Chapter 40

132 9 0
                                    

Mara Pov.

(Magtanan)

Diretso isang linggo ang training sa ospital ng laguna, hindi gaanong dinagsa ng pasyente dahil sa padating na holiday. Matapos ng isang linggong iyon ay nabakante rin ako ng dumating ang holyweek, nakasama ko si ate sa bahay dahil dito niya piniling umuwi. Hindi ito dumiretso kay papa dahil alam niyang nasa pampanga ito kada ganitong okasyon, samantalang si storm na man ay umuwi sa manila upang bisitahin at makasama ang kanyang kapatid. Gusto nito akong isama ngunit tinanggihan ko iyon dahil kay ate, saka na siguro ako dadalaw sa kanila kung may pagkakataon pa ako.

”Pupunta ako ng pampanga ngayon..” nakabihis si ate at balak puntahan si papa, every year kasi ay tumutungo doon si papa upang sumama sa isang prusisyon, hindi ko alam kung bakit kailangan doon pa kung pwedi naman siya sa quiapo pumunta.

"Ingat ka te, wag masyadong matulin ang pagmamaneho..”

”Oo, maingat si ate sa pagmamaneho..” maganda ang ayos ni ate ng lumabas ito ng pintuan, wala siyang dalang damit dahil iniwan niya ang karamihang dala niya dito.

"Uuwi ba si storm ngayon?” nagkibit balikat ako, hindi ko alam kung kailan ang uwi niya, wala siyang sinabi at ayoko naman itong madaliing umuwi..Gusto ko rin magkaroon siya ng oras para sa mga kapatid niya dahil alam kong magiging abala na ito kung sakaling pumasa siya.

"Baka gusto mong sumama para makita si papa..”

Umiling ako. "Hindi na, pagkatapos ng training doon ko bibisitahin si papa..” bumuntong hininga ito.

"Madalas mag-isa si papa sa bahay, kinakamusta ko siya sa mga katulong dahil alam nating hindi siya mahilig sa gadgets..” nangunot ang aking noo.

”Nasaan si claire?”

”Wala akong idea kung nasaan siya, hindi rin alam ng mga katulong dahil hindi siya nagsabi..” napa-isip ako, kung ganon laging mag-isa si papa sa bahay. Hiwalay na ba sila ng babaeng iyon?

”Mas maganda kung hindi na umuwi ang babaeng iyon, ikatutuwa ko pa..” umirap ako sa hangin dahil mainit talaga ang dugo ko sa kanya, hindi ko pa rin talaga lubos maisip na nagkaroon sila ng something ni thor. Napailing ako, bakit ko ba iniisip iyon? Ginawa lang ni thor ang ganoong bagay dahil nangangailangan siya ng pera, yun lang! walang special feelings.

”Malalaman ko kung nasaan siya sa oras na makausap ko si papa..” tumango na lamang ako kay ate. "Mauuna na ako, ingat ka..” mabilis akong niyakap ni ate bago sumakay sa kanyang kotse, alam kong nagkakasundo sila ni claire dahil mabait na tao si ate. Hindi yata siya marunong magtanim ng sama ng loob, samantalang ako ay hindi ko talaga matatanggap si claire kahit kailan.

Muli akong pumasok at naupo sa sofa, tahimik na naman ang bahay at tanging nagbibigay ingay sa paligid ay ang mga mutor na maiingay. Sumandal ako sa sofa habang tinitingnan ang ilang mensahe sa messenger ko.

May isang message doon si beka na agad kong binuksan.

”Sa tuesday uli tayo, doon sa D.E..” napabuntong hininga ako, bakit pakiramdam ko ay ang bagal ng mga pangyayari ngayon. Tinatamad na ako sa OJT.

"Nasa bahay ka ba?” agad niyang sineen ang msg. ko at sinabing nasa bahay nga ito.

At dahil wala akong gagawin ngayon buong araw ay naisipan ko siyang bisitahin muna, kung dati noon ay siya ang madalas na narito. Pero dahil may kakaibang nangyari sa kanya ay nagbago na ang lahat, taong bahay na lang siya at mas boring pa ang buhay nito kesa sakin. Dahil ako, may lovelife. Hindi ko masasabing boring iyon dahil more experience ako sa boyfriend kong gwapo.

”Im on my way there..”  I turn off the connection when finally sent the msg. Umakyat ako sa kwarto at agad kinuha ang preskong bistida na pasalubong ni ate sakin 'nong lunes.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon