Chapter 27

116 4 0
                                    

Mara Pov.

(Ten second kiss)

Isang linggo ng mag-umpisang magtrabaho si thor, magigising ito ng maaga upang maghanda sa pagpasok papuntang unibersidad. Matapos ng klase ay tutungo muna siya sa bahay upang magpalit ng damit para sa pagpasok sa kanyang trabaho.

Pansin kong pinupursigi niya ang kanyang trabaho, masipag at hindi ko man lang naririnig ang pagrereklamo dito.

He's a head manager in a Nitro call center place, maganda ang salary at tuwing kinsenas ang pinili niyang araw ng sweldo.

Maging ang pag-aaral nito ay sakto lamang, may oras siya sa pag-aaral, trabaho, pagkain at tulog. Kaya niyang i-handle lahat ng may ngiti pa rin sa labi.

"Ngayon na ang release ng mga pasado, hindi ba?" nasa silid kami ng magtanong si bethany, nagkibit balikat ako.

"Senior ba ang mga tinutukoy mo?"

"Oo, alam mo ba na nasa dalawang tao ang malapit sayo ang pweding humawak ng title sa cumlaude.."

"Dalawang taong malapit sakin?"

Tumango siya. "Either tristan or storm, nasa kanilang dalawa.." doon napukaw ang interes ko sa sinabi niya, well I know thor for being a good student. Lagi siyang nag-aaral sa bahay at pansin kong tinatalakay niya ng maayos ang bawat topic na pinag-aaralan nila.

They deserve to go on top.

"Kailan malalaman?" tanong ko, nakakapag-usap kami dahil tapos na ang exam na ibinigay samin. Sadyang hindi pa lang kami pinapalabas ng professor because he still checking the finish and un-finish.

"Mamaya ay nasa bulletin board na iyon, baka ngayon pa lang yata meron na e..." hindi na ako makapag-hintay na makita ang mga nasa list, siguradong kasama na si thor doon dahil masipag at matalino siya.

Nagsasalita pa si beka ngunit malayo na ang naiisip ko, lalong hindi ako nakinig ng mamataan ko ang mag-kaibigan nila storm papalakad patungo sa tapat ng classroom.

Akala ko'y dadaan lang sila, ngunit ng maupo sila sa harapan ay hindi ko alam kung iiwas ko ba ang paningin o ipananatili iyon kay thor.

"May usapan kayo ni storm?" usisa ni beka, inalala ko ang pinag-usapan namin kaninang umaga at doon ko natukoy kung bakit narito siya.

Nagyaya nga pala itong sabay maglunch ngayon, ngunit nais niya ay sumabay ako sa kanilang mag-kaibigan. Tatlo lang naman silang magkasama na madalas ko rin makitang kasa-kasama ni thor mula malayo, Si louie Gie at Vincent. Kapwa mga law student at may taglay 'ding kagandahang lalake.

"Inimbitahan niya akong sumabay sa kanila.." sagot ko kay beka, ngumuso ito.

"Kung ganun ay magtetext na ako kay tyler, ayokong mag solo flight.."

"Kung gusto mo sumabay ka na rin.."

Umirap siya. "Thankyou but no.." kinuha nito ang cellphone kaya muli kong nilingon si storm, sa pagkakataong ito ay nagtama na ang mga mata namin, ngumiti siya ngunit nag-iwas rin ako dahil sa tinginan ng mga classmate ko sa loob.

Nahihiya ako, pero hindi ko maitatanggi na ang gwapo ngayon ni thor. Naka-longsleeve kasi siya at talagang bagay na bagay iyon sa tinding nito, parang hindi man lang puyat mula sa trabaho.

Nang mag-anunsyong dismissal na ay nagpahuli kami sa kumpulang studyanteng lumabas na rin, samantalang sila thor ay nanatiling naghihintay at sa tingin ko'y nasa bente minutos na silang naroon.

"Finally, Fresh air hug me.." ani beka ng makalabas sa silid, nagrereklamo kasi siyang nawalan ng hininga dahil sa exam na ginanap kanina, kung sabagay nakakawala nga ng hangin iyon sa utak.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon