Chapter 53

150 8 0
                                    

Mara Pov.

(Selosong amo)

Pagpatak pa lang ng alas siete ay nasa bungad na kami ng express company, nakangiti ako kay lucas habang naiiling. Ang dami niyang sinasabi habang nasa biyahe kami, kaya't hindi ko mapigilang matawa sa topic naming exes.

Nagkaroon siya ng dalawang girlfriend noon ngunit umaabot lamang sila ng mahigit limang buwan. Sinubukan niyang maging diretso ang kasiraan niya upang hindi mapahiya sa kanyang ama.

Nais niyang matulungan siya ng mga naging nobya ngunit sa oras na aminin nito ang problema niya ay tila nawawalan ng gana ang mga nagdaan niyang girlfriend.

”Baka ikaw pwedi ka?” tinawanan ko lamang ang biro niya, patungo na kami sa front desk upang sumulat sa logbook bago pumasok.

”Pass muna ako..” pumirma ako habang hinihintay niya akong matapos, ngumisi lamang siya. Ang gwapo ngunit hindi sigurado sa kanyang kasiraan.

Sayang naman ang kanyang lahi.

”Dalawang buwan lang..” hirit niya pa, papalakad na kami palapit sa elevator na may anim na empleyadong naghihintay doon.

”Kahit na, Wala naman makakapag-straight sa'yo kundi sarili mo..”

”Malay mo ikaw na pala..”

”Hindi malakas ang kumpyansa ko'ng ako iyon..” nangisi siya sa sinabi ko, nilingon kami ng mga katrabaho namin bago ngitian.

May tingin pa silang nanunukso sa aming dalawa ni lucas, ngunit hindi ko iyon binigyan pansin.

50/50 itong kasama ko, may pusong babae na puso rin na lalake. Mukha namang lalake, gwapo, macho at matangkad.

Sinong mag-aakalang undecided siya sa kanyang gender?

Bumukas ang elevator, pumasok ang ilang empleyado bago kami humakbang ni lucas. Ngunit sa pagharap ko ay siya namang papalapit ng isang lalakeng may seryosong awrang nakatingin sa akin.

Walang nagawa ang ilang empleyado kundi tumabi, pumwesto sila sa likuran kung saan nilalayuan siya ng mga takot na empleyado.

”GoodMorning, sir..” binati siya ng ilang nasa loob, samantalang ako ay diretso ang tingin sa harap dahil ayokong lumingon palikod.

Nagsara ang elevator, nanatiling diretso ang aking tingin kahit pa na pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin.

Hindi ko alam, pero iyon ang feeling ko.

”Bagay pala sa'yo iyang damit..” bumulong sa akin si lucas, malapit ako sa sulok kung saan naroon ang mga press botton. Nginitian ko lamang siya sa kanyang sinabi.

Itong suot ko ay nagmula sa kanya, ang dami niyang mga damit doon na sana'y ibibigay nito sa kanyang past girlfriend. Ngunit hindi na natuloy dahil nakipag-hiwalay iyon.

Ang nangyari ay ibinigay lahat sa akin iyon ni lucas, Isa itong fitted dress na string ang style, sando siya at pinatungan ko ng mahabang coat upang hindi gaanong um-expose ang aking balat.

”Libre kita ng lunch mamaya..”

”H'wag na..” angil ko, masyado na akong maraming utang sa kanya. Idagdag mo pa nakikain ako kaninang umaga sa inihanda niyang pagkain.

”Ayos lang naman sa akin, walang problema..”

”Pero, kasi..”

”Bawal tumanggi sa grasya..” I sighed as a sign of defeatedly, tumango ako sa kanyang alok dahil ipipilit niya lang iyon panigurado hangga sa pumayag ako.

Bumukas ang elevator, nauna kaming lumabas ni lucas habang hinahawakan niya ang aking likuran. Isang alalay kaibigan lang naman ngunit nagulat ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon