Chapter 31

126 8 0
                                    

Mara Pov.

(Broken Tears)

11;00pm when the visitor half in a venue, unti-unting nagsisi-uwian ang karamihan habang ang ilan ay nagsasaya habang nag-iinuman.

May nagsasayaw ngunit hindi ko magawang makisali dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

Hindi dumating si thor.

Bumuntong hininga ako habang nakaupo sa mahabang mesa kasama si ate, naka-inom na rin ito dahil hindi lang kami ang nasa mesa. Marami kami, at narito din si tristan.

"Bakit ang lungkot ng kapatid ko?” medyo makulit si ate ng magtanong ito, ngumuso ako.

”Hindi kasi dumating iyong inaasahan ko..” nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

”Nandito naman siya di 'ba?”

”Wala siya..” nagbaba ako ng tingin, bakit hindi dumating si thor?

”Si storm ba?” tanong ni ate, seryoso ito kahit mapupungay na ang kanyang mata. Tumango ako.

”Siya ang totoong gusto ko, ate..” sagot ko, ”Matagal na panahon 'kong nagustuhan si tristan, ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataong lumala iyon gaya ng nararamdaman ko kay thor..” hindi nagbigay sagot si ate kundi lumagok lang siyang muli sa hawak niyang baso.

Ngumuso ako bago kunin ang hawak niya upang inumin iyon.

”Hoy, mara!”

Nilingon ko ito ng maubos 'yon. ”Huh, hindi na ako bawal, ate..” medyo nangunot ang noo niya ngunit kalaunan ay bumuntong hininga.

”Ngayon lang 'yan, hindi ibig sabihin na dalaga ka na magbibigay atensyon ka na sa alcohol..” ngumiti ako kay ate ng sabihin niya iyon, siya mismo ang nagsalin bago muling i-abot sakin. "Dalawang shot na ang meron ka, hanggang lima ka lang..”

"Sure ate..” inangat ko iyon bago ipaikot ang yelo, itinapat ko iyon sa bibig at iinumin na sana ng magawi ang paningin ko kay tristan.

Natigilan ako dahil sa sama ng tingin nito.

"Ang sama naman ng titig..” bulong ko bago iiwas ang tingin, ngayong gabi lang naman. Masama talaga ang loob ko kay thor dahil hindi siya pumunta.

Wag niyang sabihing nakalimutan nito.

Hindi pwedi.

”Ate?” tawag ko si ate ng matapos ang limang shot ko, medyo nakakaramdam ako ng hilo ngunit kaya pa naman.

”Ano?” medyo may wisyo pa si ate ng sumagot ito.

”Bakit wala ka 'pang ipinakikilalang nobyo?” tanong ko, natigilan siya. ”Your already twenties, malaya ka..”

”Hindi naman ganoong kadaling mamili ng mamahalin..”

Nangunot ang noo ko. ”Pero si papa pumili para sakin..”

”Ano?!” tumaas ang boses ni ate ng itanong iyon. ”Ginawa niya iyon?”

”Wag ka naman sumigaw..”

”May usapan kami ni papa, mara..”

”Uh?”

”Susundin ko ang gusto nito huwag ka lang niyang pakialaman..” nangunot ang noo ko habang nakatitig kami sa isa't isa. ”Ako ang ipapakasal sa iba, huwag ikaw..”

”A-ate..”

”Kung iyong negosyo niya ang nais palaguin nito pakakasalan ko ang gusto niya..” umiling ako.

”Maaari mo siyang tanggihan..”

”Kung tatanggi ako ikaw ang sasalo, mara. Ayoko 'non, mas gugustuhin 'kong ako na lang ang magdusa kesa ikaw, love can easily take, mapag-aaralan 'yon..”

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon