Chapter 36

139 8 0
                                    

Mara Pov

(Official)

Sa lahat ng taong magugustuhan ko ay hindi ko lubos maisip na sa isang salazar ako mahuhulog. Oo at gwapo siya at may taglay na karisma sa katawan, masayahin ngunit pag dumating sa puntong seryoso ang usapan ay hindi mo ito mapapangiti, madalas siyang magluwal ng joke, minsan naman ay masyado siyang pilyo at nakakagawa na ito ng mga kamanyakang salita.

“Bakit ka ba nagagalit?“ nakauwi na ako sa bahay kasama siya, malamang ay isama ko ito pauwi dahil ako ang may kasalanan kaya naghintay siya doon.

Hindi ko naman sinabing maghintay siya at magpa-ulan doon, ngunit eto at para siyang basang sisiw sa suot habang balot ng tuwalya.

”Hindi ako galit..” mahinahon ang pagkakasabi ko habang inilalapag ang kape sa harapan niya. "Nag-alala lang ako sayo..” sumibol ang ngiti niya ng sabihin ko iyon, tikom ang labi niya habang nakatingin sakin.

”Wag mong bigyan ng meaning!”

”I didn't say anything..” umirap ako, kung makangiti akala mo ay ayos na kami. Pero kasi, itong puso ko ay kakaiba na ang tibok, pinipilit kong taasan ang pader na nasa pagitan namin upang hindi ako agad bumigay ngunit parang nagigiba niya lang iyon.

"Pero atleast dumating ka, worth it ang paghihintay ko..”

”Ginawa mo ba iyon upang patawarin kita sa nagawa mo?” natigilan siya na tila iniisip ang sinabi ko. ”Masakit pa rin sakin ang pagtalikod mo bigla, thor. Pero ikaw at eto ay nakakangiti na parang walang nangyari..”

Nagbaba siya ng tingin. ”Im sorry..”

”Your sorry its useless, wala ng magagawa ang sorry mo..” hindi siya sumagot sa sinabi ko. ”Ang sorry ay para lamang sa hindi sinasadya, ngunit ang ginawa mo ay sinadya mo iyon..”

”I dont have choice mara..”

”Choice for what? Mas lamang ba ang pinili mo para talikuran mo ako?” nag-angat siya ng tingin, sa pagkakataong ito ay hindi ko mapigilang ilabas ang hinanakit ko, almost three months ng nangyari iyon pero sariwa pa rin ang lahat.

”I choose to let you go because on my situation..”

”Your situation is not on my mind, wala iyon sakin, alam mo 'yon!”

”Yeah, I know..” nagbaba siya ng tingin. ”I dont have nothing to say, its just a sorry, if you dont want that, tell me if what can i do?”

"Wala..” nag-iwas ako ng tingin, bakit kahit masakit ay hindi ko siya kayang tiisin, eto at narito pa rin siya sa puso ko at hindi umaalis.

”Humihingi talaga ako ng sorry, mara..”

”Tungkol saan? Para ba sa hindi mo pagpunta noong birthday ko? O doon sa pinagtabuyan mo ako at pinipilit na kalimutan ka?”

”Both of that..”

”Gag*!”

"H-hey..” nagulat siya sa biglaang pagmumura ko, gag* talaga ito! Sasaktan niya ako tapos at eto ay humihingi ng sorry.

Pero gumaan naman ang pakiramdam ko.

”Hindi bagay sayo ang nagmumura..”

”Kung ganon sayo pwedi?!”

Natawa siya. ”No, ofcourse. Mas bagay sakin ang nagmamahal kesa nagmumura..”

Tsk, eto at dinadaan na naman ako sa corny niyang linyahan, edi siya na ang mahal at ako ang mura.

”P-pero...” may gusto siyang sabihin ngunit nag-aalinlangan ito, nag-iwas siya ng tingin. ”D-dumalo ako noong kaarawan mo..”

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya, pumunta siya ng gabing iyon? Ngunit hindi ko naman siya nakita, hindi din ito nagpakita.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now