Chapter 19

177 10 0
                                    

Mara Pov.

(Dark Secret)

Tahimik ang paligid sa kalagitnaan ng paglalakad ko, may dala akong tatlong libro na naglalaman ukol sa medisina. Nakakapagod ang sunod-sunod na report at ilang exam nitong nagdaang dalawang linggo. Halos hindi ko na maisip si mama dahil sa pagrereview ko sa bahay, matapos ko kasing makapag-basa at magsulat ng ilang notes ay nakakatulugan ko na ang lahat. Kinabukasan naman ay kailangan kong magready sa school, pagkatapos ng school sa bahay naman. Napabuntong hininga ako dahil sa hirap ng buhay, wala pa si mama.

D*mn, I miss my mother...

"Kumusta pagrereview?" kakapasok ko pa lang sa classroom ng salubungin ako ng tanong ni beka, inilapag ko ang libro bago sumagot.

"Ayos naman, carry 'yan.." nagpakawala ako ng malalim na hininga bago sumandal, sa twing ganito ang eksena sa umaga ay bigla na lang dumadaan si thor sa harapan. Wala na lang akong magawa kundi humalukipkip sa upuan ko tuwing daraan siya, paano ba naman kasi nakakarindi ang mga seatmate kong babae, sigaw ng sigaw.

"Si tita, nacontact mo na ba?"

Muli akong bumuntong hininga. "Hindi ko na siya macontact.." kinagat ko ang labi dahil sa isiping iyon, patapos na ang october at ilang araw na lang ay november na, malapit na ang birthday ko.

"Wala ka bang balak puntahan siya, yung ate mo anong balita?"

"Ayokong tumatawag kay ate pag nasa bahay siya.." sagot ko agad, siguradong pag kausap ko si ate ay sisingit ang lintek na kabit ni papa, mabuti pa siya ay natatagalan ang babaeng iyon, samantalang ako ay umuusok ang tenga ko sa oras na nakikita ko siya, tsk panira ng pamilya.

"Try mo mamaya, hindi ka ba curious kung nakakausap niya sila?"

"Hindi naman siguro, ano 'yon favoritism? Sila tatawagan ako hindi? Lugi ako 'don ha! Mag-isa ako sa bahay hindi niya ako tatawagan?"

Natawa siya agad. "Relax lang, ang highblood mo agad.." tumatawa pa rin siya, "Gusto mong tawagan ko ang manliligaw mo?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Wag kang maingay!"

"Hindi naman.." nginisian niya ako bago sumandal rin sa upuan, muli ko siyang inirapan ng makitang nakangisi pa rin ito. Nagkamali talaga akong sinabi ko ang panliligaw ni thor, pero hindi ko kasi matiis, baka mamatay ako sa kilig kung hindi ko ibabahagi ang nangyaring iyon, Nakakabaliw talaga.

"Ohh speaking!" tumili ito, niyugyog niya ang braso ko na halos mayupi ang librong hawak ko, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba!"

"Oh mygod! Yung eyeballs ko ang linaw!" napaismid ako, d*mn. "Ayun siya, ayun siya!"

"Shut up!" maging ang ilang classmate ko ay nakasilip na sa bintana, ang iba ay humahaba ang leeg habang nakaupo sa kanilang pwesto, nariyan na naman kasi ang grupo nila storm sa harapan, naglalakad habang patungo sa isang shed na hugis mushroom kung titingnan.

"ANG GWAPO!"

"NAKO! AKO YATA ANG DINADALAW NI SALAZAR DITO E!"

"ANG KAPAL MO NAMAN, AKO KAYA!"

"SHET, ANG PANGET MO!"

Napangisi ako sa sigawan nila, halos mangisay sa kilig ang iba na sinamahan pa ng pagpaypay sa sarili.

Mga bal*w.

"Ang gwapo nga naman ni storm, kung ako sayo magpapabuntis na diyan!"

Nahampas ko ng wala sa oras si beka, "Grabe ka!" hindi pa rin ako makapaniwala. "Ganyan ba ang mga itinuturo ni tyler sayo?!" bigla siyang natawa.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon