Prologue

1.3K 40 3
                                    

PROLOGUE

"mara!" Isang sigaw ang gumimbala sa mahimbing 'kong tulog, tinakpan ko ng unan ang nananakit 'kong ulo dahil ayokong marinig kung anong sasabihin na naman ni mama.

"Mara! Ano ba!" hindi talaha siya titigil, umagang umaga sumisigaw ito? Anong meron?

"Hindi ka ba babangon diyan!" padabog akong umapak sa sahig, ginulo ko ang buhok dahil sa kairitasasyong nararamdaman.

"Nariyan na!" sigaw ko pabalik, malamya pa ako sa patay kung maglakad, hindi ko pa maayos ang pagkakamulat ng mata nang bumaba ako sa hindi kataasang hagdan namin. "Bakit ho?" medyo yamot parin ako, sinira lang naman ni mama ang tulog ko.

"Pumunta ka doon kay aling rusing, Magpa-deliver ka ng gasul.."

"Ma!" himutok ko dahil sa sinabi niya, ginising niya ako ng maaga para doon lang? Naku, Si mama talaga, Bakit hindi na lang siya. "Kakagising ko lang ma, puyat na puyat ako!"
aww

"Aba't nagrereklamo ka pa! Sino ba ang nagsabing umuwi ka ng dis-oras!" napangiwi ako, late na akong umuwi dahil sa project namin kuno. Ngunit wala naman talagang group project, nakipag-birthday lang kami sa kabilang baryo

"Eto na nga at lalabas na!" kamot ko pa rin ang ulo ng lumabas, ang tindahan ni aling rusing ay naroon pa sa kabilang kanto, Limang buwan pa lang ng makalipat kami rito ngunit alam ko naman kung nasaan iyon, Ikaw ba naman ang maging gala sa lugar na ito.

Dumiretso ako sa kalsada kung saan ang tamang daan, nalagpasan ko na ang isang kanto, isa na lang, ngunit nagising ang diwa ko ng mahagip ng mata ang kumpol na tambay sa tindahan ni aling rusing, Oh my god! Ni hindi ako naghilamos man lang, hindi ako nag-mugmog ng bibig, tapos dadaanan ko ang mga tambay na 'yan.

Naku, kahit naman 17 pa lang ako ay may hiya na ako sa katawan, nireregla na ako! dapat lang na may hiya na.

Humakbang ako ilang hakbang patungo sa tindahan, hindi pa man ako nakakalapit ng may makitang lalakeng nakasandal sa pader, nakataas ang isa niyang paa habang humihithit ng sigarilyo, Naistatwa talaga ako dahil sa mukhang meron siya, hindi ba artista ang isang 'to?

Hindi ko akalain na may ganitong mukha sa baryo alitaptap, Omygod! Hindi man lang ako nakapag-pulbos o liptint man lang!

Nagulat ako ng tumingin siya sa' kin, yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad, Kinakabahan ako ng matindi, hindi ko alam kung bakit, Isasama ko na ba siya sa listahan ng hinahangaan ko?

Pero mukhang matanda siya kumpara sa' kin,

Age doesn't matter namam hindi ba?

Nalagpasan ko na ito, malapit na ako sa tindahan ng muli ay matigilan ako, nahinto ako sa isang kamay na umakbay sa' kin, Nangangatal 'kong nilingon iyon, Ang gwapong pinag-nanasaan ko lamang ang nakaakap sa' kin,

Sh*t, Hihimatayin na yata ako, pero hindi, taympers muna! Amoy kama pa ako! Anong singaw ng aking buhok? Wala ba akong laway sa gilid ng labi!

D*mn it mara! Iyong gasul ng mama mo ay hinihintay niya na.

"E-excuse me, kuya?" pinilit 'kong magsalita, kahit na kinakabahan ay hindi ako nagpahalata, Ano 'bang meron at inakbayan niya ako.

"Doon ka sa number 12 hindi ba?" tinutukoy nito ang bahay namin, alam niya ang lugar namin, Shet! Taga-hanga ko ba siya?

"O-oo.." nagkanda-utal-utal na ako, halata ng kinakabahan ako sa pagkakahawak niya.

"Thor!" tinawag ito ng lalakeng nasa tindahan, sabay naming nilingon iyon, thor ang pangalan niya?

"Jowa mo?"

"Gag*!" sigaw ng naka-akbay sa' kin, napanguso ako dahil doon.

"Umuwi ka na, hindi magandang naglalakad na may redtide.." nangunot ang noo ko, nakangisi ito, hindi ko maintindihan ang sinasai niya.

Anong redtide?

"Iyang likuran mo ang tinutukoy ko.." pasimple akong bumaling sa likuran, wala pa rin akong ideya. "Tsk.." hinubad nito ang suot na tshirt, napamaang akong napapahagod sa katawang meron siya.

Saang banda ba nai-handa ang mapag-pala niyang katawan, Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"May tagos ka, Congrats dalaga ka na.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, F*ck!

Nireregla ako?

____

This story is a work of fiction. Names, characters, bussinesses, place, events and incidents  is purely coincidental .

Read at your own risk.. R-18

NOT EDITED.
All rights reserved 2022

Don't expect too much from the story because the author is not very heroic, sorry for the errors and grammatical .

This story is just a fiction, if there is a name that resembles or a place, the event is just an incident, all the events told in the story are only from the mind of the writer.

If you don't like the story, you are free to switch to another story.

The writer's attitude is bad sometimes, she is also spoiled on facebook and you should join her group if you support it.

The story is suitable for ages 18 and up, there are violent words here and retad often, if you continue to support, please refrain from voting and feedback on each chapter.

Thankyou,

hope you enjoy the story even though my update is a bit slow.

Follow me on facebook: Labzaza WP

Date Started: January 2022
Date Finished: July 2022

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon