Chapter 47

113 8 1
                                    


Mara Pov.

(Paghaharap)

Hindi ako makapaniwalang wala na si papa, hindi ko alam na magiging ganon na lang lahat. Naguguluhan ako kung bakit niya pinatay ang aking ama,  Nagtataka ako kung bakit nito sinasabing hindi siya ang bumaril kung ang hawak ar fingerprint nito sa baril ang kanya.

Walang nakitang ibang fingerprint doon kaya bakit ko paniniwalaan ang sinabi niya, Storm shoot my father. Naging maganda ang takbo ng paghahatol kaya hindi na makukulong si papa, hindi niya ba nagustuhan ang resulta? Ngunit bakit niya kailangan sabihin na tutulungan niya kami kung ngayong gumawa siya ng krimen.

Hindi talaga ako makapaniwala.

Maraming imbestigador na tumungo ng bahay, kasalukuyang nasa morgue si papa matapos ng pamamaril dito, inaasikaso ang kanyang bangkay at tinutukoy pa kung anong totoong sanhi ng kanyang pagkamatay.

Tristan is here too, kasama ang mga taong pulis at nagtitingin sa paligid. Makalat at halatang naglaban ang mga kasamahan namin sa bahay, ngunit bukod tanging malinis ang kwarto sa taas kung saan ko nakita si papa, hindi ba siya sapilitang pinatay?

Kung naging malinis ang kwarto nito ibig sabihin lang na kilala niya kung sino ang taong pumatay sa kanya.

Napapikit ako habang naka-upo sa sala, nandito na si ate kanina pa. Nakikipag-usap sa pulis bago ko masabi lahat ng nasaksihan, nagagalit din ito. Umiiyak at napupuot kay storm. Ganun rin ang iniisip niya, hindi nito maipapakulong si papa kaya't pinatay na lamang niya ito.

Malas niya nga lang ay nagpahuli pa siya.

May lumapit sa' king tao, nag-angat ako ng tingin kay tristan habang may hawak itong papel.

”This is frame up..” nangunot ang aking noo, paanong frame up ang bagay na 'to?

”What do you mean?”

”Naka-usap ko si thor bago tumungo rito, at sinabi niyang hindi siya ang bumaril..”

Mapakla akong natawa. ”Iyon naman talaga ang sinasabi ng mga taong guilty, hindi ba?”

"Hindi ka naniniwala sa boyfriend mo?”

Natigilan ako, nag-iwas ng tingin bago sumagot. ”Lahat ng ebidensya ay siya ang tinuturo, sabihin mo. Paano ko paniniwalaan na hindi siya ang bumaril, maging ang saksi ay siya ang tinuturo!”

”Mara, listen.. Hindi magagawa ni thor ang pumatay ng tao, lalo na at ang papa mo. Kilala ko na ang kaibigan ko..”

”Talaga? May mga tao namang nagtatago ng masamang budhi di 'ba?” hindi ito nakasagot sa sinabi ko. ”Kayong mga cristobal, malilinis ba talaga ang mga kamay niyo?”

”What do you mean by that?”

”Kung ganon wala ka ngang alam..” nanatili siyang walang imik, ngunit hindi ngayon.  Hindi ako mismo ang magsasabi ng bagay na 'yon, ngunit sino? Napaismid ako, ano nga ba ang pakialam ko sa kaso ng lalakeng 'yon.

”Ako ang tatayong lawyer ni storm, papatunayan ko'ng wala siyang kasalanan dito..”

”Then do it, sa oras na maiharap mo ang totoong pumatay ay magiging masaya ako! Pero hindi, nahuli na ang totoong may sala..” tumayo ako, hindi ko alam kung anong pinanghahawakan niyang ebidensya, sinabi lang ni thor na hindi siya ang pumatay ay naniwala na siya? Paano naman ang mga saksi dito?

”I'll use your driver and guard to be my witness..”

”Bahala ka, tristan. Gawin mo ang gusto mo, sa ngayon. Siya ang kinikilala ko'ng pumatay sa aking ama..”

Tumalikod na ako, nilagpasan siya at pinuntahan si ate na nakikipag-usap sa isang prosecutor. Nilingon nila ako dahilan upang maudlot ang kanilang pag-uusap.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now