Chapter 17

154 10 0
                                    

Akimara Pov.

('Huli na ako')

Hindi nagkaroon ng oras si trisran upang klaruhin iyon sa kanyang ina, maging ako ay hindi makasingit dahil masyado siyang maraming sinasabi. Nakuha niya pang ipagdasal ang namayapang ina kaya hindi na nasundan ang topic tungkol sa girlfriend daw ako ng kanyang anak. Nalaman ko rin na kaarawan ngayon ng kanyang lola kaya halos lahat ng pamilya niya ay naroon.

"Kaya pala nagmamadali ang anak 'kong umalis ay may susunduin pala.." ang daddy ni tristan, nasa isang sikat kaming restaurant upang kumain ng agahan. Napaka-sosyal talaga ng pamilyang cristobal, agahan lang naman ngunit sa mamahalin pa.

Ngumiti ako ng pilit. "Mag kaibigan lang po kami ng anak niyo, sir.." natawa silang nasa mesa, nandito ang tito at tita niya maging si tyler na hindi matago ang ngisi.

"Mag ka-ibigan kamo, ayos yan.." kinagat ko ang labi, iba pala ang pagkakaintindi nila.

Biglang dumating ang order kaya nawala ang atensyon sakin, nilingon ko si tristan na ngayo' y pinag-taasan niya ako ng kilay, hindi ko mapigilan kurutin ito sa tagiliran na siyang kinadaing niya.

"Oww, sh*t!"

"Your mouth, tristan.." suway ng kanyang ama, nginisian ko siya at inirapan. Nakakainis, hindi man lang ako itinanggi.

Hindi ako nakakain ng maayos dahil medyo naiilang ako, hindi rin naman ako maka-get along sa topic na pinag-uusapan nila ukol sa bussiness ng kanilang pamilya. Ngayon ko lang nalaman na ubod pala ng yaman ang mok*ng na 'to, may  nakatayo pa silang bahay sa manila meron din sa palawan at batangas kung saan ang lugar nila lola. Nakakalula na lang ang nalaman ko, kaya pala sosyal ang restaurant na pinuntahan.

"Girlfriend pala ha.." eto na naman si tyler na kanina pa ako inaasar, tapos na ang agahan at nagkukwentuhan ang kaanak nila. Si tristan naman ay nagpaalam upang pumunta ng washroom, ang arte lang.

"Shut up, tyler!" mariing bulong ko, tumawa lang siya ng bahagya na siyang kina-ismid ko.

"Ayos lang 'yan, pasok ka rin naman sakin at kay kuya.."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Tigilan mo ako.."

"Oh, bakit? Crush mo rin naman si kuya, parehas lang kayo.."

"What do you mean?"

"Natitipuhan ka rin ni kuya, torpe lang.."

Napailing ako. "Dont make a crazy story, tyler.." tumatango tango ito.

"Totoo iyon, trust my words.."

"I dont trust you!"

"Aw, its really hurts.." tumatawa pa ito na halatang ini-enjoy ang pag-aasar sakin, nakakainis! Magkapatid nga sila.

"Sasabihin ko kay beka na bustedin ka!" natigilan ito, itinikom niya ang bibig at ngumiti.

"Hindi na nga, pero promise. Hindi ako nagbibiro.." aniya pa,   hindi ako sumagot hangga sa mapatingin ito sa likuran ko.

"What do you need, tyler?!" masungit na naman ang kuya, lagi naman.

"Nag-uusapa lang kami, kuya. Wala ng iba.." tiningala ko si tristan na salubong ang kilay, binalingan niya ako na may mataman na titig.

"Let' s go.."

"Ha, saan?"

"Samahan mo ako.." hindi na ako nakatanong ng magpa-alam ito sa mga magulang niya, syempre nagawa pa nila kaming tuksuin ngunit ang lecheng 'to ay walang pakialam.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na walang tayo?" nauuna ito sakin patungo sa kanyang kotse, ang sarap niya talagang batukan habang nakatalikod. "Hindi naman tayo, wala namang tayo.."

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon