay bawal, Nasaan ang hustisya?

"May naghahanap sa'yo, Mara.." umikot ang mata ko, kunwari'y nagtatampo dahil hindi nito ako isinama sa simbahan.

"Sabihin mo wala ako.." sagot ko, tinabunan ang sarili sa kumot.

"Tumayo ka na riyan.." aniya pa, hindi ako umimik at nanatiling nakatabon sa kumot. "May ibibigay ako sa' yo.." karagdagang anas niya, sumilip ako ng bahagya.

"Ano iyan?"

"Basta, Bumangon ka muna.."

At dahil mukhang importante naman iyon ay umupo ako sa kama, Ngumiti ito, ngunit ni hindi ko iyon sinuklian.

"Ano ba iyon?" nagboboses malamya pa rin ako, pilit pinapakitang hindi interesado.

"Ibibigay ko sa' yo 'to." may kinuha ito sa taas ng kama, Lumiwanag ang paningin ko ng makita kung ano iyon. "Isuot mo ito, Pinagpaalam na kita kay mama.."

"Talaga?" hindi ko maiwasang maging magalak ang tono ko, iyong dress lang naman iyon, ang bistidang kaninang umagang lamang na hinahangad ko. Naku, Si ate talaga! Alam na alam niya kung paano ako lambisin.

"Magbihis ka na, hinihintay ka ng bisita mo sa labas.." inabot iyon ni ate, kunot ang noo ko ng lumabas siya ng kwarto, sino naman kaya ang bisita ko?

Gabi na ah,

Naguguluman ay nagtungo na ako sa banyo, mabilisan ang ginawa 'kong pagligo. Nagtungo ako sa salamin na nasa kwarto at sinipat ang sariling ayos doon, Napangiti ako ng makita kung  gaano kaganda ito. Nais 'kong umikot ngunit baka bigla ay magusutan ito, mamaya na lang siguro.

Nakalugay ang buhok ko ng bumababa ako, Syempre tuyo na iyon dahil sa ginamit na hairdryer. Nasa bungad na ako ng hagdan nang bigla ay mapangiwi ako, Alam ko'y malayo-layo pa ang semana santa, ngunit bakit tila'y mayroon kumakantang pasyon rito! Natawa ako sa sariling naisip, Hindi ba sila nahihiya kapit-bahay? O kahit sa sarili man lang nila.

Basag na ang ear drums ko sa mga boses nilang kay sintonado.

"O, Dalaga na pala si aki!" bigla ay nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni ate, lima sila, halos ay babae.

Nginitian ko ito, iyong magagandahan talaga siya ng bongga sa' kin.

"Kamukha lang ng ate niya, parang version 2 na xiomara.."

"Hindi, mukhang maganda ang bunso.." natawa ang lahat dahil sa huling sinabi ng isa, maging si ate ay natawa rin, Kailan ba naging madamot ito sa' kin. Lagi siyang mabait, ayos lang sa kanya na lagi akong nakakalamang.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon