Chapter 22

163 11 0
                                    

Mara Pov.

(Tenant)

Its was november 20 in the morning, deadline lahat ng mga reports at assignment na iniwan para sa' min. This past few weeks were totally busy, may mga oras na nakakapagod but im still get into my requirements to pass. Bawal mapagod dahil sayang naman lahat ng effort na ginawa ko, Im moving 4th year next year.. At hindi na talaga pweding umatras dahil malapit na ang pagtatapos.

Abala ako sa pag-aayos ng ilang papel sa folder ng may mapadaan sa pwesto ko, kasama ko si beka sa harap ng classroom ngunit abala din siya sa ginagawa at hindi na napansin ang pag-upo ni tristan sa tabi ko, pinangunutan ko siya ng noo.

"Anong sa'tin, firstlove?" pag-aasar ko habang kunot ang noo, umismid lang siya.. matapos ng pag-uusap namin last week ay inasar ko na siya sa first love na 'yan, ang dami kasing nalalaman.

"Are you done with your recent report?" he asked while scanning my paper, tumango ako.

"Kahapon pa tapos, im totally drain.. nakakapagod ang sakit pa sa ulo.."

"Walang lesson na hindi sasakit ang ulo mo.."

"Meron kaya, hindi naman sumasakit ang ulo ko tuwing P.E.."

Sumama ang tingin niya sa sinabi ko.

"That's not a lesson.."

"Then what?"

"Physical education for sports.."

"Lesson din naman 'yon, pina-arte mo pa.." hindi na siya nagbigay ng komento sa sinabi ko, he still looking at my paper ngunit walang reaksyon. "How about you, wala ka bang thesis?"

"Im done.."

"Wow, talaga? Ang galing, pweding patingin.."

"No.."

Napangiwi ako. "Why naman?"

"Hindi mo rin naman maiintindihan.." tumayo na siya at nag-umpisang maglakad, and because im curious about that thesis i start to follow him.

"Tristan, patingin lang.."

"Tsk.."

"Anong topic ang ginawa mo about sa research?"

"Wala.." napanguso ako habang pilit pinapantayan ang lakad niya, ang damot mag share ng future lawyer.

"Hindi ba pweding ipakita?"

"No.."

"Talaga? Bakit?"

"Hindi pa defended.."

"Hindi ko gets.." nakanguso pa rin ako, ngunit ng huminto siya at yukuin ako ay medyo hinilig ko ang katawan pababa upang medyo dumistansya.

"Kasi kamote ka.." napamaang ako sa sinabi niya, lalapit siya para lang insultuhin ako.. Aba't

"Hindi mo kasi pinapaintindi, firstlove.." pinagtaasan ko siya ng kilay, ngunit hindi man lang siya natinag, nakayuko pa rin ito sakin na may mataman na titig.. Nag-iwas ako ng tingin at saktong nagawi ang paningin ko sa lalakeng nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin.

He's looking with me straight eyes, seryoso at walang bahid na emosyon. Ganun pa rin ang reaksyon niya ng huling kita namin, its been one week.

Dumistansya si tristan ng mapansin ang tinitingnan ko, hindi ko na nagawang makapag-salita ng dumako patalikod si thor at lumihis ng daan, Napamaang na lamang ako habang pinapanuod ang papalayo niyang pigura.

"Talk to him.." bigla'y wika ni tristan, nilingon ko ito.

"Why?"

"He's one week absent.."

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now