Chapter 35

142 8 0
                                    

Mara Pov.

(Butarol)

Isang mabigat na umaga ito para sakin, masakit ang katawan ko maging ang mga hita. Hindi naman sa napagod ako o ano, pero baka dahil ito sa tatlong araw na may dalaw ako.

Tatlong araw lang ang regular days ng dalaw ko, malaking pasasalamat ko iyon bilang babae. Si ate kasi madalas ay apat o limang araw, pero ako hindi.

"Anong oras ba ang klase mo?” nasa kusina kami ni ate habang nag-aalmusal, dumaan siya dito bago pumunta ng trabaho. Si ate ay graduate ng master degreen in finance, namamasukan siya sa banko bilang manager at gusto niya iyon.

Hindi gaya ko na hindi nais ang pinag-aralan.

Hindi sa pangit ang kurso ko, hindi ko lang talaga gusto ang maging nurse o ano mang ukol sa medication.

Sarili ko nga hindi kayang alagaan, paano pa kaya ang pasyente ko?

”Alas otso pa, te..” sagot ko, inilapag ko ang kutsara ng matapos ako sa pagkain. "Ihahatid mo ako?”

tumango siya. ”Oo, para naman ma-experience mo ang bago kong kotse..” nakabili si ate ng kotse para sa sarili niya, sariling sahod at sikap. Walang tulong ni papa.

”Tuturuan mo ba akong mag-maneho pagka-graduate ko?”   bigla ay nagka-interesado ako sa kotse, tumango siya.

”Sure, basta makapagtapos ka lang..” nag-ngitian kami na tila nagka-sundo sa isang bagay, ngunit napawi rin ang ngiti ko ng maalala si mama.

Kahit naman mabunganga minsan si mama ay mahal ko iyon, strikto minsan ngunit pinagbibigyan naman ako madalas. Kailan ba babalik si mama?

”Wala pa bang balita kay mama?” natigilan si ate sa tanong ko, hindi ko kayang magtiis na hindi tinatanong kung napano na ba si mama, ngunit si ate ay tahimik lang at parang may alam sa nangyayari.

”Uuwi din si mama, aki. Wag mo muna siyang iisipin..”

”Paano ko siya hindi iisipin kung maglilimang buwan ko na siyang hindi nakikita, I miss her ate..”

”I miss her too, aki. May problema lang ngunit magiging maayos din ang lahat..” hinawakan ni ate ang kamay ko, pag sinabi ni ate ay maniniwala ako, panghahawakan ko ang paalala niyang ito.

Magiging maayos din ang lahat.

”Study well, okay?” tumango akong nakangiti kay ate habang nasa tapat na ng kotse nito, ngumiti si ate bago siya maglahad ng pera sakin. ”Sayo na 'yan..”

Mabilis akong umiling. "May allowance ako mula kay papa, ate..”

”Kahit na, tanggapin muna ito baka may nais kang bilhin..” ngumuso ako, kinuha ko na iyon dahil alam kung ipipilit niya ang pera hangga sa tanggapin ko.

”Salamat, te. Ingat..” masaya si ate ng umalis, maging ako ay magaan ang loob ko dahil binisita niya ako.

Si papa ay hindi madalas, abala siya araw araw na parang laging may importante.

Hindi katulad ng buo pa kami, lagi siyang may oras.

Pero ngayon, ibang iba na.

Na kay claire na lahat ng oras niya at atensyon.

Napabuntong hininga ako, hindi na dapat ako nag-iisip ng malulungkot na bahay, tama na muna.

”Akimara..” nag-angat ako ng tingin sa lalakeng tumawag ng pangalan ko, its sakuragi again with his gang, Ewan ko ba kung bakit hindi bawal ang buhok niyang iyan sa dominican, pulang pula kasi ngunit bagay naman dahil maputi siya.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Where stories live. Discover now