Chapter 49

118 6 0
                                    

Mara Pov.

(Paglaya)

Hawak ko ang papel ng maka-uwi sa bahay, hindi  ko nais paniwalaan ang nakasulat dito. Alam ko'ng nakakaramdam lang siya ng galit sa akin dahil sa nangyari.

Ngunit alam ko'ng mali ang ginawa ko.

Tama nga ba si tristan na hindi si thor ang pumatay?

Naupo ako sa sofa, lumapit sa akin si yaya selda upang tanungin kung nais ko ng maiinom.

Ngunit umiling lamang ako bago ko siya tingnan. ”Kumain na po ba si chin?”

”Hindi pa, walang bawas ang pagkaing inihanda ko kanina para sa kanya..” napabuga ako ng hangin, tumango ako bago tumayo upang sana ay puntahan siya.

Ngunit nilingon ko si yaya selda bago pumihit patalikod. ”May itatanong lang po sana ako..”

Pansin ko ang pagkabalisa niya, aaminin ko'ng naninibago ako kay yaya. Sa tuwing mag-uusap kami ay para 'bang nagiging ilag siya.

”T-tungkol saan m-maam?”

”Noong gabing iyon ay nasaan ka ng pumasok si thor dito?”

Nag-iwas siya ng tingin, matagal bago bigyan ako ng sagot. ”S-sa kusina..”

”Nakilala mo ba ang tinutukoy ni mang isko na nanloob dito?”

”H-hindi ko sila m-mamukhaan..”

”Kung ganon, hindi mo sila nakita bago ka umakyat ng kwarto?”

”P-po?”

”Ang sabi mo ay nakarinig ka ng ingay sa kwarto ni papa, tumakbo ka doon at nakita si thor na binaril siya. Paanong hindi ka nakita ng pumatay?” nilapitan ko siya ng hindi nawawala ang pagkabalisa dito, imposible 'bang nagsisinungaling nga siya?

”Sigurado ka 'bang totoo lahat ng inihayag mo sa korte?”

"Nagsasabi ako ng t-totoo m-maam, h-hindi ko magagawang magsinungaling.." tumango ako, tumuwid ng tayo bago siya titigan sa mga mata.

"Alam mo ang maaaring mangyari sa oras na mapatunayan ni tristan ang katotohanan..” nagbaba siya ng tingin. ”Hindi ko nais kayong madamay kaya kung may nalalaman kayong totoo ay sabihin niyo na ngayon pa lang..”

”Totoo ang lahat ng sinabi ko, m-maam. Saksi ako sa pagkamatay ni sir gordon, at si storm mismo ang bumaril. At ako, ako ang humampas sa kanya ng gabing iyon dahilan upang mawalan siya ng malay...”

Kumakabog ng malakas ang puso ko, hindi ko mabatid kung bakit biglang nagbago ang isip ko. Tila ayaw nitong maniwala at nais humanap pa ng sapat na sagot.

”Sana'y nagsasabi kayo ng totoo yaya selda, mahal ko ang lalakeng iyon ngunit hindi sapat na mahal ko lang siya upang maipawalang sala siya...”

”Tama lamang ang iyong ginawa, nagkaroon ng hustisya si sir gordon..”

Nag-iwas ako ng tingin, masakit sa akin ang pangyayaring ito. Oo at aaminin ko'ng nasa puso ko pa rin si thor, ngunit hindi iyon dahilan upang kawaan ko siya.

May saksi ako, hangga't hindi napapatunayang inosente siya ay wala akong ibang kikilalaning may sala.

Nang mag-umaga ay kinumbinsi ko'ng kumain si chin, napaki-usapan ko naman siya at binigyang alok na magpa-kunsulta ito sa isang psychologist. But she refuse my help, ang sabi nito ay ayos lang siya. Ngunit hindi iyon ang nakikita ko, she still suffering depression.

Everyday i taking care of her, tinitingnan at laging kinakausap. I stop study because that's my decision, nag-aral lang din naman ako para sa kagustuhan ni papa. But after we talk, he agree about what i want.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon