Chapter 15

184 9 0
                                    

Akimara Pov.

('Kapatid')

Malamig ang hangin na pumapasok sa bintana, may kaonting sikat ng araw na pumapasok doon kasabay ng paghuni ng dalawang ibon. Unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa lamig ng panahon ngunit nanatili akong nakahiga sa kama.

Sabado ngayon at walang pasok, sobrang bilis talaga ng panahon at weekend na naman. Parang kailan lang ng yayain akong lumabas ni tristan noong isang araw, nakakagulat man ay hindi ko na iyon masyadong sineryoso. Utang iyon at ang tanging kapalit ay ang pagsama ko sa kanya bukas. May nalalaman pa siyang 'you owe me a date' kakilabot na linyang 'yan.

Umupo ako sa kama at tinaas ang dalawang kamay, nakakatamad ngunit kailangan kong bumangon upang linisin ang bahay at maglaba. Linggo na bukas at baka umuwi na si mama, hindi niya dapat madatnan ang bahay na madungis. Siguradong masesermonan na naman ako at baka sumpungin ng kaistriktuhan.

Malalagot ako kung nagkataon.

Tumayo ako dala ang towel, nagtungo ako sa banyo upang maghilamos lamang. Mamaya na ako maliligo dahil pagpapawisan lang rin ako.

Mahaba-habang araw na naman para sa paglilinis.

Matapos iyon ay naghanda ako ng simpleng almusal, binuksan ko ang speaker at nagplay ng tagalog mild music. Idolo ko talaga ang mga makalumang kanta, hindi ko alam kung bakit sa edad kong ito ay hindi ako nahilig sa mga bagong tugtugin, All i want is classic and old songs.

Habang tumutugtog ang musika ay nagtungo muna ako   sa tindahan, wala akong load at nais ko sanang makausap si mama kung makakauwi ba ito bukas. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap at nagtataka rin ako kung bakit wala man lang siyang mensahe upang maghabilin. Siguro ay ubod siya sa pagka-busy kaya hindi niya na magawa.

Nasa gilid ako ng kalsada habang iniisip si mama ng matanawan ko ang pamilyar na tindig, nakayuko itong nakasandal sa pader. Gaya nung unang kita ko dito ay naninigarilyo na naman siya. Walang pinagbago, maging ang ayos at itsura nito ganun parin, gwapo as always.

When our eyes meet i immediately look away, nag panggap akong hindi ko siya nakita at dumiretso ako sa tindahan. Kumakabog na naman ang puso, mababaliw na naman ako habang narito siya sa paligid. Ano bang ginagawa niya dito? Ilang araw ko siyang hindi nakita at ang huling pagkikita namin ay noong gabing may kasama siyang iba. Hindi man lang kami nakapag-usap 'non, syempre hindi niya rin naman ako pinansin. Dapat lang na iwasan ko ito dahil hindi na siya nakakabuti sa kalusugan ng puso ko.

Pansin ko ang paglapit nito sakin, maging ang pabango niya ay nalalanghap ko ngunit hindi ko siya nilingon. Kinuha ko ang papel at doon sinulat ang numero ko upang ibigay sa tindera.

"Kumusta, mara?" halos magsitayuan lahat ng buhok ko sa tenga ng magsalita siya, buong buo ang boses niya at napakalambing. D*mn, anong malambing?

Sinulyapan ko ito, pinilit kong hindi maging interesado sa presensya niya ngunit parang natutupok ang sarili kong katatagan sa mukha nito. Napalunok ako at muling nag-iwas ng tingin, hindi makasagot at walang masabi.

"May gagawin ka ba ngayong araw?" eto na naman ang malambot niyang tinig, nakaka-leche at gusto ko ng umuwi. sinasadya niya yatang palambutin ang boses niya upang madala ako.

"Abala ako ngayon.." malamig na tugon ko, nagbayad ako sa tindera at agad ng tumalikod. Ngunit eto siya at nakasunod sakin, ano bang kailangan niya?

"Ikaw talaga ang hinihintay ko.." medyo natigilan ako sa sinabi niya. "Nahihiya kasi akong dumiretso sa bahay niyo, baka may ginagawa ka.." huminga ako ng malalim bago ito balingan.

"Ano bang sadya mo?" mataray ako kung magtanong, pansin ko ang pagkurba ng labi niya habang mataman kung tumingin.

"May sasabihin lang sana ako sayo.."

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon