Chapter 43

132 7 0
                                    


Mara Pov.

(Sign of love)

Isang linggo ang lumipas ng tumungo si thor ng manila, ganun din kabilis ang araw na natapos ang training sa ospital. Hindi ko alam kung may papasukan pa kaming OJT hangga sa makapagtapos kami, pero sa ngayon ay ilang reports muna ang gagawin namin by group.

At dahil hangga ngayon ay wala pa si chin at hindi alam kung nasaan nga ba ito ay humalili si beka sa pwesto niya.

Isa muli itong research project na kailangan namin i-report sa harapan ng klase, At itong topic na ito ay hindi naman ganoong kahirap. Nakuha ko na yatang nasanay sa laging report at research na ginagawa, hindi na ganoon kahirap.

”Saan mo balak magtrabaho, mara?" si jobel iyon habang nakaupo sa harapan ko, nasa cafeteria kami ni rica at beka dahil lunchtime, nakakapanibago nga dahil kasabay namin silang dalawa.

”Hindi ko pa alam..” sagot ko na nagpabigay komento kay rica.

"Mabilis na lang matapos ang klase, graduating na tayo pero wala ka pang plano?”

Wala naman kasi talaga akong planong magtrabaho as a nurse, sinunod ko lang naman ang gusto ni papa at tatapusin ko lang ang kurso na ito, after that ay mag-aaral na naman ako ng
two years as a journalist, thats what i want.

”Ako baka mag-aral pa ako ng medication dahil gustong i-continue ni papa ang pagiging doctor ko..” si jobel iyon, alam kong iyon din ang gusto ni beka ngunit halatang hindi siya interesado ngayon sa pinag-uusapan namin.

”Si chin din sana gustong maging doctor, you know she wants to be a pedia..” sabad ni rica, kahit ano pa yatang posisyon ay may hahawakan ka pa ring buhay ng tao, mapa-pedia o caregiver ganun din, paano pa ang nurse at doctor?

”May balita ba kay chin?” umiling ang dalawa sa tanong ni beka.

”Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag..” ani jobel.

”Kung ganon natatawagan pa siya?” si beka muli na nagmukha ng reporter sa sobrang interesado niya.

"Minsan oo, minsan naman ay hindi..”

”Sayang naman ang pinag-aralan niya kung titigil ito..” hindi na ako nakisali sa usapan nila, well beka is right. Masasayang nga ang four years kung hindi mo tatapusin, iyon din naman ang iniisip ko sa sarili kung hihinto ako. Bakit pa ako titigil kung naumpisahan ko na, tatapusin ko na ito para maging proud naman sakin si papa.

After that day we been busy every whole week, natapos kami sa report na halos umabot ng dalawang linggo. And before june comes we have a final exam for second sem, at iyon ang pinaghahandaan namin.

Lumipas ang june, first week ay hindi ako nakatanggap ng message kay thor. Since june1 ay hindi na ito nagpapadala ng mensahe sakin, nag-aalala na ako dahil umabot na ang isang buwan ay hindi pa rin ito umuuwi, ang sabi kasi nito sakin ay hangga two weeks lang ang trabaho niya.

Pero mahigit two weeks na ay wala pa rin ito.

STORM
Hello, thor. How's your day? patapos na ang second sem, going third na ako..

Sinend ko iyon sa kanya bago matulog, alam kong hindi siya magrereply sa kadahilanang hindi ko alam. Nagtatampo ako ngunit iniisip ko lang na baka abala siya doon o kaya naman ay wala siyang oras magcellphone sa mga panahong ito.

Maybe i need to understand him.

Kinabukasan its friday, biyernes na pero may exam pa kami para sa finals. Wala akong gaanong napag-aralan dahil nag-iisip ako, idagdag mo pa na namimis ko si thor dahil ilang araw ko na siyang hindi nakaka-usap.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now